PROLOGUE

150 12 2
                                    

Nagising ako dahil sa paulit ulit ulit na tumatawag sakin. Nainis ako nung una pero ng makita kung sino ang tumawag ay agad akong nabuhayan ng dugo.

[Uuwi na ako ng Pilipinas!!] bungad ko. hindi maitatanggi ang saya sa aking boses dahil sa wakas, makalipas ang apat na taon makakauwi na rin ako sa bansa namin.

[ABA HOY MABUTI NAMAN AT MAY BALAK KA PA PALANG UMUWI YNA!! SAKTONG SAKTO MAY REUNION TAYO NINA RHY KAYA DAPAT LANG NA UMUWE KA! ABA! ANO? HABANG PANAHON KA NA LANG DIYANG MAGMUMUKMOK? AYUSIN MO YANG BUHAY MO HINDI AKO NATUTUWA SAYONG GAGA KA!] hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil ang sakit sa tenga ng boses nitong si Nea pero in fairness namiss ko tong lukang to sarap ibaon sa lupa hmp!

[Ano ba? Naririndi ako sa boses mo! Uuwi na nga diba? Ano pang kinakasabog ng butchi mo diyan?] pabirong sabi ko.

[SIGURADUHIN MO LANG HA! DAHIL KUNG HINDI AKO MISMO ANG KAKALADKAD SAYO PAUWE DITO SA PINAS! SIGE NA BYE NA INAASIKASO KO PA TONG REUNION NA TO! SAKIT NIYO SA BANGS!]

[Gaga wala kang bangs! Sige na magiimpake na din ako bukas na ang flight ko e! See yah! Wag mong kakalimutang sunduin ako kundi malilintikan ka sakin!] binaba ko na ang tawag pagkatapos ko siyang paalalahan sa iba pang bagay.

Kinuha ko ang maleta ko at nagsimula ng magempake. Kinuha ko lahat ng damit ko dahil hindi na ako babalik dito. Habang nageempake ay hindi ko maiwasang tingnan ang kabuuan ng kwarto ko. Ito yung naging sandalan ko nung panahong wala akong matakbuhan kundi ang sarili ko. Umalis ako ng pilipinas at lumipad papuntang London, oo lumipad talaga ako! Djk! Syempre nageroplano ako! Kailangan kong umalis dahil hindi ko kinaya lahat ng sakit. Dito ko pinagpatuloy ang pag-aaral ko at ngayon ay ganap na akong Engineer. Di ba halata? Di ko rin halata e.

Pagkatapos kong magimpake ay naligo na rin ako para masarap ang tulog ko, gagaya mo pa ako sayong di naliligo pwe! Char! Bago matulog ay nagtweet muna ako.

@binibinixx
Wait for me Philippines :>

Papatayin ko na sana ang phone ko nang biglang sunod sunod na may nag notif madaming nagheart at madami ding nagcomment pero dahil mga papansin ang mga kaibigan ko, sila ang pasimuno sa comments.

@rhyvs Replying to @binibinixx
SA WAKAS AFTER 12345678 YEARS!

@nea_mot Replying to @binibinixx
share mo lang?

@Angelx Replying to @binibinixx
Hakdog!

@sofietot Replying to @binibinixx
Can't wait to bully our little engineer HAHAHAHHA

@hazelnuts Replying to @binibinixx
Pasalubong pag wala wag ka ng umuwe!

Sumakit ang ulo ko sa kanilang lima pero kahit ganyan ka luko luko ang mga yan. Trust me namiss lang ako ng mga yan. Pinatay ko na ang cellphone ko at chinarge. Maaga ang alis ko bukas dahil dapat 6am na sa airport na ako. 7:30 kasi ang alis ng eroplano.

Pagkagising ay tumayo na ako kaagad para magluto ng almusal. Mahirap kapag walang laman ang tyan sa umaga. Pagkatapos ay kumain na din ako at naligo. Matapos magayos ay tiningnan ko muli ang kwartong iyon. Hindi ko maiwasang mapaluha ng maisip ko lahat ng pinagdaanan ko doon. Lahat ng aral na natutunan ko ay mananatili sa utak ko. Tama na ang pagpapairal sa puso masyadong masakit usong gumamit ng utak kahit paminsan minsan lang. Bago ako umalis ay ngumiti muna ako sa kwartong iyon bilang pasasalamat sa lahat.

Pagkadating sa airport ay naghintay ako ng ilang oras bago tawagin ang mga pasaherong sasakay ng eroplano papuntang pinas. Pagkasakay ay pinikit ko na agad ang mata ko dahil antok na antok pa ako. Bitin ang tulog ko dahil pinapasa pa nung boss ko yung huling report ko bago ako nagresign. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami ng Pinas.

Nakalimutan kong banggitin na hindi lamang ako engineer. Ayokong umasa sa magulang ko nung panahong nasa London ako kaya naman nagmodelo ako roon para matustusan ang mga gastusin ko. Kahit papano ay nakaahon rin naman ako. Kung di niyo naitatanong ay maganda ako. diba? Lakas ng confidence. Lumakad ako na parang nagmomode, malamang nasanay na akong nagmomodelo doon sa London. Di rin nagtagal ay natanaw ko na ang mga kaibigan ko, sabi na nga ba hindi lang si Nea ang susundo e sinama niya pa talaga lahat!

"YNAAAAAA!!!" narindi ako agad sa boses ni Nea. Tumakbo ito papunta sakin at niyakap ako agad ng mahigpit. Di naman halatang sobrang miss na miss ako.

"Hoy Yna! Kung alam ko lang na nakakaganda pala ang tubig doon sa London ay sumunod na ako sayong gaga ka!" natawa naman ako sa sinabi ni Angel

Niyakap nila akong lahat dahil sa sobrang pagkamiss sakin. Aba apat na taon din yun no!

"pasalubong?" napakahayp talaga nitong si Hazel at pasalubong agad ang hinanap

"oo nga asan na? Yun talaga pinunta ko eh!" gatong naman ni Rhyvs

"Mamaya na nga kayo maghingian ng pasalubong tatanda niyo na pasalubong pa hinahanap niyo hala sige bilis sumakay na kayong lahat sa van at nagiinit na ang ulo ko sa inyo!" pabirong sabi ni Sofia.

"OPO NAY!" sabay sabay na sagot naming lima kaya naman sabay sabay din kaming napatawa.

Di rin nagtagal ay sumakay na sila sa van. Ako ang huling sasakay pero bago pa ako makasakay ay may nahagip ang aking mga mata.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makilala ang taong iyon.
Kabababa lang nito sa kotse at sinalubong ang isang babaeng may dalang bata na sa tingin ko ay dalwang taong gulang na. Kung titingnan ay muka silang masayang pamilya. Kinuha ng lalaki ang bata at masayang kinakausap ito. Kung titingnan ay parang sinundo niya ang babae at ang anak nito. Nagtataka na sila Nea kung anong sinusulyapan ko kaya naman sabay sabay ring tumingin ang mga ito.

"SHIT!" sabay sabay nilang sabi.

"Ahmm Yna ganto kasi ya--"

"No it's ok. I don't need an explanation. I already moved on." ngumiti ako sa kanila at sumakay na lang sa van para hindi na makita ang hindi dapat makita.

Pagkasakay ko ay agad akong pumikit at alam kong naintindihan nila iyon na ayaw ko ng pagusapan pa kung ano man ang nakita ko. Sa kabila ng lahat ng pinaghirapan ko para makalimutan lahat ng sakit pati ang taong iyon ay di ko parin maiwasang hindi masaktan.






Dahil ang lalaking yon ay walang iba kundi ang lalaking niloko ako noon.

~~~
hi guys! Hope u like it! :)

Masked Feelings Where stories live. Discover now