Chapter Seven

725 15 0
                                    


"Akala ko ba next time? Eh ba't nag-aya ka ngayon?" Tanong ni Mika ng magkita na kami sa garden ng LeMont Mall.
Tumawa ako sa iniasta niya.

"Oh, c'mon! Ayaw mo ba, ha? Edi tara uwi na!" Goyo ko at kunwaring naglakad paalis. Kaya hinatak ako nito papasok sa loob.

"Gaga! Halika na nga!" Atsaka kami naggala. Maraming tao ngayon total kasisimula pa lang ng pasukan. Kaya karamihan dito ay mga teenagers na naglilibot katulad ko. Hehehe.

Many hours had passed and we sat on a bench across the fountain. There, we rest and laid down our shopping bags.

"Nakakapagod! Wala naba tayong nakalimutang bilhin?" Tanong ni Mika kaya may naalala ako.

"Ako meron. Punta lang muna akong National. Alam mo naman yun. Dito kana lang muna," saka ako tumayo at iniwan ang mga pinamili ko sa kaniya.

At doon na nga, dumiretso ako sa National Book Store. Bibili kasi ako ng iba pang artmats para sa project at sa sasalihan ko.

Now to think about it, wala man lang akong picture ni Leito para gawin kong reference. Pumasok tuloy sa isipan ko kung paano niya ako titigan at ngisihan doon sa canteen. I don't know why but he creeps the hell out of me! Pogi naman siya...ehrm... Pero ano kaya ang dahilan niya kung bakit niya ako tinititigan? Coincidence kaya na palagi kaming nasa iisang lugar? O baka naman sinusundan niya ako?

At biglang sumingit naman sa isipan ko itong si Stalker ko. Teka nga...

The way they stand and pose, parang magkapareho sila. Not to mention that they have similar eyes...

Aiiiissssshhhhhhh!

Erase! Stop thinking them, Yana!

Sa sobrang distracted ko, may nakabungguan pa ako. At dahil tanga-tanga ako minsan, natapakan ko ang sintas ng sapatos ko na hindi nakabuhol kaya huli na ang lahat dahil MATUTUMBA AKOOOOO!

Pumikit na lang ako para sa ganon hindi ko makita ang mga nakakahiyang tingin nila pag naglanding na ako sa sahig. Pero ilang minuto na ang lumipas pero wala parin akong nahahalikang lapag. Ano nangyare?

I opened my eyes and there I saw a pair of hands clinging onto me. Ooh may nag-catch sa akin.

"Are you okay?"

Napabangon ako bigla ng marinig ko itong magsalita. Pero hindi talaga iyon ang dahilan, kundi dahil pamilyar ang boses nito.

Hinarap ko ito at nakita kong nakayuko ito. I know that it's a man because of his outfit and pose, but I can't see his face. Nakajacket itong black habang nakaripped-jeans. Kaya kitang-kita mo kung gaano siya kaputi.

Myghad, dinaig pa ko ghurl.

"Thank you...?"

Alinlangan kong sagot at tumango lang ito. Pero hindi nakawala sa paningin ko kung paano ako nito tiningnan kanina. Kaya ng tumalikod na ito para lumakad paalis, hinablot ko ang hoodie nito kaya bumungad sa akin ang kaniyang...

Puting buhok?

Galit itong lumingon sa akin kaya nakita ko ang mukha nito. Napanganga pa ako.

Hindi ako makapaniwala.

"L-Leito?" Mahinang tanong ko. Pero kung siya si Leito, bakit puti yung buhok niya?

At bakit parang narinig ko na ang boses niya?

Na para bang nagkita at nag-usap na kami?

Biglang sumakit ang ulo ko sa di malamang dahilan. Hinawakan ko ang ulo ko at tumingin ulit sa kaniya.

"No, I'm not," saka niya ako tinitigan saglit at naglakad paalis.

So many questions suddenly flooded my mind.

Who is he? He's not Leito? Then who? What's his relationship with him? Bakit sila magka mukha? Bakit pamilyar siya?

Kaya minabuti kona lang na bilhin lahat ng kailangan ko at mabilis na nilisan ang NBS.

I need to talk to 'him'.

The Deadly Obsession Of LEI [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon