-11- (HIS PARENTS)

505 10 0
                                    

"Wait!" Pigil ko 'kay baby damien ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa harapan ng isang restaurant

"Classmate natin siya. Minsan lang pumapasok dahil wala siyang pera."

"Kaya pala pamilyar siya sa akin." Bulong ko

"Baba muna tayo. Tulungan natin siyang magbenta ng bulaklak." Ani ko kay baby damien

"Uuwi na tayo."

"Dali na. Kawawa naman siya." Nakangusong sambit ko at hinila hila ang sleeves niya

"We better go home. Now." Mautoridad niyang sambit at patuloy na pag-da-drive

"Sige, 'di na lang kita crush kung ganu'n."

Ang damot damot nito tutulungan lang magbenta ayaw pa. Bahala siya

Nagulat na lang ako ng bigla niyang inapakan ang preno kaya nauntog ako sa dash board

Tinignan ko siya ng masama habang sapo sapo ang noo ko "Magsabi ka naman kung pre-preno ka bigla para nakakapit ako sa upuan ko." Padabog kung kinuha ang bag ko sa kaniya at padabog ko rin sinarado ang pintuan ng sasakyan niya

Masakit na nga ulo, at puson ko sasakit pa ang noo ko

"Hi!" Masigla kung bati sa kaniya

"Ms. Taylor, ano po'ng ginagawa niyo dito?" Gulat niyang tanong sa akin at napalingon sa likuran ko

"Mr. Servantes." aniya 'kay baby damien na as usual nasa likuran ko

"I want to help you." ani ko at akmang kukunin ang sampaguita sa kamay niya ng ilayo niya 'to sa akin

"Huwag na po. Kaya ko naman po'ng ibenta ito. Tsaka bakit po kayo andito?" Tanong niya

Grabe ang init dito sa labas, parang napapaso ang balat ko

"Nakita kasi kita habang pauwi kami ni, baby damien, dahil masama ang pakiramdam ko. Ikaw, Ba't hindi ka pumasok. 2nd exam natin ngayon?" Napatingin ako 'kay baby damien ng maramdaman kung dumikit siya. At nakita kung ginamit niya ang blazer niya pang-cover namin sa init ng panahon

Tumingin uli ako 'kay. Ano nga pangalan niya?

"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya

"Narco po."

"Huwag mo na akong i-po. Magka-edad naman siguro tayo. Halika pasok tayo." Hinila ko siya papasok sa restaurant

Seducing the cold Heirloom of Servantes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon