-15- (OFFICIALLY!)

482 6 1
                                    

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

"Pwede bang manligaw?" Yumakap ako sa kaniya ng mahigpit ng Mahigpit at umiyak sa dibdib niya

"Totoo ba?" Tanong ko sa kaniya habang nakasubsub parin ako sa dibdib niya

"Oo. So pwedeng manligaw?"

"Huwag ka ng manligaw. Boyfriend na lang kita. Doon din naman ang bagsak." Naramdaman kung niyakap rin niya ako at masuyong hinaplos ang likod ko

Nang mag-hahapon na ay lumabas na kami ni baby damien. Nakaalalay lang ako sa tabi niya habang papunta kami sa parking lot

"Pwedeng 'yung sasakyan na lang ni Kuya ang gamitin natin. Baka kasi gamitin niya bukas." Sambit ko sa kaniya ng malapit na kami sa saskayan ni kuya

"Ikaw ang nag-drive?" Tanong niya

"Oo. Tinuturuan ako ni Kuya noon mag-13 ako." Nakangiti kung kwento

Kinuha ko ang susi sa bag ko at binuksan ang passenger seat. Dahan dahan kung ipinasok si baby damien at inabot ang seatbelt niya para ayusin, Nang mapansin kung nakatitig lang siya sa akin

"May dumi ba ako sa mukha?" Nagtataka kung tanong sa kaniya pero ngumiti lang siya na nag-sanhi ng pagbilis ng tibok ng puso ko

"Wala. Ngayon palang todo alaga kana sa akin, Paano pa kaya kapag nagtagal na tayo." Nakangiti niyang sambit sa akin kaya napangiti ako at dinampian siya ng halik sa labi

Umiikot ako papuntang driver seat. "May gusto ka bang puntahan?" Tanong ko sa kaniya

"Meron. Pakinggan mo lang ang sasabihin ko." Sinunod ko ang sasabihin niya. Derestso, kanan, taoos deretso ulit tapos, kumaliwa ka, tapos diyan sa malaking bahay. Ipark mo na lang dito

"Kaninong bahay 'to?" Tanong ko habang tinatanggal ang seatbelt niya

"Kaninong bahay 'to, baby damien?" Tanong ko sa kaniya ng mailabas ko siya

"Kila lola. Mommy ni daddy. Gusto kitang ipakilala sa kanila." Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya

"I.. Ipapakilala mo ako?" Kinakabahan kung tanong

"Oo. Tara na." Aniya at hinawakan ang kamay ko pero nananatili akong nakatayo sa kinatatayuan

"Pwedeng sa ibang araw na lang. Hindi pa kasi ako handa." Kinakabahan kung sambit

Seducing the cold Heirloom of Servantes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon