CHAPTER 1

54 10 2
                                    

***

"Isang buwan pa lang nastress na ako. Ganto ba talaga pag college?" nakaub-ob na sabi ni Nea.

"Nagutom ako kakaintindi dun sa panot naming propesor!" giit naman ni Rhyvs, balak ko sanang tumawa dun sa panot thingy pero gutom na din ako.

"Ako na lang oorder" sabi ko sa dalawa dahil tingin ko talaga ay hindi na makakabili pa ang mga yun. Muka ngang pinagbagsakan ng langit at lupa eh.

Naglakad ako papuntang bilihan ng pagkain tapos ay pumila na rin. Habang hinihintay kong matapos ang iba ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga kaibigan ko. Btw, engineering ang kinuha kong course dahil ang mommy at daddy ko ay parehas na architect, naisip ko lang na mag engineer para makatulong ako sa kumpanya namin. Kung hindi niyo naitatanong ay wala man lang akong namanang kagaling galing sa pagdodrawing kaya ayun, ang ending, engineering kinuha kong course.

Si Nea at Rhyvs palang kasama ko ngayon baka nasa klase pa ang tatlo ko pang kaibigan na sina Angel, Hazel at Sofia. Magkakaiba rin kami ng schedule eh.

"Hi ate! Ahm tatlo pong chocolate cake at tatlo rin pong drinks " nakangiting sabi ko sa tindera. Aba kaclose ko na ata to! minsan nga may libre pa akong candy dito eh, panes!

"ikaw pala yan Yna, sige ayusin ko lang order mo" sabi ni ate Maria. Pinagmamasdan ko siya habang inaayos ang order ko. Kahit mayaman kami ay naranasan ko ding magtrabaho nung summer. Hindi yun alam ng magulang ko. I have to work kasi gusto ko ng bumili ng condo at ayaw kong umasa sa magulang ko kaya nagiipon talaga ako.

Matapos makuha ang mga order ko ay naglakad ako agad papunta sa table namin. Binigay ko na sa kanila ang pagkain nila at tahimik lang kaming kumain dala na rin siguro ng pagod.

Pagkatapos kumain ay pumasok na rin kami sa kaniya kaniyang klase. Nakatunganga lang ako dahil hindi ko maintindihan ang dinidiscuss ng teacher namin. Napapapikit na din ako pero pinipigilan ko lang ang antok ko. Nakita ko ang kaklase kong si Banog naghahanap ng signal sa ilong, if you know what i mean! In short nangungulangot. Hindi ko mapigilang tumawa kasi kada may makukuha siyang kulangot ay pinipitik niya para magshoot sa bunganga ng kaklase kong tulog. Hanep! Iba iba din trip ng mga kaklase ko.

Pagkatapos ng klase ay dumeretso na ako sa cafeteria para maglunch, for sure nandun na silang lahat medyo nagover time kasi si Sir eh, kabadtrip! I wonder kung ilang kulangot kaya ang naishoot ni Banog sa bunganga ni Pungay? Ay ewan ko ba, bahala sila! Pati nickname nila ambabantot pakinggan!

Hinanap ng magaganda kong mata ang mga kaibigan ko, di rin nagtagal ay nakita ko na din sila ng kumaway sakin si Nea. Hanep din tong babaeng to, biruin mo nauna niya pa akong makita? Pero di na rin ako magtataka malaki naman mata niya eh!

"why so tagal ghorl?" sabi ni hazel habang nagpipicture ng kuko niyang bagong manicure. Sana ol maganda ang kuko ang akin kasi daig pa ang nginatngat ng daga!

"why so conyo ghorl?" panggagaya ko sa kaniya. Nakita ko siyang umirap at pinagpatuloy na lang ang pagpipicture sa kuko niya. Yawa! Maputol sana yan BWAHAHAHA

"Hoy tigil tigilan niyo yan ha, naiirita ako sa mga ganyang salita susungalngalin ko yang mga bunganga niyo!" nanlalaking ilong na sabi ni sofia samin. You know kasi guys, si Sofia ay para naming nanay, minsan nga daig pa si mommy kung manermon. Hmp!

Di ko namalayan na nakaorder na pala tong sina Angel dahil masyadong sabog ang utak ko sa mga topic kanina, dagdag mo na rin ang mga surprise quizzes. Kumain na kami ng tahimik, ganyan kami pag gutom walang pakielamanan. Matapos kumain ay nagkaniya kaniya kaming palipas ng oras.

"Nga pala dadaanan ko mamaya yung pinsan ko sa may UST may pinapakuha lang si mommy" sabi ni Rhyvs

"SAMAAAA!" sabay sabay naming untag. Napailing nalang si Rhyvs dahil for sure alam na niya na yun talaga yung maririnig niya.

"Madami bang fafabels dun?" tinaas baba pa ni Nea ang kilay niya habang nagtatanong.

"Aba Siz di ko knowings mamaya natin malalaman" tinaas baba rin ni Rhyvs ang kilay niya.

