-07-

627 16 1
                                    

"Wala na bang ibang daan papunta sa school?" Tanong ko kay axel

"Bukod na nasa gitna tayo ng kalsada at traffic pa. Wala na akong alam pang ibang daan." Aniya at nagkibit balikat

"Hey! Are you nuts! Get back here, ezra. For Pete's sake, where in the middle of the road!" Hindi ko pinakinggan ang sigaw ni axel. Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit na hinihingal na ako

Pagkarating ko pa naman sa harap ng school namin nakaclose ang gate at ang malala ayaw akong papasukin ng guard

"Kuya guard, kahit tignan niyo po ang pangalan ko, andiyan po talaga diyan." ani ko kay kuya guard

"Pasensya na po, ma'am. Kahit po nakauniform kayo wala naman po kayong I.d."

"Tignan niyo po ulit yung pangalan ko, kuya guard. Kaka-transfer ko lang kasi dito. Kuya guard, please po maawa kayo sa akin. Hindi ako nakapasok ng 1st period, at kapag hindi niyo pa po ako pinapasok hindi na ako aabot sa 2nd period namin." Hinihingal kung sambit kay kuya

Tinignan naman ulit ni kuya guard 'yung pangalan ko sa computer niya kung andoon pa talaga

"Pasensiya na po kayo, ma'am." Nakangiwing pagpapaumanhin ng guard habang kumakamot sa batok niya

Agad akong tumakbo hanggang sa room namin

"So-sorry for be-being late ma-ma'am." Hinihingal kung sambit kay ma'am science namin na nagtututo sa harapan na nakatingin na sa amin habang nakahawak sa dibdib ko

"Okay lang. Pina-excuse ka ni sir joseph niyo. Pinuntahan mo daw si axel sa bahay nila?" Nakangiting sambit ni ma'am.

Sana hindi na lang ako tumakbo ng pagkalayo layo kung excuse rin  naman pala ako

"Opo." Hinihingal ko parin sambit

"Pumunta kana sa upuan mo."

Ihahakbang ko sana ang isa kung paa ng dumilim ang paligid ko, then everything went black. Nagising na lang ako ng hapon na

Seducing the cold Heirloom of Servantes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon