Chapter 4

129 14 14
                                    

Pag katapos namin mag usap ni Kenneth umuwi na ko kahit may klase pa ko ng hapon nag text na lang ako kay Deanne na hindi na ko makakasabay na umuwi dahil nakauwi na ko. Pag dating ko sa bahay si mama ang bumungad sa akin na naunuod ng TV

"Anak bakit ang aga mo hanggang mamaya pa ang klase mo hindi ba?" tanong neto sa akin.

"Masama po kasi ang pakiramdam ko ma kaya umuwi na ako" dumeretso ako sa kusina at uminom ng tubig.

"Kumain ka na ba? May pagkain jan sa mesa kumain ka na kung hindi ka pa kumakain"

"Tapos na po ma kumain kami ni Deanne kanina" sagot ko sa kanya.

"Si Deanne lang? Hindi mo ba kasama si Hermes?" Napatigil ako sa sinabi ni mama, eh pano naman namin siya isasabay kumain hindi man nga lang ako sinundan nung umalis ako hays.

"Hindi po ma, kasabay nya po ata yung ibang kaibigan niya, akyat na po ako sa kwarto ko mag papahinga po muna ako" hindi ko na hinintay sumagot si mama at umakyat na ko.

Pag pasok ko sa kwarto ay agad kong inilagay sa gilid ng kama ko ang bag ko at humiga ako. Kasalukuyan akong nakatitig sa kisame. Unang araw pa lang ang dami na agad nangyari. Paano pa sa mga susunod. Sinubukan kong umidlip kahit saglit ngunit hindi pa ko nakakatulog ng biglang nag vibrate ang cellphone ko. Pag tingin ko sa text na dumating ay si Hermes pala.

From: Alien Panget
Where are you can we talk?

Ano namang sasabihin ko dito ?

*****

Nagulat ako ng marinig ko si mama na tinatawag ako.

"Grace anak kakain na! bumaba ka na jan."

Nang marinig ko si mama agad kong hinanap ang cellphone ko pag tingin ko sa oras ay alas otso na pala ng gabi nakatulog pala ko kakaisip kung anong sasabihin kay Hermes. May ilang text ang di ko pa nabubuksan dahil nga nakatulog ako.

"Grace! Baba na kakain na" si mama nag sisigaw na sa baba

"Opo ma sandali lang po" isa isa kong binuksan ang ma message dalawa galing kay Hermes, Isa kay Deanne at Isa din galing kay Kenneth. Inuna kong basahin ang mensahe ni Deanne sabi nito ay sa school na lang daw kami mag kita bukas. Si Kenneth naman sabi ay pag usapan namin bukas ang gagawin para sa trabahong naka assign sa amin sa magaganap na college week. Pag katapos kong basahin ang mensahe nila ay binuksan ko naman kay Hermes.

From: Alien Panget

Mag kita tayo sa play ground ng 7:30, Mag aantay ako.
Nandito na ko.

Muli akong tumingin sa orasan malapit na mag 8:15 ng gabi kanina pa siya nandun agad akong tumakbo palabas ng kwarto at nag paalam kay mama

"Ma! mamaya na po ako kakain aalis muna ko sandali babalik din po ako kaagad" nag salita pa si mama pero hindi ko na pinansin agad akong dumeretso sa play ground kung saan kami madalas mag laro dati ni Hermes. Pag dating ko doon tama nga ako, nag antay siya. Marahan akong nag lakad papalapit sa kanya at umupo sa katabing duyan na kanyang inuupuan.

Walang nag sasalita, parehas kaming tahimik, hindi ko alm ano ang dapat kong sabihin,

"Ah--" sabay naming sabi.

"Sige mauna ka na" sabi niya. Huminga akong malalim bago nag salita.

"Sorry pinag antay kita ng matagal, nakatulog kasi ako" naka yuko kong sabi.

"Ayos lang, Chanak, may gusto akong malaman." tumingin ako sa kanya

"Ano yun?" Bigla siyang lumingon sa akin

By Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now