Chapter 1| arrival

4.3K 265 56
                                    

The last thing I knew, unti-unti na akong lumubog sa kawalan.

Mabilis akong napamulat nang magbago ang pakiramdam ng paligid. 

Mula sa paglubog sa kumunoy, pakiramdam ko ay unti-unti na akong nahuhulog mula sa mataas na bagay. 

And I was right. 

Muntik nang lumuwa ang mga mata ko nang makita kong nahuhulog nga ako. But before I even managed to scream, naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ko sa isang platform. 

Ang ikinataka ko lang ay wala man lang akong naramdamang sakit. Or it's just that patay na ako?... Or masyado nang namanhid ang katawan ko sa sakit na nadarama ko?

My world has finally stopped from turning. Ngayon na lang ulit nakaramdam ang katawan ko ng pahinga. Kaya naman bago ko pa muling imulat ang mata ko, hinatak na ako ng kadiliman. 

Buong loob ko naman itong hinagkan.

---

Nagising ako na para bang bagong silang lang akong muli sa mundong ito. It feels light, new, and reborn

Nasa heaven na ba ko? Or hell? Pero bat ang sarap sa feeling?

Nang imulat ko ang mga mata ko, sinalubong ito ng panibagong pares ng mga curious na mata. I almost jumped from our position. I think her face was only an inch away from mine. Para nyang pinag-aaralan ang buong katawan ko. Starting from my face pababa hanggang sa paa ko. 

"Where are you from?" She curiously asked at bahagya nang lumayo sa akin. 

Nakahinga naman ako nang maluwag at dali-dali nang umupo. 

Shet, bat ang gaan ng pakiramdam ko? Ni kaunting sakit ay wala akong nararamdaman. 

"What are you?" Muling tanong nung babae. Siguro ay kaedaran ko lang rin sya. Muka naman syang harmless.

Nilibot ko muna ang tingin ko bago ko sya sinagot. 

"Uhm, Bulacan." Halos magcrack pa ang boses ko dahil sa sobrang tuyot ng lalamunan ko. 

Nakita ko namang kumunot ang noo nya. "Saan yon?" Tanong nya at muling lumapit sa akin. Excited nyang hintay ang kung ano mang isasagot ko.

Nagtaka naman ako. 

Seriously? Di nya alam yung Bulacan? Saan lupalop ba to ng Pilipinas nakatira? 

Hindi ko na lang sya sinagot. "Nasaan ako?" Tanong ko rito. 

Panay pa rin ang libot ng tingin ko sa lugar. Para akong nasa isang makalumang tent. Ang laman lang nito ay ang kamang hinihigaan ko kanina, wood table sa tabi ng kama na punong-puno ng iba't ibang herbal na gamot, at mga pots na iba't iba ang sizes. 

Ngumiti sya sa akin. "Nasa Beline ka!" Excited na sabi nito. 

Judging her look, I really like her tan skin dahil perfectly matched ito sa hazel brown eyes nya. Wavy rin ag buhok nya na hanggang balikat. Kung straight lang siguro ako, baka naging crush ko na 'to agad haha. 

Mabilis kong inalis ang isip ko sa itsura nya nang magregister sa akin ang sinabi nya. 

"Beline? Saan to? Sa pagkakaalam ko wala namang lugar na Beline sa Bulacan." Nagtatakang tanong ko dito.

"Ano bang sinasabi mo? Ano yung Bulacan?" Halos lumuwa na ang mga mata ko. Putek nasaang lupalop ba ako ng bansa? 

Sasagot na sana ako nang biglang may humawi ng tela na nagsisilbing pintuan ng tent na ito at iniluwa nito ang dalawang pigura ng lalaki.

The Whisperer's Last Breath (bxb)Where stories live. Discover now