Chapter 16

120 10 27
                                    


Mag aalasais pa lang ng umaga ng umalis sila mama at papa baka mamayang gabi pa ang balik. Nag text sakin si Hermes na mag kita kami kaya sabi ko dito na lang sa bahay mamayang alas nuebe ng umaga, alasyete pa lang naman kaya may oras pa para gumawa ng almusal. Nag linis din ako sa bahay, pag katapos kong mag luto ay nag palit ako ng damit dahil basa ako ng pawis. Habang nasa sala ako may kumatok. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin si Hermes.

"Nandito ka na pala alien pasok ka"

"Good Morning Chanak" pumasok na ito sa loob.

"Kumain ka na ba?" tanong ko.

"Chanak may gusto akong sabihin sayo" sabi niya sa akin.

"Ako din alien may sasabihin sayo pero mauna ka na" ngumiti naman ako.

"Courtney gusto kitang ligawan, hindi pa naman huli ang lahat diba? hindi pa naman kayo ni Kenneth at ako naman ang mahal mo" nagulat naman ako sa sinabi niya.

"H-hermes"

"Please I want you to be mine, nawala na sa akin si Ysabelle dahil sa lalaking yun hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawawala ka sa akin" umatras ako ng kaunti sa kanya.

"K-kami n-na ni Kenneth" mahinang sabi ko. Bigla siyang humakbang papalapit sa akin.

"Anong sabi mo?" patuloy pa din siya sa pag hakbang hanggang sa wala na kong maatrasan.

"Hermes umalis ka na saka na lang tayo mag usap" pinilit ko siyang itulak ng bigla niyang hawakan ang mag kabilang kamay ko.

"Hermes ano ba bitawan mo ko!" nag pumilit akong pumiglas sa pag kakahawak niya.

"Ako ang mahal mo pero bakit mo sinagot si Kenneth ha?!!" galit na sigaw niya sa akin. Hindi ko pinakita na natatakot na ako.

"Siya ang mahal ko at hindi na ikaw! Umalis ka na!" piniliit niyang halikan ako sa labi ngunit umiwas ako at nag pupumiglas.

"Hermes ano ba bitawan mo ko please" naiiyak na sabi ko, nag umpisa siyang halikan ako sa leeg pero hindi pa rin ako tumigil sa pag pupumiglas.

"T-tama n-na" nag-iiyak ako habang pinipilit na kumawala sa ginagawa niya. Mag pupumilit sana siyang halikan ulit ako sa labi ng biglang bumukas ang pinto at may sumuntok na lang bigla sa kanya dahilan para mabitawan niya ako.

"Tarantado ka!" dalawang beses pa nitong sinuntok si Hermes bago ito lumapit sa akin. Napaupo ako sa sobrang pang hihina at hindi mapigilan na umagos ang mga luha ko.

"Courtney" niyakap niya ako.

"K-ken" nag-iiyak na sabi ko. Hinaplos niya ang likod ko. Nakita kong akmang tatayo si Hermes ng mapansin ito ni Ken.

"Wag mong susubukan lumapit sa girlfriend ko, dahil hindi ako mag dadalawang isip na basagin ang muka mo ng wala ng makakilala sayo" galit na sabi neto. Iyak pa din ako ng iyak at hindi ko binibitawan pag kakahawak ko sa damit ni Ken.

"Umalis ka na" madiin na sabi ni Ken kay Hermes. Ang sama naman ng titig ni Hermes kay Kenneth, tumayo ito at umalis. Wala pa rin akong hinto sa pag iyak. Hindi pa din ako tumitigil sa pag iyak at nanginginig pa din sa takot.

"Tahan na, nandito na ko hindi ko na ulit hahayaan na makalapit siya sayo" tinulungan niya akong tumayo at pinaupo sa sofa. Kumuha siya ng tubig at pinainom ito sa akin.

"Salamat, kung hindi ka dumating--" naputol ang sasabihin ko dahil tumulo nanaman ang luha sa mga mata ko.

"Shh tama na hindi na yun mauulit, mabuti na lang at hindi naka lock ang pintuan nyo kung hindi mahihirapan akong pumasok.

By Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now