Chapter 7: The Sleep over

54 2 4
                                    


{Chapter 7}

"When you fall, you're gonna hit hard
When you love with your whole heart
Remember the hard times make it you
That's when we'll show the world
They're not gonna break us"

-Bella Thorne
[Burn so bright]

Nagpaalam na sa amin si Night dahil uuwi na raw siya. Dali dali siyang umalis matapos nung eksena namin kanina. Hayst ba't kaya? Nagpunta naman na kami ni Kai sa hypermarket na kung saan ay namimili na siguro sila Claud ng bibilhin. I just hope that they are not yet finished, cause I'm going to bury them like a slapsoil if they do.

"Ngets! Akala namin dinukot ka na ng Van!" sambit ni Claud at binatukan naman siya ni Rein. Mukhang hinintay nila kami dahil nasa harap pa lang sila ng hypermarket para abangan ang pagdating namin ni Kai. Buti naman ay hindi pa sila nagsisimula.

"Susko nasa Mall tayo, pano mangyayari yon ha?" hinampas lang ni Claud si Rein sa sinabi nito at sumabat naman si Mel.

"Sana nga makidnap ka ni Van" tsaka ko lang napagtanto yung tinutukoy niya. Oo nga pala, si Van yung Mr. Huggies. She smirked at Kai while he rolled his eyes at her.

"Sana madukot ka ng mga naka M.U mong puro J yung first letter ng name! Nyenye iniwan ka lang" tawa ng tawa si Kai at napikon naman si Mel dahilan para hagisan niya ito ng bote ng C2 na nagmula sa bag niya.

Pero, sa iba tumama.

"Shoot, I'm really sorry. I didn't mean to do that." paghingi ng ng tawad ni Mel sa lalaking natamaan niya sa likod. Nagulat naman kami nang humarap ito sa amin. Teka... siya yung kasama ni Van sa gym!

"Did you do that on pur—Oh Hi girls" biglang nagbago yung ekspresyon niya nang makita kami. Nakangisi na siya ngayon at isa isa kaming tinignan. Bat nung una parang galit siya pero naging maamo ngayon?

"Ali! Anong ginagawa mo rito?" seryosong tanong ni Kai. Whoah so magkakilala sila?

"Duh obvious ba Klyde? Edi bibili siya" sabat naman ni Claud at nagkatinginan sila nung Ali. Namula naman si Claud at umiwas ng tingin.

Luh? Luhnde.

"Ah Selene. Lagi kang hinahanap ni Van, why don't you talk to him?" nakangiting sambit ni Ali sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"She doesn't need him, Ali. Please tell him to stop pestering our friend. He's the reason why it all happened." matalim ang titig ni Mel kay Ali pero nginisian lang siya nito.

"I better get going. Bye Klyde, bye girls!" kinindatan niya kami isa isa at napairap naman si Mel. Napatawa na lang ako sa reaksyon niya habang si Rein naman ay walang pakialam. Lumapit si Ali kay Claud at kinuha niya yung kamay niya pagtapos ay hinalikan ito.

"I'll see you again next time" nginitian niya si Claud bago umalis. Napawow naman kami na bigla pa rin sa nangyari. What the hell?!

"A-ano yon?" pinutol ko yung katahimikang naghari sa amin.

"Feeling ko, ako talaga yung tinamaan" hindi makapaniwalang saad ni Claud. Napatawa naman ako ng pagkalakas lakas.

"BWAHAHAHA IKAW NGETS AH MAY LABLAYP KA NA YIEEEE" pang aasar ko kay Claud na kasing pula na ng kamatis ang mukha. Tumalikod si Claud sa amin at impit na napatili.

"KYAHHHHH IHHHHHH" pinitik naman ni Rein yung noo ni Claud dahilan para mapatigil siya.

"Hoi Claudine! Wag kang papatol don. Andami na nong naging jowa sa school, wag ka nang dumagdag pa" pangaral ni Lola Rein sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

11:11 A Minute to rememberWhere stories live. Discover now