-21-(I LOVE YOU)

331 5 0
                                    

"Daddy? Sorry na po please. Patawarin niyo na po ako. Si mommy pinatawad na po ako. 'Kaw na lang po. Tsaka si mommy magtatampo na sa'yo, sinabi pa niyang para ka raw babaeng mag dalaw. Andoon si mommy ngayon sa kwarto ni theodore. Ayaw ka yatang katabi."

"Sa susunod pa na hindi ka mag-paalam sa akin, hindi na talaga kita papansinin. Sige na, matulog kana. Susuyuin ko lang ang mommy mo. Good night." Nagmamadaling humalik si daddy sa noo ko bago lumabas ng kwarto ni theodore

Nakangiting bumalik ako sa kwarto ko at nagpalit na pantulog na damit

Ano kayang ginagawa ni baby damien ngayon? Tulog na kaya siya?

Inabot ko ang cellphone ko sa paanan ko at tinawagan siya "Matutulog kana ba, baby damien?" Bungad ko agad sa kaniya ng sagutin niya ang tawag ko.

"Hindi pa."

"Anong ginagawa mo?" Tumayo ako sa kama at nagtungo sa terrace

"Nagbabasa ng libro. Ikaw anong ginagawa mo? Ba't ka pa gising? Dapat tulog kana ngayon?" Narinig ko ang paglipat ng pahina ng libro

"Hindi ako makatulog. Tsaka, gusto kung marinig ang boses mo bago ako matulog?" Nakangiting kung sambit habang nakatingin sa kalangitan

"Nasaan ka? Nasa loob ka ba ng kwarto mo?"

"Oo, pero nasa terrace ako." Inangat ko ang mga paa ko at pinaloob sa maluwag kung pantulog. Yumakap ako sa paa ko at pinatong doon ang chin ko

"Anong ginagawa mo diyan? Dapat nasa loob ka ng kwarto mo. Malamig pa naman ang simoy ng hangin. Mag-didisyembre pa naman." Bakas ng irita sa boses niya kaya wala akong sinayang na sigundo at pumasok na sa loob ng kwarto ko. Bago pa man niya ako lalong pagalitan

"Nasa loob na po ako, baby damien." Sambit ko at humagikgik pa ng marinig ko ang buntong hininga niya

Seducing the cold Heirloom of Servantes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon