Chapter Seven

453 13 0
                                    

The Moves

Walang magawa ng araw na iyon si Elledashia. Araw ng Sabado pero wala siyang mahagilap na kapamilya sa bahay nila. Ang daddy at kuya niya kasi ay nagtungo sa Thailand para bisitahin ang condominium building na itinatayo roon samantalang ang mommy naman niya ay kasama ang mommy ni Axle at ang iba pang amiga ng mga ito.

She feels so bored. At kapag ganitong nabuburyong siya ay walang ibang laman ang utak niya kundi si Axxain Lennoux lang. Ngumisi siya. Nakaisip tuloy siya ng ideya para sa gagawin niya ng araw na iyon. Suddenly, she felt her blood running through her veins. She feels energetic. Kaya naman dali-dali siyang kumilos at inayos ang kanyang sarili.

She wore a dark green three-forths bold blouse paired in a chocolate brown skirt and a snickers. She then puts a light make-up just to match her outfit. After a while, she grabs her Gucci sling bag and instantly left her room.

Ilang sandali pa ay lulan na siya ng sasakyan nila patungo sa isang mall. Different ideas are playfully running into her mind. She feels extremely excited. Bahagya pa niyang kinagalitan ang sarili niya dahil ngayon niya lang naisipan ang ganitong taktika. Ikiniling niya ang ulo niya sa naisip.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa harap na siya ng mall.

"Manong, 'wag niyo na po akong hintayin. Tatawag na lang po kapag magpapasundo na po ako." Magalang na sabi niya sa matagal na nilang family driver na si Mang Kiko.

"Oh, sige, hija." Maikling tugon nito sa kanya.

Bumaba na siya ng sasakyan at dire-diretsong pumasok sa mall. Naghintay lang siya ng ilang sandali at isinagawa na niya ang plano. Tinawagan na niya ang kanyang prospect - si Axxain Lennoux. Her very own Axle.

"Hey, Dash!" Bungad sa kanya ni Axle mula sa kabilang linya.

"Ahhhmmm, are you busy?" Kagat-labing tanong niya rito.

"Not so. Bakit?" Sagot nito.

"Eh, kasi, ano, eh." Alanganing sabi niya. One of her tactics.

"Why? Somethings wrong?" Bakas sa tono ng boses nito ang pag-aalala.

"W-Wala naman." Kunwa'y sagot niya. "Magpapasundo kasi sana ako sa'yo. Inindyan kasi ako ni Stacey at eto, nagkaemergeny si Mang Kiko at hindi niya ako masusundo." Sabi pa niya.

"Where are you?" Tanong nito.

"Sa mall. Dito sa Makati." Nagpapaawang sagot niya. "P-Pero kung busy ka, I-I'll just take a cab." Nakangiwing sabi niya with her fingers crossed.

"No. Susunduin kita." May pinalidad sa boses nito.

"No, really." Kunwari'y tanggi niya.

"I'll hang up. Wait for me there." Sabi nito saka nawala na sa linya.

She witchfully smile. This will be a great day.

Ilang sandali ang lumipas at dumating na si Axle. Sinabi nito sa kanya na hihintayin na lang siya nito sa parking lot pero syempre hindi siya pumayag. Hindi niya maisasagawa ang kanyang plano kapag hindi ito pumasok sa loob. At nanalo naman siya matapos ang maigsing debate nila sa linya.

She patiently waits for him at one of the benches inside the mall near the elevator. At nang marinig ang tunog ng elevator ay lumingon siya doon at iniluwa niyon si Axle.

Awtomatiko siyang napangiti. Her heart skips a bit which usually happens whenever Axle is near. Her world stops revolving again. Nag-slowmotion na naman ang paligid niya at wala na namang nakikitang ibang tao si Elledashia kundi si Axle lang.

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon