Unforgettable Encounter

37 7 0
                                    

Days after it happened, hindi na ako mapakali. It was like i am itching to talk to him again, to chitchat with him, to hear his jokes, to punch him again and..to say sorry to him.

Gusto kong malaman niya na hindi ko ginusto ang nangyari, we were still kids. That I could not fight against the decision of my mother. I want to tell him that I still want to bring our friendship back to life. Handa akong sayangin ang panahong iginugol ko sa Cebu para mag move on

Kaso paano ko ba siya kakausapin muli? I'm afraid he might be angry. Kasi kung hindi, edi sana kinatok niya na ang bahay. Sana kinamusta niya na ako. Sana nakipag usap na siya sa akin diba? So silly of me to think that way. Of course he's angry!

Ikaw ba naman ang iwan ng walang paalam matapos niyong mangako sa isat isa na walang iwanan diba?

One evening before the fiesta of our place. Inutusan akong mag grocery ni mommy, gusto ko sanang magpasama sa kapatid ko ngunit naka duty pa siya kaya no choice ako. I have to walk alone. Anyways, kabisado ko parin naman ang daan. Ang sarap nga sa feeling eh, yung nag rereminisce ka saglit sa lahat ng nadadaanan mo.

I arrived at the supermarket at agad na humablot ng isang malaking tray. Medyo nasagi ko pa nga yung lalaking nasa likuran ko eh. Kaya humarurot na ako sa loob ng grocery, nahiya na ako at di ko na siya lumingon. Bahala siya, maganda ako!

I started to grab all the needed ingredients for tomorrow's event. Kahit na ay di ko trip mag luto, masarap rin akong magluto pag may fino-follow na ingredients noh.

Abalang abala ako sa pag uusisa kung fresh ba ang prawns nila sa seafoods section ng may mabanggang ibang tray ang tray ko. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong si Seb iyon.

Yes! It's none other than Sebastian Villamor!

I got frozen on my track. Nakatayo lang ako roon for i dont know how many seconds. Napaawang pa ang labi ko. My heary was pounding so fast that I could even hear it! Shit, make some move Shine! I swear, I really look stupid.

"Hi" sambit niya as he shifted his cart wheel para mas magkalapit kami. Heaven knows I'm counting my breath. "Kumusta ka na Shine?" the way he talk was way too friendly. Ganun parin siya kagaya ng dati. So comfortable to be with.

Hindi ba siya galit sa akin?

"Kilala mo pa pala ako." I nervously laugh as I managed to grab some shrimps on my cart.

"Bakit naman hindi?" Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya and he's now giving me that mysterious yet fascinating smile.

The nervousness in my heart vanished I returned his gaze. That dark blue eyes of him, still shouting like he's still the same old Sebastian during our childhood lives.

"Kasi iniwan kita?" I raised my right eyebrow.

Nagsimula na kaming maglibot sa buong store para mamili pa ng kakailanganin, nakasunod lang ako sa kanya. Di ko nga alam kung bakit eh. Dahil siguro gusto ko nang magkausap kami at makahingi ako ng tawad.

"Iba naman siguro yung napilitang umalis kaysa sa nang iwan." Seryoso siya habang patuloy na binabasa ang food review ng mga raw foods doon.

I got his point, di ko siya iniwan. Kasi kung iniwan ko siya, hindi sana ako bumalik.

"Still, i'm sorry Seb." I gathered all my courage to make him face me straightly.

"Tsk!" ginulo niya ang rebonded at kulay brown kong buhok. "You're back to being girly again?" He laughed, as he studied the way I dressed and the way I arranged my hair.

"You changed a lot." sabi niya sabay iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Hinabol ko parin siya, kahit mabilis siyang maglakad kasi mataas ang bisig niya, mabilis naman akong tumakbo kahit medyo cute ang height ko. Bakit ba.

My Delicate Sunshine |COMPLETED|Where stories live. Discover now