Tomato Zia

123 16 12
                                    

Kinabukasan nagising ako, and ako parin si Zia, If ibe-base ko to sa mga nabasa ko or napanuod ko noon, doen't this mean na kailangan ko baguhin ang ending ni Zia para makabalik ako sa katawan ko or something?

Anyway, its no help thinking about what if's kaya bumangon na ako at nagready na ulit umalis, today I plan on meeting my parents in this world, kailangan kong magpakalayo layo sa main characters para hindi masunod ang plot, August pa naman eh, pwede pa akong magtransfer nang skwelahan.

Matapos kong maghanda ay tinignan ko ang cellphone ko, yun parin ang wallpaper, yung kaming dalawa ni Melle, kaya umupo muna ako at naghanap nang magandang wallpaper sa pinterest para baguhin yun, binlock ko rin ang number nina Melle, Ethan at Vincent, bago ako tuluyang lumabas nang Condo.

--

"ZIA baby! I miss you; did you miss mommy?" sabi nang babaeng nasa kanyang mid 40's na sumalubong sa akin the moment na dumating ako nang bahay, and yes, for some reason alam ko saan sila nakatira, convenient information at least.

"Zia, why did you suddenly come home? Did you have a fight with Melle? Binubully ka ba sa school niyo?" sunod sunod na tanong nang lalaking mukhang kaedad lang nang babaeng nakayakap sa akin n sobrang parehas nang features ko, black hair and all, si Mommy kasi ay may blonde hair and green eyes.

"It's not like that, naisip ko lang pong magtransfer, new environment po ganun" sabi ko

"Who is the guy that broke my baby's heart?!!" Sigaw bigla ni Daddy na ngayun ay may hawak nang hand gun na di ko alam saan galing

"No! Dad, I didn't have a boyfriend! Gusto ko lang po sanang mapalayo kina Melle" sabi ko sabay yuko, wala naman kasi talaga akong valid reason kung bakit gusto kong lumipat nang school, gusto ko lang talaga mapalayu sa kanila

"I see, Honey put the gun away! You're scaring Zia" Sabi ni mommy na nakayakap parin sakin, hindi ko namalayan na nanginginig pala ako, naalala ko nanaman kasi yung ending, yung nasa panaginip ko. Now that I am really Zia, if I don't do something, I might actually end up like that and it scares me.

"It's Okay Darling, it's not like I really liked Melle in the first place! Naiinis ako na ginagawa ka niyang alila niya, dati pa, pero dahil best friend mo siya di ko masabi na lumayo ka sa kanya, so maybe, this is also good, whatever it is that happened between you, it happened for a reason" sabi ni Mommy habang hinahaplos ang buhok ko

"Charles! Find Zia a new school, somewhere not inferior form the last one" Sabi ni Daddy sa butler naming na nagngangalang Charles

"Sir, the school that can par with *** is no other than the school you 1st wanted for the young lady to attend, which is in the NY City" sabi ni Charles

Yes, I remember nasa series to napagusapan din nila to, na ayaw sana ipapasok nang parents niya si Zia sa school ko ngayon kasi may mas better na school, which is where Veronica graduated.

"How about it Darling?" Tanong ni Mommy na hawak hawak ang kamay ko

"yes, I'd love to transfer there" sabi ko na nakangiti

"oh, and Dad? Mom? Can I have more classes? I mean, gusto ko sana mag aral nang self defense, tas swimming and if possible, piano Or Dancing?" Request ko sa kanila

Nagtinginan sila dalawa at ngumiti sa isa't isa

"yes baby, anything you want" sabi ni Mommy at yumakap ulit sa akin.

I hugged her back, and it was so... warm

--

That very same day, inasikaso na ng mga tauhan ni Daddy ang papers ko, for transfer nang school pati narin ang place na stestay han ko, kinuha narin nila ang mga gamit ko sa Condo ready to transfer na sa new place

And by that night bumyahe nako papunta sa kabilang city, to my new crib, and to my new life

--

Pagkagising ko the next day nanibago ako sa place but I know makakadjust din ako dito eventually, so I got up and naghanda para pumasok sa aking 1st day of school in my new life as Zia

Pagkadating na pagkadating ko sa school ay dumiretso ako sa faculty room at nagtanong kung saan ang classroom ko

Doon ko nameet si Sir Allison Cozby ang adviser namin, kaya inakay niya ako papunta sa bago kong classroom at inontroduce ako sa klase

Unlike my previous school, mas normal dito and well-disciplined ang mga students. Kaya mas pleasant para sa akin ang place

"Hi, my name is Zia Feyre Hamilton, pleased to meet all of you, I hope we can get along" sabi ko

"Okay, now, how about we find you a seat, Miss Zia? Hmm... Veronica you don't have a seatmate, right?" napalingon ako sa tinignan nang adviser namin

Veronica Pearson! The villain, ngayon ko lang napansin na nandun pala siya, iba kasi ang pinortray na Veronica sa Series, she was feisty and mean! Plus hindi siya... ganyan

Veronica who is sitting at the back is wearing the same uniform I do, her hair is braided on one side and wala siyang make up so halata ang freckles niya plus naka harry potter glasses siya!! I mean you know those round glasses right? Despite that her hair is red, so nagstastand out parin siya, and she looks more strict kaysa maldita.

Naglakad na ako palapit kang Veronica habang nakangiti

"Hi" sabi ko, more like bulong, hindi nga ako sigurado kung narinig niya

"Hello, I'm Veronica" Sabi nito sabay ngiti at inabot ang kamay niya for a handshake

NAKABRACES SIYA!

Veronica in the series doesn't have one!

"Zia" sabi ko at inabot ang kamay ko, medyo rough yung kamay niya, so contradicting sa soft hands ni Melle

Umupo na ako sa tabi niya at maya maya pa, after a couple of announcements ay nagsimula na ang klase, at dahil wala pa akong textbooks kaya nagshare muna kami ni Veronica, and that continued until the end of the day, nahihiya parin ako sa kanya and nasusurprise sa mga newly discoveredqualities niya na hindi ipinakita sa series pero at the same time contented ako, kasi hindi naman pala siya bad

"Zia, hmm, since bago kalang sa town naisip ko, why not bring you around the city? Gala gala lang? para medyo ma familiarize ka" sabi ni Veronica habang nagliligpit ako nang gamit kasi dismissal na

"is that okay? I mean sobrang pabigat ko na yata sayo, nakishare na nga ako nang books tapos ganito" sabi ko

"hehe ang cute mo Zia, and don't worry about it, magkaibigan naman na tayo diba?" tanong niya na para bang sobrang big deal sa kanya nang sagot ko

Hmm now that I think about it, may trauma si Veronica kasi binetray siya nang friends niya nuon, base sa series kaya siya naging mean and all kasi binetray sya nang friends niya. Hindi nag go into details yung series pero maybe, this was before that betrayal? Damn it why am I always in the middle of something that happens to the main characters!!

"Oo naman! Ikaw ang una kong kaibigan sa City na to Veevee" Sabi ko na nakangiti

"Veevee? Hahaha You're really cute Zia" sabi niya sabay tawa

Cute? Damn why is it na naalala ko yung nangyari nung nakaraang araw? Naramdaman ko nanaman na uminit ang mukha ko

"HAHAHA Tomato Zia" pangaasar pa ni Veronica

My WayWhere stories live. Discover now