The "AFTER" of the Happily ever after

276 20 15
                                    

Mayroong isang babae na bumababa sa hagdan nang isang university may hawak itong mga libro at papel na tila ba ay malaglag na, pero kahit na ganun, panay parin ito sa pag dial sa cellphone niya.

"I'm in an important business right now, leave a message after the beep"

sabi sa kabilang linya, kanina pa siyang tanghali tawag nang tawag sa kanyang asawa upang magpasundo, nagkasakit raw kasi ang driver nila, text nito at wala naman siyang dalang sasakyan kaya tinawagan niya ang asawa niya.

Pagkadating niya sa harap nang gate nang eskwelahan na pinagtatrabahuhan niya biglang bumagsak ang ulan, kaya sumilong siya agad sa pinakamalapit na waiting shed

"hala ang mga test papers!" sigaw niya at dali daling tumakbo, hindi niya namalayan na nahulog pala sa daan ang cellphone niya na iniisip niya na pinasok niya sa bag niya.

Nang makarating na siya sa waiting shed saka pa niya Nakita ang cellphone niyang nasa gitna nang daan at nagkapirapiraso na dahil sa mga sasakyan na dumaan.

"ano ba namang klaseng buhay to" sabi niya sabay upo at tila bay iiyak na

Pero natigilan ito nang may bumusinang sasakyan sa harap niya

"Ma'am Zia Walden?" sabi nang lalaking nakasilip sa nakababang window nang sasakyan

"Sir Valdes" Sabi nito at pilit na ngumiti

"wala bang susundo sayo?" tanong nito, napatango nalang ang babae at tumingin sa basa niyang mga sapatos

"sige, hatid nalang kita saan ba sa inyo Ma'am?" Tanong nang co teacher nito

"ay hala Sir wag na, pupuntahan din naman ako nang asawa ko pag hindi pa ako nakauwi by the time na makarating siya sa bahay" pagdadahilan nito, kahit na sa loob loob niya, alam niya na hindi ito pupuntahan nang asawa unless tawagan niya ito

"But Maam its still 6pm, hindi natin alam ano oras uuwi ang asawa niyo, Don't tell me maghihintay ka hanggang mamaya?" Tanong nito ulit

"No, Sir okay lang talaga, uhmm... if okay lang po sa inyo pwede po bang makitawag nalang ako?" Pagbabakasakali nang babae

"Ma'am I'd really love to lend you my phone kaso wala akong load, Sorry talaga, all I can help you with right now is maybe give you a ride? Saan po ba kayo nakatira?" tanong nito uli, napaisip naman ang babae

"sa ******" sagot nang babae matapos magisip nang taimtim, alam kasi niya na hindi talaga siya kukunin nang asawa baka nga hindi nito mamalayan na wala siya sa bahay

"oh? Big time pala kayo Ma'am hindi ba pangmayaman ang subdivision na yan?" Tanong nanaman nang lalaki na ngayun ay bumaba na nang sasakyan at pinagbuksan ang babae nang pinto sa back seat

"hindi naman" Sabi nang babae sabay pasok sa sasakyan

--

Habang nasa daan, napansin nang babae na hindi pamilyar sa kanya ang dinadaanan nila

"Uhmm, Sir Valdes? Saan na tayo?" Tanong nito habang hawak ang sinapupunan nito, sabi kasi sa kanya nang doctor hindi dapat siya masyado magpastress dahil maselan ang pagbubuntis niya at ngayon ay natatakot siya na baka mapektohan ang baby sa kaba na nararamdaman niya

"ay don't worry Maam, nag shortcut lang ako, Traffic kasi masyado ngayon sa main road" pagadadahilan nito

Medyo napanatag naman ang loob nang babae pero hindi parin mawala sa puso niya ang kaunting kaba.

--

10:00 PM sa isang Hospital may dalawang lalaki sa labas nang delivery room, ang isa ay nakaupo sa waiting area habang ang isa naman ay kanina pa lakad nang lakad

"Nasaan ka ba kasi nung nangyari yun Ethan?! Alam mo namang Malaki na ang tiyan ni Melle at alam mo rin na maselan ang pagbubuntis niya! Bakit mo siya hinayaang magisa?!" Bulyaw nang lalaking kanina pa palakad lakad sa lalaking nakaupo

"Manahimik ka nga Vincent Walden!! Alam ko ang responsibilidad ko bilang asawa ni Melle, at alam ko ang pagkakamali ko! And I swear in the name of Bracken Family that Veronica will pay for pushing Melle down the stairs" sabi ni ethan habang nakakuyom ang mga palad nito

Umupo na sa wakas si Vincent sa tabi ni Ethan at inilabas ang Cellphone nito, at Nakita niya na may sobrang 100 missed calls na pala galing sa asawa nitong si Zia

"tingnan mo! Ikaw nga hindi mo man lang masagot tawag nang asawa mo! makapagsalita ka sakin na parang ang irresponsible ko eh ganun ka rin pala" sabi ni Ethan na nakasmirk

Tumayo ulit si Vincent at tinignan si Ethan nang masama

"Shut up, atleast I know that my wife is safe" Sabi nito at akmang ipapasok na ang cellpone sa bulsa nang bigla itong magring ulit

Sinagot ito ni Vincent thinking na tumatawag si Zia

"Zia, I'm sorry, Im currently in the hospital-" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang biglang nagsalita ang lalaki sa kabilang linya

"Is this Vincent Walden? Husband of Zia Feyre Walden? This is *** police station, we would like your presence here urgently" Sabi nito, naningkit ang mata ni Vincent, at kung ano anong bagay ang pumasok sa isip niya.

"Congratulations Sir, the baby and the Mother are safe" narinig ni Vincent na sabi nang Doctor na ngayun ay kausap si Ethan, gusto rin nitong tumakbo papasok sa delivery room upang Makita si Melle at ang Baby pero sa lahat nang panahon ngayon pa talaga may kung anong hindi magandang ginawa ang asawa niya.

Umoo lang siya sa kabilag linya bago ito binaba

"Alis muna ko, puntahan ko muna si Zia" Pagpapaalam ni Vincent kay Ethan at tumango lang ito bago rin pumasok sa delivery room

--

"We need identification Sir, kaya ka namin ipinatawag dito, there are a total of 3 dead bodies, one is who we suspected as your wife, Zia Feyre Hamilton-Walden, and another 2 bodies" Sabi nang isang investigator na kaharap ngayon ni Vincent

Nagulat si Vincent sa narinig at tila ay hindi naprocess ang bagong information

"Dead bodies?" Tanong nito at kinuha ang Cellphone

"How can that be? I just received a call from my wife a while ago" sabi nito at ipinakita ang call log na may 100 plus missed calls galing sa asawa

Tinignan siya muli nang investigator at nagsulat sa papel na hawak nito

"Sir, nasaan kayo from 6pm to 10 pm nang hapon?" Tanong nito kay Vincent

"pinagdududahan mo ba ako?!" Bulyaw ni Vincent sa investigator

"Don't you find it weird sir? Tumawag ang asawa ninyo nang 137 times mula tanghali hanggang 6 pm nang hapon, at matapos nuon ay Nawala na ang cellphone nito? 10pm Nakita ang car crash na ito kung saan nasa loob ang pinaghihinalaang katawan nang asawa mo at dalawa pang katawan nang babae na hindi ma identify dahil wala itong identification Card or in that case, suot na damit. We are also suspecting rape, at alam mo ba Sir na buntis ang asawa mo?" sunod sunod na sabi nang Investigator

Napatulala nalang si Vincent sa mga narinig

"It's nothing new in our line of work, isang lalaki na ayaw magkaanak sa kanyang asawa, ipinakidnap at ipinalabas na namatay ito." Bulong nang investigator sa tenga ni Vincent, na si Vincent lang ang nakarinig, hindi ito sumagot at nakatulala lang

"WALANG HIYA KA! IPINAGKATIWALA KO SAYO ANG ANAK KO PERO ANO?!!! NASAAN KA NUNG KAILANGAN KA NIYA!!" Sigaw nang isang matandang babae na kakagaling lang sa loob nang Investigator's office habang sinsabunutan ang tulalang Vincent

Nakatingin lang si Vincent sa byenan niya na ngayon ay nasa mga bisig na nang kanyang Father in law, before everything went black.

--

Minulat ko ang mga mata ko, dahan dahan dahil sa liwanag

Hmm?

Nakakakilabot masyado ang panaginip ko, parang totoo.

Nang makaadjust na ang mata ko saka ko narealize na nasa lugar ako na hindi ako pamilyar. Napaupo ako bigla dahil sa gulat, kaba at takot na naramdaman ko

At pagkaupo ko, bumungad sa akin ang isang salamin, at doon Nakita ko ang repleksyon nang isang babae, no, let me rephrase that, Nakita ko sa salamin si Zia.

My WayWhere stories live. Discover now