Chapter Two

596 14 1
                                    

The Punishment

"Hello po, Tito Hannuf and Tita Xania." Masiglang bati ni Elledashia sa mag-asawang Al-Sazam. Ito ang mga magulang ni Axle.

"Oh, hello, hija! Kumusta ka na? Paganda ka ng pagandang bata ka, ah." Magiliw na bati ng ginang sa kanya matapos nilang magbeso.

"Ang swerte-swerte talaga ng kumpadre namin at mayroon siyang isang magandang anak." Sabi pa ng ginoo sa kanya.

Nginitian niya ang mag-asawa ng pagkatamis-tamis. Kasalukuyang nasa lanai ang mga ito at nagkakape. Marahil ay katatapos lang din kumain.

Sa tuwina ay lagi namang magiliw sa kanya ang mag-asawa. Matalik na kaibigan ito ng kanyang mga magulang. Ninong at ninang ito ng kanyang kuya at ang kanila namang mga magulang ay ninong at ninang ni Axle.

Ang pagkakaibigan ng kanilang mga pamilya ay nagmula pa sa mga lolo nila. Ang lolo ni Axle na si Fauzi Al-Sazam ay isang banyaga mula sa United Arab Emirates na nakapag-asawa ng Pilipina at nagpasyang manirahan sa Pilipinas. Ang lolo naman nila na si Edilberto Montecarlo ay mula naman sa Davao na nagtungo sa Maynila para sa isang magandang oportunidad at doon na nakatagpo ng kabiyak.

Ang dalawa ay naging ahente ng isang real estate company. Dahil likas na maboka bukod sa matatalino't magagandang lalaki ay palaging pinapalad na makapagsara ng mga deal. Hanggang sa nagpasyang maging magkasosyo. Naging maabilidad at madiskarte ang dalawa. Nag buy and sell sila ng mga bahay. At ang paisa-isang pagbili nila ng mga bahay ay naging tatlo, hanggang sa maging sampu hanggang sa dumami.

Mula sa mga napagbentahan ay natutong mag-invest hanggang sa maitayo na ang Montecarlo Al-Sazam Property Group at ngayon nga ay kinokonsidera ng pinakamayayamang tao sa larangan ng real estate company.

Nang matapos magdinner ang pamilya Montecarlo ay nagpaalam si Elle na pupunta sa mansiyon ng mga Al-Sazam na naroon lang din eksklusibong village nila. Pumayag naman ang kanyang mga magulang dahil madalas naman niyang gawin iyon.

Napag-isip-isip niya kasi kanina na sumobra talaga siya sa sinabi niya kay Axle. She've crossed the line na dapat ay hindi niya ginawa. Naisip niya kung gaano siya katanga kanina dahil ang ginawa niya below the belt. Baka lalo siyang hindi tignan ni Axle bilang babae kundi isang batang paslit pa rin.

Kaya ngayon ay hihingi siya ng pasensya sa binata.

"Ahmm, Tito, Tita, si Axle po?" Hanap niya sa binata.

"Pagkatapos kumain sabi niya, may gagawin daw siya sa kwarto niya." Sagot naman ng ginang.

"Mabuti pa, puntahan mo na lang doon dahil alam naman naming siya talaga ang ipinunta mo rito at hindi naman kami." Sabi ni Hannuf.

"Si Tito naman, nagtatampo pa. Syempre po, talagang papasyalan ko rin kayo. 'Yon nga lang po, priority ko talaga si Axle." Sagot niya sa paraang pabiro.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga ito at sa kaalaman ng mga magulang niya ang paghanga niya kay Axxain Lennoux. Alam ng mga ito ang matinding pagkahumaling niya sa binata. Hindi siya kinukontra ng mga ito dahil naniniwala sila na baka infatuation lang ang nararamdanan niya para kay Axle. That when she grew up, she will overcome her feelings toward him.

Laging paalala ng mga magulang niya, maganda siyang bata at lalaking mas maganda pa. Sa edad pa lang niya ngayon, halos magkandarapa na ang mga manliligaw niya na sa umpisa pa lang ay agad na niyang pinahihinto dahil wala sa bokabolaryo niyang mag-entertain ng ibang lalaki kundi si Axle lang.

All I AskWhere stories live. Discover now