Chapter 3| the newcomer

3.1K 230 24
                                    

Bitbit ang ulap candy ko (oo yan talaga ang tawag nila!), masaya kaming naglilibot-libot. Ganoon pa rin ang siste. Lagi kaming nauuna ni Clara habang nasa likod naman si Scott, tahimik na nakamasid lang. 

Sya rin ang palaging nagbabayad sa mga pinapabili ko. Hindi naman sya nagrereklamo. Baka mga mura lang naman yung tinuturo ko. Para akong bata rito na ngayon lang nakalabas ng bahay. 

Ang saya-saya!

Minsan rin ay nakatatanggap ako ng mga libre dahil ako raw yung 'dayo' mula sa ibang mundo. 

Alam nyo ba nong una ay akala ko pambabash ang matatanggap ko? Yun pala special treatment pa. Medyo awkward nga lang dahil hindi ako sanay sa atensyon huehue.

Dumaan pa kami sa tindahan ng robe, charms, at iba't ibang magical items. Sobrang naaamaze talaga ako sa mga nakikita ko. Papasok na sana kami sa isang pet shop nang biglang may tumawag kay Scott.

"Ginoong Scott!" Tawag ng isang grupo ng kalalakihan.

 Apat silang lahat. Mga kumakaway ang mga ito habang papalapit sa direksyon namin.

"Dito pala kayo maglilibot sa bayan." Nakangiting sabi nung tumawag kay Scott nang tuluyan na silang makalapit sa amin.

Kapansin-pansin ang kulay grey na buhok nito. Hindi rin maipagkakaila ang kakisigan nya. 

Nakita ko namang may ibinulong yung isa pang lalaki na may peklat na hiwa sa kilay kay Scott na ikinailing lang nito.

Halos maestatwa ako nang dumako ang atensyon nila sa akin. I never felt this conscious before. Tignan ba naman ako ng limang makikisig na nilalang. Baka malaglag bigla underwear ko, nakakahiya. Joke 1/2.

Unang lumapit sa akin ay yung lalaking may hiwa sa kilay.

"Magandang araw. Ako si Lumus. Ikinagagalak kitang makita." Pormal na pakilala nito sabay aboy ng kamay nya. 

Inabot ko naman ito. "Malik" Pakilala ko with awkward smile.

"Anong magic mo?" Curious na tanong ko na ikinatawa nya. 

Nakakatawa ba yon? Ngumuso na lang ako sa hiya. 

"Ang cute mo haha." Natatawa pa ring sabi nya. "Kumokontrol ako ng kidlat." Kaswal na sagot naman nya sa tanong ko.

"Wow! Thor ka ghorl?" Manghang sabi ko. Natawa ulit sya. Malamang di nya naman naintindihan yung sinabi ko. 

Sumunod na lumapit ay yung dalawa pa nilang kasama.

"Rane." Pakilala nung asul ang mata sabay kaway sa akin.

"Stowne." Sabi naman nung isang malatsokolate ang kutis.  

Nginitian ko lang rin silang dalawa. "Malik po hehe." Pakilala ko.

"Pwede pong malamang magic nyo?" Pag-uulit ko sa tanong sa nauna.

They just nod.

"Water." Maikling sabi ni Rane.

"Earth." Sagot naman ni Stowne.

Wow ha, tugma sa mga pangalan nila. Natatawang isip ko. 

Syempre naamaze nanaman ako. "Ang galing naman!" 

Ang huling nagpakilala naman ay yung may grey na buhok na kanina pa nakatingin sa akin. Out of all, siguro sya ang pinakaattractive. Nakakadagdag points yung buhok nya.

"Ako si Ace." Nakangiting pakilala nya. 

Shet. Pigilan nyo po ako. Ayoko na pong magkasala sa bagong mundong ito. 

The Whisperer's Last Breath (bxb)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora