-09-

493 9 1
                                    

Nang matapos ang klase namin ng hapon na 'yun ay nagpunta kami sa bahay nila axel

"Axel, kanina pa tayo dito pero wala parin 'yung sinasabi mo." Nakababagot na kaya, kanina pa kami dito sa bahay nila pero wala parin 'yung sinasabi niyang ibibigay raw niya

"Axel." Ani ko at hinila hila ang damit niya

Nakarinig kami ng sunod sunod na busina kaya napatayo si axel at nagtungo sa pintuan nila at binuksan. Pumasok doon ang kuya niyang si kuya blake na naka office attire

"Magandang gabi, kuya." ani ko at humalik sa pisngi niya ng makalapit ako sa kaniya

"Magandang gabi rin." Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang hawak hawak niya ang isang maliit na black and white na cute na cute na siberian husky. Nag-twinkle ang mata ko sa cute

"Ang cute naman." Manghang sambit ko at hinaplos ang ulo ng aso

"Sayo na." Lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kuya blake

"Seryoso kuya? Kapag 'to kinuha ko talaga hindi niyo na pwedeng kunin pa." ani ko habang patuloy ko lang hinahaplos ang mabalahibo niya katawan

"Sayo talaga 'to. Ipinabili nitong kapatid ko." Nakangiting sambit niya at inabot sa akin ang aso. Agad ko itong kinuha at hinalik halikan ito sa ulo

Naglakad ako papalapit kay axel at niyakap siya "thank you." Ani ko at humiwalay sa kanya

"Hindi ka pa ba hinahanap ng kuya mo, pasado 6 na?" Tanong ni kuya blake sa akin

Agad ko naman kinuha ang phone ko sa bag ko at dinial ang number ni kuya

"Hi brat. I'm in the middle of my class. Call me later okay." Agad akong nagsalita para hindi ibaba ni kuya ang tawag "it's okay if I'll still stay here at the house of my friend, kuya?" Tanong ko kay kuya

"It's already 6:39, brat. Go home and made your dinner. By the way, mommy call me that all our maid are all in day off for 2 days. Go home now, or i will be mad at you." Mautoridad na sambit ni kuya

"Okay, bye kuya. Love you." Nakangiti kung sambit kay kuya

"Love you too, brat." Aniya at binaba na ang tawag

Seducing the cold Heirloom of Servantes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon