Chapter 2| nation of beline

3.4K 245 54
                                    

Kasama ko ngayon si Clara tent na tinatawag nilang bukot. Pinaghanda nya ako ng mainit na tubig pampaligo na agad ko namang ginamit dahil feeling ko ay ang lagkit-lagkit ko na. 

Ayon din sa kanya ay tatlong araw akong walang malay. I was also in the verge of death nang matagpuan ako. Buti na lamang daw ay magagaling ang mga manggagamot nila rito. 

Magic-ers, malamang. 

Maghuhubad na sana ako ng damit but I stopped myself nang makita kong nakatayo pa rin sya doon habang pinagmamasdan ako.

"Uhm, maliligo na ko." Nahihiyang paalala ko rito. 

Nakangiti lang sya na para bang hindi natinag sa sinabi ko. 

"I know." She shortly replied.

Pinanlakihan ko sya ng mata. "Eh bakit nakatingin ka pa?" 

Muka namang nagets nya na ang sinasabi ko. "Oh! Nahihiya ka bang masilayan ko ang katawan mo? Nakalimutan ko na galing ka nga pala sa ibang mundo." Natatawang sabi nya. 

"Tagapagsilbi ako rito diba? Dito ay ayos lamang na makita ko ang katawan mo o ng nilalang na pinagsisilbihan ko. Walang malisya. At saka bawal akong magkaroon ng sekswal na pagnanasa sa pinaglilingkuran ko. Kasama iyon sa sinumpaan ko. Ang paglabag ay kapalit ng buhay ko." Nakangiting paliwanag pa nya. 

What? Normal lang yon dito? Where's the privacy? huhu.

Wala na akong nagawa at tinaggal ko na ang saplot ko. Hindi naman ako taga rito in the first place. Kaya kahit kumalat pa nude pics ko ay okay lang. 

I almost jumped when I heard Clara's squeak. "Hala ang puti at ang kinis-kinis mo! Parang balat ng isang maharlika! Tiyak na pati mga kalalakihan ay mahuhumaling sa iyo, Malik!" Matinis na sigaw nya at lumapit na sa akin para raw tulungan ako magkuskos. Pinigilan ko naman sya. 

"Kaya ko na, Clara. Thanks na lang. I know ginagawa mo lang ang trabaho mo but don't look at me na parang obligasyon mo ako hehe. Dayuhan lang naman ako rito. Outlander nga diba?" Nakangiti at sincere na sabi ko sa kanya.

"Okay, sis." Natatawang sabi nya. Napansin ko lang na ang weird ng pananalita nya. I mean, hindi kagaya ng pananalita ni Apo Lakan. Halos kalevel ko na sya ng way ng pananalita eh. 

"Uhm, Clara." Pagtawag ko sa kanya habang pinapanood nya pa rin ako sa pagligo ko. "Bakit ganyan ka magsalita? I mean... hindi kagaya ng kay Apo Lakan?" 

Nakangiti pa rin sya. "Ilang henerasyon na kasi ng pamilya ang napagsilbihan ko. Syempre naaadapt ko rin ang way ng pananalita nila. Napaghahalo-halo ko kaya ganito na ko magsalita ngayon." Explain nya at sinundan pa ng tawa. 

Kaya pala. 

Pagkatapos ko maligo ay lumabas muna si Clara para kunin ang damit at robe ko. Syempre kailangan ko nang iadapt ang way ng pananamit nila. 

Habang iniintay sya ay nagpatuyo muna ako ng katawan. Habang nagpupunas ay narinig ko namang dumating na sya. 

"Lagay mo muna dyan sa kama, wait lang." Sabi ko sa kanya habang nakatalikod. 

After I dried myself, kukunin ko na sana ang damit sa kama pero napasigaw ako nang humarap ako. Dali-dali kong kinuha yung telang ginamit ko sa pagpapatuyo at mabilis na itinapis sa akin. 

"Waaaaah! Bastos! Mamboboso!" Halos lumabas na ngala-ngala ko kakasigaw. 

Shet naman kasi! Pagkaharap ko, nandon yung Scott na parang gulat na nakatingin sa hubad kong katawan! 

"Wahhhh! Tulooong!" Muling sigaw ko. Parang nataranta naman si Scott dahil sa mga sigaw ko. 

"Bakit?! Anong nangayayari?!" Nag-aalalang tanong ni Clara nang makapasok sya bitbit ang damit ko. Dali-dali syang lumapit sa akin. 

The Whisperer's Last Breath (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon