Chapter 4| queen

2.7K 220 13
                                    

Naalimpungatan ako nang medyo hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay may malaking bagay ang nakadagan sa akin.

"Hmp." Impit na ungol ko.

I gradually opened my eyes nang biglang gumalaw ang kung ano man ang nasa ibabaw ko. 

"Wahhh!" Nalaglag ako sa kama sa sobrang gulat. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa napakalaking pusa sa kama ko.

"Ano yan?!" Nanginginig na turo ko sa malaking pusa. 

Nakarinig ako ng malalakas na yabag sa labas. "Malik, anong nangyayari?" Sigaw ni Clara sa labas. 

"Clara, bilis!" Nagpapanic na sigaw ko sa kanya. 

Hindi pa rin ako makagalaw. Gulat at takot lang akong nakatitig sa malaking pusa na tahimik na natutulog sa kama ko. 

"Kyaaaah~" Clara's scream enveloped the whole bukot nang makapasok sya. Naging dahilan naman ito upang magising ang nilalang na natutulog.

"Malik halika rito!" Muling sigaw nya. 

Bago pa man ako makagalaw ay dinambahan na ako ng malaking nilalang na ito. Nakadagan ito sa akin. 

Mas lalong hindi tuloy ako makagalaw. Halos mapatid na lang ang hininga ko nang ibuka nito ang kanyang bibig upang dilaan ako. Halos sakop ng bibig nito ang buong muka ko, 

WAAAAAHHH!

"Tulong! Waaaahh! Tulong!" Muling nagsusumigaw ang lola mong Clara.

Bakit kaya hindi na lang nya gamitin ang magic nya at iligtas ako? Lukaret na babaeng to! 

"Luka ka! Gamitan mo kaya ng magic, ano?" Sigaw ko pabalik sa ate mong Clara.

Napatigil naman ito. "Oo nga no." Natatawang sabi nya sabay kamot sa batok. 

"Bilisan mo bago pa ko gawing agahan nitong pusang to!" 

Nakita kong nagsalita ito sa hangin at biglang may nabuong pana at palaso doon. 

Ilang salita pa ang binanggit nya at mabilis na gumalaw ang pana na parang may sariling buhay at dali-daling pinana ang dambuhalang pusa sa ibabaw ko. 

Parehas gulat ang tumatak sa mga muka namin ni Clara nang makitang naputol lang ang palaso na tumama sa pusa. 

"Shit, shit, shit." Mahihinang mura ng ate mong Clara.

Putek sa tingin ko ay tuluyan na akong magiging almusal ng dambuhalang 'to.

Napapigil ako ng paghinga nang yumuko ito papunta sa akin. Pero ang ikinataka ko ay idinikit lang nito ang kanyang ulo sa aking leeg at tila ba kinikiskis ito. 

Nakita kong muling nagsalita si Clara sa hangin at lumitaw naman ang isang spear. Tulad ng pana, tila ito may sariling buhay na bumulusok papunta sa dambuhalang pusa. Pero kagaya ng nauna, naputol lang din ito. 

"Halaaaa! Naputol lang din! Tuloooong!" She shouted desperately. 

Maya-maya lang ay nakarinig nanaman ako ng ilang yabag sa labas. Halos manlaki ang mga mata ko nang biglang lumutang ang dambuhalang pusa.

Napatingin ako sa pinto. Nandoon na sila Apo Lakan at Scott. Mukang si Apo Lakan ang dahilan kung bakit lumutang ang pusa.

The humongous cat roared as if nanghihingi ng tulong. Nakatitig ito sa akin. Bakit naaawa ako? 

Mabilis na tumakbo si Clara para puntahan ako.

"Shit okay ka lang ba? May tapyas na ba ang tenga mo?" Nag-aalalang tanong nya. 

The Whisperer's Last Breath (bxb)Where stories live. Discover now