CHAPTER 4

26 1 0
                                    

"huy ghorl tulala ka na naman dyan" bumalik lang ako sa katinuan ng hampasin ako Nea. Pisting babae to saket manghampas!



"Ano ba kasing iniisip mo? Lalim naman di ko masisid eh" untag naman ni Hazel.


"Wag nga kayong praning! Iniisip ko lang kung anong isasagot ko sa exam sa isang araw. Hindi pa ako nagrereview kahit isang subject!!"

Totoo yon nastress talaga ako dahil wala pa akong narereview gusto ko na sanang magreview kagabi pero hindi natuloy dahil tumawag sakin yung kababata ko at nagdrama. Hay nako! Kalalaking tao napaka drama sa buhay! Dinaig pa ako.

"Ayan na naman tayo sa exam na yan! Pisti nabubuwesit pa din ako sa panot na propesor na yon! Wala akong maintindihan sa tinuturo! Pag ako naging F. A na at sumakay yan sa eroplano huhulog ko talaga yan!" nastress na untag ni Rhyvs.



"Chill ka lang sis, gaya ka saken nakakapag bar pa din ako kahit mageexam na" sabat ni Nea na syang nakapagpalingon samin sa gawi nya.


"Chill nga bagsak naman pag may quiz!" pangaasar ni Hazel. Kung nagtataka kayo kung baket apat lang kami, well wala kasing pasok si Pia at Angel sanaol diba? For sure nagrereview na yung dalawang yon.



"Hoy foul yan ha!!" sabi ni Nea habang puno ang bibig dahil sa kinakain.


"yuck! Dugyot ka talaga kahit kelan" nandidiri kunyaring sabi ko.



After naming kumain ay dumeretso na kami sa kanya kanyang klase. As usual, discuss dito discuss doon. Nakinig ako dahil nga exam na namin sa isang araw. Yung ibang subjects naman ay may pa surprise quiz buti na lang ay nagreview ako kaninang recess.



Matapos ang klase ay nagtext na lang ako kila Nea na uuna na ako dahil marami akong kailangan gawin at magrereview pa ako para sa nalalapit na exam. Wala namang masyadong ganap sa buhay ko.


Kung gusto nyong malaman kung anong nangyari after naming magkiss nung pesteng lalaking yon ay sinampal ko lang naman sya ng hindi lang isa kundi dalawa! Mag-asawang sampal yun bes! After non umalis na ako at 2 weeks na ang nakakalipas ay hindi ko pa sya nakikita hanggang ngayon. As if namang gusto ko syang makita eh nakakabwesit nga pagmumuka non! Atsaka hoy! Di ako defensive ha!


Pagkarating ko ng bahay ay ginawa ko na ang mga dapat gawin at nagstart na din akong mag-aral.




Mabilis na lumipas ang mga araw at tapos na ang exam namin, thanks G!
Di muna kami magkikita kita ng ghorls dahil rule na talaga namin na after exam, we need time for ourselves to rest, tapos sa isang araw saka kami magcecelebrate.



Nagpatawag ng meeting ang president namin para daw sa upcoming foundation day ng school. Siguro para yon sa mga activities na sasalihan namin.


"hi guys! Siguro alam nyo na naman ang mangyayari next next week, foundation day na natin, and dahil don magaassign na ako ng mga sasali sa activities." sabi ng President namin na si Mae.


Nagbulong bulungan na naman ang mga bubuyog. Bahala sila dyan wala naman akong planong sumali sa mga ganyan. I prefer to be alone or to be with the ghorls than to join that kind of activities.


" Pres! May basketball ba?"

"Pres! Sali ako sa volleyball ha? Lista mo na ako!"

" Pres may booth ba?"


"Pres! Single ka ba?"

Nagtawanan ang lahat dahil sa huling nagtanong. Dati pa man ay may gusto na talaga tong si Shaun kay Mae kaya di na bago samin ang mga ganyang moves nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Masked Feelings Where stories live. Discover now