"Sana nandun na si Mr. Right" kinikilig na sabi ni Hazel

"May mga naririnig akong di naman raw masyadong kagwapuhan mga lalaki dun" sambit ko habang nagmamy day ng picture ko sa insta.

Nagkibit balikat lamang sila. Malapit ng mag time kaya naman nagsibalikan na kami sa kaniya kaniyang room. I salute our friendship kasi kahit na malayo yung building namin sa isa't-isa we still manage na magkita kita at magsama sama. We made our promise na kahit anong mangyari, we have to make time or find ways kung pano kami magkakasama sama.

Natapos na ang klase at napagusapan namin sa gc na sa may parking lot na lang kami magkikita kita. Buti na lang talaga di ko dinala kotse ko nagpahatid lang ako sa driver namin dahil tinamad akong magdrive. Napagpasyahan naming maghati, tig tatlo kada kotse kasi dalawa lang samin ang may dala. Bale ang magkakasama ay ako, Hazel at si Nea na driver namin, sa kabila naman ay sina Angel, Rhyvs at Sofia na driver.

Medyo traffic kaya naman mga 4:30pm na kami nakarating. Pero syempre dahil mahaharot ang peg namin. Nagretouch muna kaming lahat. Pero malakas talaga kutob ko walang fafabels dito. Let's see!

Naglakad na kami papunta kung san man naroroon ang pinsan ni Rhyvs. At dahil nga mga malalandot kami ay syempre pasimple kaming lumilingon lingon kung saan para maghanap ng fafabels.

"Pisti! Naiihi akooo!!" sabi ko habang palinga lingang naghahanap ng CR.

"ayun yung CR siz" turo ni Rhyvs. Di na ako magtataka kung alam na ni Rhyvs mga pasikot sikot dito. Madalas din kasi siya dito dahil laging may inuutos sa kanya ang mama niya na kukunin sa pinsan niya.

"Sige salamat Siz susunod na lang akoooo!!" sabi ko at nagpaalam na sa mga ito.

Dumeretso ako sa CR. Pag dating ko dun ay merong mga babaeng nagaayos sa may salamin. Ngingitian ko na sana dahil friendly ako pero tinaasan ako ng kilay mga Sizmars! Aba aba! Dahil mahilig mang asar ang peg ko, nginisihan ko na lang sila at dumiretso na sa may cubicle. Nag vibrate yung phone ko at pagtingin ko ay may text galing kay Angel.

From: Angel

Siz, ditey kami sa may field. Bilisan mo!!

Di na ako nagabalang tingnan pa ang sarili ko sa salamin. Ang hirap kaya pag lagi kong nakikita sarili ko baka mamaya niyan mainlove ako sa sobrang kagandahan ko. Kemerut!

Lumabas ako ng CR at dumeretso na sa may field nakita ko rin naman agad sila kaya naglakad na ako palapit.

"Ano Rhyvs nakita mo na ba pinsan mo?" tanong ko habang lumilinga linga. Syempre finding fafabels HAHAHHAHA

"Oo siz palapit na sila rito ayun oh!" Turo niya sa mga grupo ng kalalakihan na papalapit sa pwesto namin.

Dahil medyo malayo pa naman sila ay lumingon muna ako dun sa naglalaro ng baseball. Agad namang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang lumilipad na bola papunta sa akin!

Nawala ako sa wisyo at hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong nakaglue sa lupa at hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

"YNAAAAAA!!" sabay sabay na sabi nila Hazel.

Napapikit na lang ako ng makitang malapit na malapit na ang bola. Pero makailang segundo na akong nakapit ay wala pa ring tumatama saking bola. Dinilat ko ang isa kong mata at nakitang may lalaking nakaharang sa harap ko at tila sinalo niya ng kamay niya ang bolang dapat tatama sa akin.

Napatulala na lang ako dahil parang wala lang sa kaniya ang pagsalo ng bolang yun. Sa pagkakaalam ko ay masakit yun dahil malakas ang pwersa ng pagkakabato dun sa bola.
Pero kung titingnan mo ay parang wala lang sa kaniya ang pagkakasalo dahil nakalagay pa ang isang kamay sa may bulsa.

"Gaga nandito na nga si Mr. Right!!" tumitiling sabi ni hazel habang nakatingin sa isang lalaking kasama ng pinsan ni Rhyvs. Bale apat na lalaki ang nandito kasama na dun yung lalaking sumalo ng bola.

"Gaga Mr. Left dapat nasa kaliwa oh!" bulong naman ni Sofia. Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako dun sa lalaking nagligtas sakin dahil mga sizmars!!!! FAFABELS!

Magpapasalamat na sana ako sa kaniya kaso inismiran ako neto. Yung mga mata niyang kumikinang dahil natatapatan ng sikat ng araw. Yung ilong niyang napakatangos. Yung buhok niyang inaanod ng hangin. Yung muka niyang may hugis na perpekto at huli kong tiningnan ay ang labi niyang mas mapula pa ata sa labi ko.











"Ms. Yung laway mo.... Tumutulo"

Masked Feelings Where stories live. Discover now