Chapter Five

464 15 1
                                    

Argue

Kinikilig na pinagmamasdan ni Elledashia ang painting na regalo sa kanya ni Axle para sa kanyang ika-labing walong kaarawan. Nakahiga siya pabaliktad sa kama niya mula sa paanan at mukhang tangang tinititigan ang painting na nakasabit sa ibabaw ng headboard ng kama niya.

The portrait in the painting was her. Sa bagay pa lang na iyon ay sobra na siyang kinikilig. Pero ang higit pa na nakakakilig ay ang isiping sa Cambodia pa iyon ipinagawa ng binata noong nagkaroon ito ng meeting conference doon. Alam ng binata na magaling din magpinta ang mga Cambodian kaya sinigurado nito na maipapagawa siya ng painting doon.

Katunayan, ang painting ang nagpatagal sa pagbabalik ni Axle sa Pilipinas. It was a four by three feet long kaya medyo natagalan sa paggawa. And the painting was carefully wrapped when he presented it to her. For a moment, she was in total awe.

Siya ang babaeng ipininta doon habang abala siya sa pagguhit ng disenyo ng mga damit. Parang buhay na buhay ang painting. At mahihiya ang kuha ng mga DLSR camera sa painting na ito. Ang ipinagtataka niya lang ay kung paano siya naipinta na pintor? Hindi naman pwedeng in-imagine lang nito ang hitsura at ang ginagawa niya. Parang may pinaggayahan ito ngunit nakaligtaan na niyang itanong kay Axle.

Sabagay, hindi na rin naman importante iyon para sa kanya. Ika nga nila, it's the thought that always count. And this one counts big time.

Akala niya talaga ay tuluyan ng babalewalain ni Axle ang kanyang kaarawan. Akala niya ay hindi na matutupad pa ang pangarap niyang makasayaw ito sa kanyang kaarawan. Akala niya ay hindi na talaga ito makakadalo pero ang kanyang mga akala ay malalaking mali dahil ang binata ang bumuo at kumumpleto sa gabi ng kanyang kaarawan.

Dahil sa pagiging lutang ay hindi na niya namalayan ang presensya ng kuya niya sa loob ng kwarto niya. Nakatayo ito sa kanyang tagiliran. Pumalakpak ito ng malakas dahilan para makuha nito ang atensyon niya.

"Hey!" Anito pa.

"Kuya, kanina ka pa ba d'yan?" Sabi niya nang hindi kumikilos.

"Not so. Just enough to see you daydreaming for the nth time over that painting." He said then he smirks.

She rolled her eyes. "Hayaan mo na 'ko, Kuya." Sabi niya.

Hindi ito nakasagot dahil tumunog ang cellphone nito.

"'Tol, ano? How's your date?" Tanong nito sa kausap sa kabilang linya.

Awtomatikong napataas ang kilay niya buhat sa narinig. Wala naman itong tinatawag na "utol" kundi si Axle lang. Bumalikwas siya ng upo.

May date ngayon si Axxain Lennoux at alam ng kuya niya pero hindi sinabi sa kanya? Parang biglang umusok ang bumbunan niya sa isiping iyon. Kailangan niyang gumawa ng paraan para matigil ang date ni Axle!

"'Wag ka ng magreklamo, 'tol! Maganda naman 'yang date na binigay ko sa'yo. It's about time na makipagdate ka sa iba." Narinig niyang sabi pa ng kuya niya.

Did she just heard it right? Ang kuya niya mismo ang nagbigay dito ng date? Nag-akyatan yata lahat ng dugo niya sa ulo! Paano siya nagawang traydurin ng sarili niyang kapatid? Okay, she overreacted. Pero paano ito nagawa ng kuya niya sa kanya?

Natapos ng makipag-usap ng kuya niya.

"Arrrgghhhh, kuya! How did you do it to me?" Sigaw niya sa kuya niya habang hinahampas niya ito ng unan.

All I AskOnde histórias criam vida. Descubra agora