02 - The Boss

1.6K 82 2
                                    

"Pasensya ka na ulit kay Erika," paghingi nang paumanhin ng babaing kasama ko habang hila-hila ang maleta ko."Mabait na bata si Erika, m-maliban nga lang sa bagong empleyado na pumapasok dito sa mansyon," dugtong pa n'ya.

"Okay lang. Iba't ibang bata na ang dumaan sa akin kaya sanay na ako," nakangiting pahayag ko.

Halos anim taon na akong elementary teacher sa lugar namin kaya masasabi kong alam ko na ang iba't ibang ugali ng mga batang nakakasalamuha ko. Ang totoo n'yan ay mahilig talaga ako sa bata kaya napili kong maging guro ko pero mukhang susubukin ni Erika ang propesyon at tatag ko sa pag-handle sa kanya.

Kinuha ko lang talaga ang trabahong 'to dahil nga triple ang sahod na bigay dito kesa sa sahod ko noon bilang public teacher.

"Ako nga pala si Denise," pakilala n'ya sa akin. Sana ay makasundo ko s'ya. Sa ngayon ay s'ya pa lang ang sa tingin kong malapit sa edad ko. "Si nanay Claire naman ang kasama kanina ni Erika. S'ya ang nanay ko," dugtong n'ya kaya tumango ako.

Tumigil kami sa harapan ng isang pinto at nang buksan 'yon ni Denise ay tumambad sa akin ang mala-victorian style na design ng kwarto. Doble ang laki nito sa kwarto ko sa bahay.

Ang ganda!

"Katabi mo lang ang kwarto ni Erika at sa dulo naman ng pasilyong 'to ay ang magiging study room n'yo," paliwanag ni Denise.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang inililibot ang tingin sa buong kwarto. May sarili rin akong CR at may bathtub pa. Hindi lang 'yon! May terrace rin dito.

Hindi ko mapigilang ma-excite ng buksan ang double door papunta sa terrace. Isang napakalawak na hardin na may iba't ibang kulay ng bulaklak ang bumungad sa akin pagdungaw ko sa ibaba ng terrace.

Grabe napakaganda!

"Denise, sigurado ka bang ito ang magiging kwarto ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Baka kasi nagkamali lang s'ya ng kwartong binuksan kaya sinisigurado ko na para hindi na ako umasa ngayon pa lang.

"Opo ma'am. B-bakit po? Ayaw n'yo po ba rito?" nag-aalalang tanong ni Denise kaya mabilis akong umiling.

"Hindi ah! Ang ganda kasi. Parang hindi ko deserve na gamitin 'to," sagot ko habang nakapako pa rin ang tingin sa hardin na hekta-hektarya ang laki.

"Ganyan din ang naging ekspresyon ng mga naunang private teacher ni Erika ng makita ang kwartong 'to. Hindi rin po sila makapaniwala lalo nang makita nila ang buong hardin," pahayag ni Denise.

"Ilan na ba ang naging private teacher ni Erika?" tanong ko sa kanya.

"Siguro ay nasa walo na po ay hindi. Sampo na ata ang umalis dito," sagot ni Denise na ikinagulat ko.

"Bukod sa mataas na pasahod ay bunos na rin ang kwartong 'to kaya bakit nila nagagawang umaalis?" puno ng pagtatakang tanong ko.

Bukod sa malditang batang 'yon siguro ay ganun din ang boss ko. Naku! Baka nga 'yon ang dahilan kung bakit walang tumatagal dito. Baka like parents, like daughter ang drama sa mansyon 'to.

Ang judgemental ko sa part na 'yon!

"Ikaw na lang ma'am Merida ang umalam. Ayokong takutin ka kaya ipapaubaya ko na sa'yo ang sagot sa tanong mo na 'yan."

Hindi kaya...Hindi! Tinatakot mo naman ang sarili mo Merida.

Bago ako iwan ni Denise sa kwarto ay nagkwentuhan muna kaming dalawa. Nalaman kong simula pagkabata ay dito na s'ya nakatira sa mansyon dahil matagal ng kasambahay ang lola at nanay n'ya rito. Nalaman ko ring ipinagpalit si Mr. Thomas ng asawa n'ya sa ibang lalaki dalawang taon na ang nakakaraan. Kaya pala sinusungitan ni Erika ang mga baguhang mga babae rito sa mansyon dahil iniisip n'yang inaakit lang daw ng mga ito ang ama n'ya.

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon