CHAPTER 2

37 5 3
                                    

***

"Wala palang fafabels ha? Kaya pala tulo laway ka ghorl, kadiri!" sabi ni Nea with maching pagngiwi pa.

Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng mangyari ang insidenteng yun pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makamove on. Kahit naman ako! Mygod! First time yun na naglaway ako sa lalaki!

"Shut up Nea. Im trying to move on ok?" sabi ko habang mangiyak ngiyak pa. Yawa, pede naman kasing maglaway pero sana hindi sa harap nilang lahat!!!

Naalala ko na naman ang mga nangyari after kong maglaway. Grabe yung natamo kong asar galing sa mga tropa nung lalaki kaya naman sa sobrang hiya ko ay tumakbo ako papuntang kotse at iniwan sila don. At dahil sobrang bait ng tadhana muntik pa akong madapa! buti na lang di natuloy kung hindi ay another kahihiyan na naman ang abot ko!

Iniling iling ko ang ulo ko para makalimutan ang pangyayaring iyon. Halos hindi ako pinapatulog nun, at sa twing maaalala yun ay para akong binabangungot ng gising.

"Sunday na bukas! Ghorls' night out na mamayaaa!!!!!!!!" tuwang tuwang sabi ni Rhyvs habang pumapalakpak. Pisti daig pa nagtatawag ng kalapate!

"oo nga anong balak niyo? San tayo mamaya?" tanong ko. Pilit kong dinadivert ang atensyon ko sa ibang bagay.

"Ahm what if mag bar na lang tayo? Tagal na nating di nag paparty party!!!!" naeexcite na sabi ni Angel habang iniikot ikot ang kamay na akala moy nasa bar na.

"Oo nga kailangan na ng alak ng katawan ko" ani ni Rhyvs

Napagdesisyunan naming mag bar mamaya. Lunch time namin ngayon kaya naman medyo mahaba haba yung oras na magkakasama kami. Di rin nagtagal ay naghiwa hiwalay na kami dahil malapit ng magtime.

As usual ganun pa rin. Discuss dito, discuss doon. Napilitan akong makinig dahil next next week ay mageexam na. Kahit papano naman ay grade conscious ako.

Matapos ang klase ay dumretso ako sa parking lot. Nagdala ako ng kotse ngayon kasi trip ko lang, bat ba? Tinext ko na lang sila na mauuna na ako, masyado akong nanlalagkit kaya naman gusto ko ng maligo. Kailangan ko ding maghanda para mamaya. Eto na naman. Uuwi na naman ako. Mag-isa na naman ako. Sus, para namang di pa ako sanay. Atsaka ok lang yun, meron naman akong lakad mamaya.

Palaging wala sina mom and dad, nakikita ko lang sila kapag may mga special occasions or kaya naman pag sinasama nila ako sa mga events na may kinalaman sa business. Palagi din silang naga-out of town. Mukang ayaw na ayaw akong makita. Simula ng mangyari yun.

Di na ako nagisip ng kung ano ano. Past is past, and i don't want to blame myself for something i haven't done.

"hey Yna! Cheer up it's not your fault ok?" I said to myself.

Nagpatugtog na lang ako habang nagmamaneho. Ayaw ko ng isipin lahat ng nangyari sakin. Muka lang akong masaya, makulit at walang problema, but trust me, I'm a good pretender.

Pagkauwe ay naisipan ko munang matulog, nagbago isip ko maaga pa naman kasi eh. Naisipan kong tumulog muna kahit two hours lang. Nagpatugtog ulit ako, at di rin nagtagal ay unti unti nang pumipikit ang mga mata ko.

Nagising ako dahil sa lakas ng alarm. Pinatay ko ito at nagstart ng gumayak para sa lakad namin mamaya. Pumasok na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos gawin ang routine ko ay pumili na ako ng isusuot. I choose to wear a fitted black leather dress then pinartneran ko ng heels na black kinulot ko din ang mahaba kong buhok. Nagmake up din ako ng very light.

Humarap ako sa salamin at tiningnan ang kabuuan ko. Ok na. May mabibinggwit na mamaya!

Nagdrive ako papuntang Xbang. Yun yung bar na pupuntahan namin. Medyo traffic pero keri lang. Makakapaghintay naman siguro ang mga gaga. Di rin nagtagal ay nakarating na ako. Pinark ko agad ang kotse ko at dumeretso na papuntang entrance.

Masked Feelings Where stories live. Discover now