The Drought and The wetlands

109 16 11
                                    

It has been 3 weeks since that incident, at nag recuperate muna kami ni Veronica for 2 weeks and after that ay sinimulan na namin ang swimming lessons ko.

Almost everyday na ako sa bahay nina Vee mula nung nagsimula siyang turuan ako mag swimming, and sabi niya baka daw masimulan ko na ang self defense training ko bukas kasi daw dadating na mula sa isang business trip ang kuya niya mamayang gabi.

Sabi niya rin na sinabihan na daw niya ang kuya the very next day after nang accident about sa akin and pumayag naman daw na turuan ako.

"Zia dito ka nalang matulog please?" sabi ni Vee habang nakapout at hawak hawak ang kamay ko

"Vee, wala akong damit dito, may pasok pa tayo bukas, and nakakahiya na sa Mommy at Daddy mo, kulang nalang i-adopt nila ako" sabi ko

"Okay lang kaya sa kanila, gusto nga nilang nandito ka eh! para daw silang may dalawang daughter, which by the way is Mom's dream" sabi niya.

Nakakahiya na para sa akin magstay pa dito, tas isa pa hindi rin ako sanay na nakikitulog sa ibang bahay.

"Just tonight then? Huh? Please? Wala naman din special event bukas sa school, walang quiz or exam" sabi niya

"Why does it sounds like gusto mong magabsent tayo?" pagsususpetsya ko

"Kasi nga diba uuwi si Kuya mamaya? That means simula na nang training mo bukas! Do you really think matatapos siya sa pagtiteach sayo nang basics in one afternoon?" tanong niya

"Then, I'll just practice and learn whatever that little time can teach me, hindi naman yata kailangan sagadin diba?" sabi ko naman

"eeeehh, dito ka na kasi matulooog wala na akong ibang maisip na dahilan!" sabi niya na nagpapahila na sa akin habang naglalakad ako

Napasigh nalang ako at tumigil magmaglakad,

tinignan ko siya nnag maigi, nakapout sya, naka puppy eys and all, ibang iba ang Veronica na nakikita ko ngayun sa Veronica nung gabi nang accident at Veronica na pinortray sa series

"Fine, but uuwi muna ako kukuha ako damit and other necessities" sabi ko

"eeehhh wag na hiram ka nalang sakin!" sabi niya

"ayoko nga, its either papauwiin mo ako at babalik ako or uuwi ako at hindi babalik" sabi ko

Tinignan niya lang ako at mukhang iiyak na

"Veronica Pearson hindi mo ako madadala sa ganyan" sabi ko sa kanya in a straight face

"Fine! Papahintay kita sa Driver" sabi niya sabay bitaw sa kamay ko at cross arms

"go, before I change my mind" sabi niya at tinalikuran ako

Napailing lang ako at naglakad papunta sa double doors nang bahay nila, and unsurprisingly andun na ang sasakyan at ang driver sa labas

"Balik ka ha!!" sigaw ni Vee galing sa pinto bago ako makasakay

"OO" sigaw ko lang pabalik at sumakay na

--

Pagkabalik ko nang mansion nina Vee napansin ko na sobrang daming sasakyan sa labas, andito ba si President Duterte or something? Ang dami dami pang men in a black suit.

Nailang tuloy ako bumaba nang sasakyan pero dahil sa nasobrahan nang pagka gentleman itong Driver nina Vee ay talagang pinagbuksan ako nang pinto, wala na tuloy akong choice kundi bumaba, hindi na ako nag attitude pa kay kuya Driver I know he means well naman kaya bumaba nalang ako hila hila ang maliit kong luggage

Damn para akong yung mga nasa pelikula alam mo yun? Nakalinya lahat nang men in black tapos yung maids and butler pa nang bahay nila nasa side din.

My WayWhere stories live. Discover now