Chapter 1: Start of the dream

110 5 13
                                    


{Chapter 1}

"Seasons are changing and waves are crashing
And stars are falling all for us.
Days grow longer and nights grow shorter
I can show you I'll be the one"

- Red Jumpsuit Apparatus
[Your guardian angel]

"G-goodnight my love, you will never be alone"

"I am the Moon in every Night. The stars will fulfill our wish and I will wake up when the clock strikes 11:11. I will find you in a place where You and I exist. Goodnight my love... let's sleep"

Napabalikwas ako ng higa at pagmulat ko ay puting liwanag kaagad ang bumungad sa akin, wait nasa langit na ba ako? My head freaking hurts while I don't know the reason why. Hinawakan ko ang pisngi kong basang basa galing sa luhang nilabas ng mga mata ko. Pero bakit?

Nasaan nga ba ko? Tsaka bakit ang sakit ng katawan ko? Gosh yung ulo ko parang nahulugan ng bakal sa sobrang sakit. Mapapa awit ka na lang. Di mo alam meaning non noh? Awit- Aww shit ibig sabihin non. Ayy teka, sakit ata yon.

Hindi ko alam pero ang sakit ng puso ko, siguro dahil sa napanaginipan ko? Wait...ano nga ulit yon? Di ko na matandaan. Sa bawat segundong lumipas nang magising ako ay unti unti ring nabubura ang ala ala ng panaginip ko. May isang lalaki na tinulak ako tapos nasagasaan siya. Ang labo ng imahe nung mukha kaya di ko maalala yung itsura niya.

People tend to forget their dreams once they wake up, but they remember small details about it. Ang naalala ko lang, yung sinabi ng lalaki sa panaginip ko pero sino ba yung taong yon?

Did it really happen or did I just dream it?

I tried to sit on the bed, but I can't even move my head. Wow magkatunog nice one. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita kong may tubong nakakabit sa braso ko. Nasa hospital ako?!

Napansin ko yung mga benda sa aking braso at binti, nakabalot din ng tela ang buong ulo ko. Tsaka ko lang ulit naramdaman na masakit ang aking buong katawan. Maraming katanungan sa isip ko na gusto kong masagot. Why am I even here and what the hell happened to me?

Nakita ko rin ang nakasabit na orasan na nakatapat sa akin. 11:11pm. Marahil sira ang orasan dahil hindi ito gumagalaw. Nanikip naman ang dibdib ko nang makita ko ang oras. Parang... may bagay akong nakalimutan.

Sisigaw na sana ako nang bumukas ang pintuan ng kwarto. Iniluwa nito ang isang babae at lalaking gulat na gulat nang makita ako. The woman immediately went in front of me and the man called the doctor.

"Doc! Doc gising na siya!" ako ba tinutukoy ng lalaking sumigaw? Malamang self wag kang tanga.

"Selene anak, ano nang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Jusko nag alala kami ng sobra, akala namin di ka na magigising" bahid ang pag aalala sa boses ng babae. Teka, bat kilala niya ko? Talagang second name ko pa ang tawag niya sa akin.

Kumunot ang noo ko at tinignan siya.

"Who are you?"

Napatakip naman ng bibig ang babae at nakita kong nangilid ang luha niya. Mabaho ba yung hininga ko? Nanlaki rin ang mga mata niya na parang gulat na gulat at napalayo sa akin. Kailan nga ba ko huling nag toothbrush?

"Di mo kami maalala?"puno ng pagtataka niyang sabi. Her tears fell from her eyes and I can see her pain. I immediately shook my head out of confusion.

11:11 A Minute to rememberWhere stories live. Discover now