Chapter 6: The Right One

53 3 2
                                    


{Chapter 6}

"This one goes out to the one I love
This one goes out to the one I've left behind
A simple prop to occupy my time
This one goes out to the one I love"

- R.E.M
[The one I love]

Lumipas ang ilan pang araw at ngayon ay Friday na. Iba iba ang sched namin nila Claud pero pare-pareho kaming walang klase bukas. We decided to have a sleepover at my house. Mamaya ay sabay sabay kaming uuwi galing sa school then we'll go to the mall.

Sinabi ni Mama H na babalik na siya sa trabaho dahil matagal siyang nagleave para alagaan ako. Marami pa siyang trabahong tatapusin kaya kinakailangan niyang manatili roon ng ilang araw. Napag alaman kong office secretary pala si Mama H at engineer naman si Papa L. May aasikasuhin rin si Papa L sa isang site kaya ilang araw din siyang mawawala.

We asked for their permission if we can have a sleepover and they agreed. They reasoned out that I should be with someone while they're gone. Tuwang tuwa naman ang mga loka dahil excited na raw sila. After naming mamili sa mall ng groceries mamaya, tsaka na magsisimula ang #sleepoverparty sa bahay.

Wait, Kai's going to be there but he's not sleeping with us. Uuwi na agad siya after dinner.

Kasalukuyan akong nagkaklase sa subject ni Sir Razen, which is Biology. He began talking about our new lesson while writing in the white board. He connected his computer to the flat-screen TV above the center of the room. Nakita namin yung wallpaper ng computer niya sa TV at nagsigawan naman yung mga kaklase ko.

"Yieee Ser sino yan ha?"

"May jowa ka na Sir? Sayang hmp"

"Wiwit cute ng gf mo Ser ah!"

Nakangiti lang si Sir sa amin kahit na mukhang may malalim siyang iniisip. Napatingin ako sa babaeng wallpaper niya. Weird, parang nakita ko na siya dati ah. Nagsimula na siyang magdiscuss about Evolutionary Biology. Hayst tinatamad pa naman ako sa araw na ito. Ayy mali, lagi pala hehe.

"First, what is evolution? Evolution is the change in the characteristics of a species over several generations and relies on the process of natural selection."

"While Evolutionary biology is the subfield of biology that studies evolutionary processes that produced the diversity of life on earth. It is a subdiscipline of the biological sciences concerned with the origin of life and the diversification and adaptation of life forms over time." dagdag pa ni Sir.

Btw if tinatanong niyo kung nasaan si Night, nasa harap ko siya ngayon. Buti na lang at magkaklase kaming dalawa sa subject na to, kahapon kasi halos hindi ko siya nakita dahil sa magkaibang schedule namin.

Simula nung first day of school, madalang ko na lang siyang nakakausap. He barely talks to me, and I don't know why I'm affected. Kinakausap niya lang ako whenever I ask something pero sa iba normal ang pakikitungo niya. May galit ba yon sakin?

Alam niyo kung anong nakakainis? Sa lahat ng klaseng magkaklase kami, lagi siyang umuupo sa malapit sakin. 'Weh nainis ka? Di halata bHie' Hoi Emerald wag ka nga biglang nagsasalita. Creepy mo bHie.

Habang nakatingin ako sa tinuturo ni Sir, di ko maiwasang mapatingin sa mukha niya. Pamilyar eh, parang nakita ko na siya dati. May naisip naman akong theory kaya agad kong tinanong si Night para kumpirmahin ito.

Kinalabit ko siya ngunit hindi pa rin siya lumilingon. Hanggang sa di na ako nakatiis at binatukan ko na siya. He groaned and irritably turned to me.

"What do you need this time?" parang may nakikita akong umuusok sa ilong niya sa sobrang inis. Bat parang dinaig niya pa ko kapag meron ako? Nagkakaregla rin ba ang mga lalaki?

11:11 A Minute to rememberWhere stories live. Discover now