Chapter 3: Never fall in love

94 5 5
                                    


{Chapter 3}

"Your smile, so much joy from such a simple thing
Like an old wheelbarrow filled with summer rain
A blue sky day and sun on my face
And your smile"

- Josh Turner
[Your smile]

Isang linggo na ang lumipas pero di ko pa rin makalimutan ang mga sinabi niya. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Bakit kaya ayaw niyang lumabas ng bahay? Hinihintay ko pa man din siya lagi. I don't know why but I always find myself going under that tree to wait for him. It's like I've done it before but I just can't remember.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi niya. Di ko talaga gets eh, dahil ba slow ako o di lang niya maipaliwanag ng maayos?

Btw kakagaling ko lang sa puno, umuwi na rin ako makaraan ang kalahating oras na paghihintay sa kanya. Hapon na nga pala ngayon. Ewan ko ba, para kasing ginagawa ko na yon dati. Tuwing umaga o hapon ako pumupunta roon, hindi naman ako masyadong naiinip kasi nagbabasa ako ng libro o kaya'y magccp. Bagong bili yung cellphone ko, tinanong ko sila kung nasaan yung cp ko bago maaksidente pero di naman nila ito sinagot.

Pagpasok ko sa bahay at bumungad sa akin ang loob nito, tanga lang? Diba sabi ko sainyo magho-hometour ako? Eto na yon guys alam kong excited na kayo. Wow vloggerist?

Sa harap ng sofa ay may flatscreen tv at nakapatong ito sa wooden cabinet. Tama ang narinig niyo, FLAT. Matamaan sana kayo hihi. Dalawa yung sofa namin, the bigger sofa is for 3 people while the other one is smaller and it can accommodate 2 people. There's a small round table near the sofa at may nakapatong dito na isang flower vase. That's the living room.

In the dining area, mayroon ditong rectangle shaped marble table na may 6 na upuan. May isang gray refrigerator naman na malapit dito. Sa kitchen naman nakalagay ang mga appliances for cooking. May oven, toaster, coffee maker and etc. Sa tabi nito ay may cook top stove at sa taas nito ay may nakalagay na something, basta exhaust daw tawag don e para lumabas yung usok. Nakatiles ang buong kusina ng marble design and I must say that the house is clean and it looks modern.

The walls are painted white with gray on the bottom of it. May chandelier din na nasa ceiling at may ilaw na round shape sa taas ng dining table. It can change into three colors, basta tsaka ko na ipapaliwanag. Yung sa restroom naman, next time na rin kakatamad e hihi.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko. The second floor consists of 3 rooms. One for me, one for my parents and the other one is a guest room. Peach ang color ng wall sa aking kwarto habang pastel design naman ang theme nito.

May tv rin na mas maliit kaysa sa tv ng sala at sa ibabaw nito nakalagay ang split type na aircon. May queen sized bed sa left side ng kwarto na may gray bed sheet. May apat din akong unan na pastel pink ang kulay. May black drawer din na nasa gilid ng kama ko at may study table sa kanang bahagi ng room na kung saan ay may bintana doon. Nakakainis, naalala ko tuloy siya. Nawala na tuloy ako sa mood, next time na ulit ang room tour.

Pagpasok ko sa loob ay humiga agad ako sa kama. This is exactly the kind of life I wanted. Hindi mahirap at hindi rin sobrang yaman. Dito, wala akong kapatid kaya wala akong kahati sa atensyon ng mga magulang ko.

Actually, natatanggap ko na ang ganitong buhay dahil ito rin naman ang pinangarap ko. Kaso may kulang pa rin e, I just couldn't figure out what it is. Napatingin ako sa picture frame na nakapatong sa drawer ko. Ngayon ko lang ito napansin.

May isang bata na nakapasan sa isang matandang lalaki habang hawak nito ang kamay ng isang matandang babae. Nakangiti silang lahat habang magkakasama. A tear escaped from my eyes when I realized who it was, it's a picture of me when I was a kid with my grandparents.

11:11 A Minute to rememberWhere stories live. Discover now