CHAPTER 3

39 3 0
                                    

***

"san kita ihahatid?" tanong ng lalaking kanina ko pa kinaiinisan. Fafabels na sana kaso mukang ewan ang ugali. Bipolar ata to.



"Wow naghahatid ka pala ng taong di mo kilala" sarkastikong sabi ko. Inirapan ko din siya at tumingin na lang sa may bintana.


"I know you"


"yah of cour--  wait what?!!!" nanlalaking mata akong humarap sa kaniya.



"I said I know you." sabi niya habang nasa daan pa din ang mga mata.


"You're Yna right? So pede ko na bang malaman kung san ka ihahatid?" tanong niya at halos magkasalubong na ang kilay niya na animo'y surang sura na siya sakin.



"Pano mo muna ako nakilala? Stalker?" sabi ko sabay cross arms.


"narinig ko lang kanina." sabi niya sabay irap. Aba! Attitude? Buti na lang at yun ang sinabi niya, akala ko kasi ang sasabihin niya ay dahil dun sa naglaway ako. nyenye!



"Ang daya alam mo pangalan ko pero di ko alam pangalan mo" bulong ko sabay tingin ulit sa may bintana.

"Ash"

Napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya ito. Narinig niya pala.



"Ash? As in abo?" takang tanong ko. At nung narealize kong tama nga ako ay hindi ko na maiwasang matawa.

"don't laugh"

Mas lumakas pa ang tawa ko. Sa dami dami ng pangalan sa mundo ay yon pa ang naisipan ng nanay niya. Di rin nagtagal ay tumigil na ako sa pagtawa. Tiningnan ko siya at nakitang seryoso siyang nagdadrive. Naaalala kong tinatanong niya kung san ako ihahatid.


"pst! Abo!"

"stop calling me that"



"pag may nakita kang hotel na madadaanan natin dun mo na lang ako ihatid"


"why?"


"I don't wanna go home. At isa pa nasa second floor ang room ko, hindi ko kayang umakyat ng ganto ang lagay ko, atleast sa hotel naka elevator di ako mahihirapan."




Hindi siya umimik at nagdrive lang siya. Dahil na rin siguro sa alak ay unti unti akong dinalaw ng antok. Sumandal ako sa may bintana at ipinikit ang mga mata ko.





Bakit pakiramdam ko'y lumulutang ako? Nananaginip ba ako? Ayokong dumilat dahil sobrang antok na antok na talaga ako.



"Yna, wake up" pakiramdam ko'y may umaalog sa akin.




Unti unti akong dumilat at ng maaninag ko ang muka ni Abo na sobrang lapit sa muka ko ay agad nanlaki ang mga mata ko. Tumikhim ako at humarap sa gilid. Ngayon ko lang narealize na nakahiga ako sa kama. Sobrang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko'y ngayon lang tumalab ang alak! Walangya! Di na ako uulit!





Nilayo naman niya ang muka sakin atsaka lumapit sa may itim na closet. Kahit nakatalikod ang pogi pa din at malakas ang dating. Ang sexy ng likod niya what more kung humarap pa siya? Ulalam!!!


Napapikit ulit ako ng sumakit ng sobra ang ulo ko.



"tumayo ka diyan at magshower ka amoy alak ka" sabi niya habang inaabot sakin ang isang oversized shirt at isang boxers.




Hindi ko iyon kinuha dahil bukod sa masakit ang ulo ko ay nahihilo din ako. Ni hindi ko magalaw ang katawan ko.



"tsk" naramdaman ko na lang na lumabas siya ng kwarto. Baket pa ba siya nandito? At bat ganto nararamdaman ko? Para akong magkakasakit. Letse!




Masked Feelings Where stories live. Discover now