Chapter 5| into the woods

2.9K 197 10
                                    

(multimedia: examples of bukot)

Nagising ako nang maaga. Bumangon ako ng kama at bahagyang pinagmasdan si Bulak na mahimbing na natutulog sa kama ko. 

Napagdesisyunan ko nang lumabas at hindi ko na sya inabala pa dahil parehas kaming pagod kahapon kakagala sa bayan.

Tuwang-tuwa ang mga tao (ay este Mage) sa kanya dahil sya ang kauna-unahang reynang Jieza na napalaki dito sa domain ng Beline.

Ilang linggo na rin ang nakakalipas nang madiskubre namin na kakaiba sya. At mula non, araw-araw na kaming nagbbonding sa labas. 

Pagkalabas ko ng aking bukot, ganon pa rin ang aking nadatnan. Mga nagkakapeng mga kapit-bahay sa labas ng kanya-kanya rin nilang mga bukot.

Binati nila ako at binati ko lang rin sila. Ibang-iba ang buhay ko dito sa mundong 'to. Hindi tulad sa dati na kriminal ang turing sa akin matapos kong isave lang ang sarili ko mula sa demonyong yon. Dito, kakaiba ang special treatment sa akin. 

Hindi pa rin naman ako ganon ka-okay sa ganoong treatment dahil gusto ko pa rin namang magkaroon ng silbi. Mula nung dumating kasi ako rito, parang naging palamunin lang ako. Wala rin naman kasi akong kakayahan. Hindi tulad nila na isang kampay lang ng kamay ay boom na. 

Papunta na sana ako sa bukot ni Clara, isang bukot lang ang layo nya sa akin, nang makita ko si Scott.

"Huy!" Pagtawag ko rito. Agad rin naman itong lumingon.

"San punta mo?" Nakangiting tanong ko. 

"Kakahuyan." Tipid na sagot nya. pwe.

"Anong gagawin mo ron?" 

"Mangangahoy." Mabilis nyang sagot. 

Wah, doon ako nagkaroon ng idea. 

"Sama ko!" Excited na sabi ko sa kanya at mabilis na lumapit. "Tutulong ako." Nakangising saad ko pa.

Sana naman kahit papaano makatulong ako kahit pangangahoy lang.

Tinignan nya lang ako. "Kaya ko na." Matigas na usal nya at mabilis na naglakad palayo. Pero as hard-headed as I am, syempre sumunod ako.

"Saan tayo mangangahoy?" I asked habang tumatalon-talon pa.

Napailing na lang sya. Hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad. 

"Hoy ang bilis mo naman maglakad, sandali lang!" Patakbo na akong sumunod sa kanya para lang makakeep up.

"Saan ba tayo pupunta, huy!" Muling tanong ko. Hindi nya na naman ako pinansin kaya this time ay pinindot ko na sya sa tagiliran.

Napahinto sya. "Bakit ba ang kulit mo?" Ubos-pasensyang sabi nya sa akin.

Umirap lang ako. "Bakit ba ang suplado mo?"

Tinitigan ako nito kagaya ng ginagawa nya sa iba para takutin ang mga 'to. Nagtataka ako kung bakit tumitiklop ang iba sa kanya. Hmp!

"Kung akala mong matatakot ako dyan sa ginagawa mo, pwes hindi no!" Pinal na sabi ko at nauna nang maglakad.

Nilingon ko sya nang mapansing hindi pa rin sya sumusunod sa akin. Nakatayo pa rin sya doon habang nagtatakang nakatingin sa akin.

Hindi nagtagal ay lumiit na ang distansya naming dalawa. "Bakit hindi ka natatakot sa akin?" Nagtatakang tanong nito.

Tinignan ko ito. "Pft, bat naman ako matatakot?"

Umiling lang sya at bumulong pero narinig ko pa rin. "Palibhasa matigas ang ulo." Sabi nito.

"Anong sabi mo?!" Matigas na tanong ko sa kanya.

Aba hindi purket takot ang karamihan sa kanya ay matatakot na rin ako. Suntukan na lang oh, charot.

Hindi nya ako pinansin at mas binilasan pa nya ang lakad. I noticed na nangangapal na rin ang bilang ng mga puno sa dinadaanan namin. I think we're already here.

Nakumpira ko iyon nang huminto sya at nagsimula nang mamulot ng naglalakihang mga tuyot na sanga.

"Anong klaseng kahoy ba ang kailangan?" Seryosong tanong ko pero mukang kumakausap lang ako sa wala.

"Hoy lalaking suplado!" Pagtawag ko sa kanya.

"Mamulot ka na lang ng kahit anong tuyot na kahoy, basta kaya mo dalhin." Seryosong sagot nito at muling ibinalik ang atensyon sa pamumulot ng kahoy.

Tignan mo, narinig naman pala yung tanong ko. Pwe.

Medyo nahiya naman ako dahil sobrang dami na nyang napupulot. Paano nya kaya nakakayang buhatin yon lahat?

Kaya naman dali-dali na rin akong namulot ng kahoy na hindi ganoon kalakihan dahil hindi ko kakayanin. 

Masyado ko atang naenjoy ang pamumulot kaya hindi ko napansin na medyo napalayo na pala ako.

Halos magpanic pa ako nang nawala na si Scott sa paningin ko.

"Ay kalabaw ka!" Gulat na sigaw ko nang makarinig ako ng kaluskos sa likod ko.

"Scott san ka ba nagpunta?" Tanong ko sa kanya habang pinupulot ang huling kahoy na kailangan ko. Hindi nanaman ito sumagot kaya nilingon ko na sya.

"Hindi ka-WAAAAAHHHH!!!!!" Hindi ko na napigilang mapasigaw nang tumambad sa akin ang napakalaking ahas na halos kalahati na ng size ng mga puno dito.

Nabitawan ko ang mga kahoy na buhat ko nang mapatid at mabuwal ako dahil sa pag-atras ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nabitawan ko ang mga kahoy na buhat ko nang mapatid at mabuwal ako dahil sa pag-atras ko. Hindi na ako makahinga dahil sa kaba. Bakit naman ganito ang mga creature sa mundong 'to? Sobrang weird at ang lalaki! AHHHHHH!

Dahan-dahan itong lumalapit sa akin kasunod ang mabilis na paggapang ko paatras.

"Huwag please!" Naiiyak na sabi ko dito.

"Tigil na please!" Muling pagmamakaawa ko.

Nanginginig na ako sa sobrang takot. Nararamdaman ko na rin ang unti-unting pamamasa ng damit ko dahil sa tindi ng pawis ko. Muli akong umatras at matiim na tinignan ang dambuhalang ahas na nagbabadyang kainin ako.

Napahinto ako nang biglang nag-init ang katawan ko nang tignan ko ito sa mata. 

Ano to? May kakaiba ba tong kakayahan sa pamamagitan ng pagtingin sa mata? Bakit ang init? Para akong inaapoy ng lagnat.

Literal na napatalon ako nang may marinig akong boses na tila galing mismo sa tenga ko.

"Hindi naman kita kakainin." Natatawa ang tono nito.

"Ano yon?" Gulat na tanong ko.

"Ang sabi ko, hindi naman kita kakainin." Pag-uulit pa ng boses.

Luminga-linga ako para hanapin kung saan nanggaling yon. Wala.

Ako lang ang nandito... at ang dambuhalang ahas sa harap ko.

Muli akong napatigil nang mapatitig ulit ako sa mga mata nito. Para bang naiintindihan nya ako base sa mga titig nya. 

Shet! Wag mo sabihing--

"Ikaw yung nagsasalita?" Gulat na tanong ko sa ahas habang nakaturo pa dito.

"Oo, ako nga." Parang mas tumindi pa ang init ng katawan ko pero hindi ko na 'yon ininda. May nagsasalitang dambuhalang ahas sa harap ko ngayon!

'Yan ang huling natatandaan ko bago ako balutin ng dilim...

dahil sa gulat? 

The Whisperer's Last Breath (bxb)Where stories live. Discover now