Exquisitely Missed

40 7 0
                                    

Lumipad kami ni mama papuntang Cebu and started a new life again. I was transfered to one of the prestigious universities there which is basically much bigger than my previous school.

Days,
Weeks,
Months,
and...years passed.

I got used with my life in Cebu. I've moved on katulad ni mama. Kinalimutan ko lahat ng nasa nakaraan. I burried all my childhood memories in the past and loved normally.

I found new friends but not a bestfriend. Pakiramdam ko ay hindi pa ako handang magkaroon ng panibagong attachment, alam nyo yun? Yung naka move on ka na naman pero di ka pa lang handa na ma ulit na naman iyon.

On my junior high school days, I was slowly being transformed. From boyish to really girly. Of course, nagdadalaga na ako noon and I even started to entertain suitors. Kahit na open naman ako kay mama sa lahat ng bagay, ayaw ko lang talaga sigurong pumasok sa relasyon kaya wala akong sinagot kahit isa.

Sa loob ng halos siyam na taon I can really say that my life in Cebu is almost perfect.

Until,

"Nak pakisagot ng tawag please." ani mama na busyng busy sa kaka pindot ng laptop niya. That was her job duties anyway so I understood.

Tumayo ako mula sa sala at inabot ang telepono sa ibabaw ng mini cabinet sa gilid ng TV namin.

"Yes, hello?" Pormal ang boses ko.

Walang sumagot sa akin.

"Sino to?" Dagdag ko as I took a quick glance at my mom who's now internly looking at me. May kunot sa kanyang noo. I just shrugged.

Rinig na rinig ko ang mabigat na paghinga sa kabilang linya.

"Hello? May kailangan ka?" medyo irita na ako niyan. Baka kasi nang ti-trip lang eh, marami pa namang prank calls nung mga panahong iyon.

"Ikaw si-siguro s-si Sunshine Vallejo?" The voice was sweet and I can sense some nervousness. I pretty know the voice was just around my age.

"Ako nga, why do you know my name? Who are you? Mag kakilala na ba tayo?" sunod sunod kong tanong.

Matagal na natahimik ang kabilang linya kaya napatingin ulit ako kay mama and I received that annoyed look from her.

"Im...Mekaela." She responded with an obvious shaky voice.

"Mekaela?" Medyo nag isip muna ako kung may kakilala ba akong Mekaela ang pangalan sa school, kaso wala eh. "Anong kailangan mo sa akin?" Hindi ko na narinig ang sagot niya nang tumayo si mama at kinuha mula sa akin ang telepono.

Napataas nalang ang kilay ko. Sinenyasan nya ako na umupo na sa sala at siya na ang kakausap. As said, pumunta nalang ako ng kitchen at kumuha ng makakain ko.

That was a Saturday afternoon and I am freaking hungry! Sa loob ng halos siyam na taon, tanging pagkain ang naging bestfriend ko roon kaya masasabi ko talagang tumaba ako ng kaunti. Pero hindi naman overweight Jbtù;jv, sakto lang.

Pagbalik ko sa sala ay nakaupo na si mama. Hindi pa nga ako nakakaupo ay bigla na siyang tumayo. Na shock ako syempre, there's something in that call that made her eyes teary.

"Anak, kailangan nating umuwi ng Davao." she worriedly stated, not maintaining eye contact towards me.

"What? Why? An-ano ba kasing nangyari? Sino iyong tumawag mom?" I was confused.

Parang dati lang kasi binura niya na sa mapa ng pupuntahan namin ang lugar ng Davao. Tas ngayon, di ko maintindihan! Sino ba kasi iyong mekaela na iyon at ganito ka desidido ang mukha ng mama ko para iwan ulit ang nakasanayang buhay namin? The reason should be valid and acceptable!

My Delicate Sunshine |COMPLETED|Where stories live. Discover now