11 - Kiss

1K 60 2
                                    

Ikinuwento ko kay Fr. Wilson ang nangyari sa akin nang komprotahin ko ang nakaitim na babae sa kwarto ko pati na rin ang ginawa nitong pananakit sa akin.

"Hindi titigil ang demonyong 'yon hangga't hindi n'ya nagagawa ang gusto n'ya. Makapangyarihan ang demonyo pero may limitasyon din ito. Sa tuwing aatake ito ay kaagad din silang manghihina at pansamantalang hindi magpaparamdam upang muling mag-ipon ng lakas mula sa mga negatibong enerhiyang nakapalibot sa kanya," paliwanag ni Fr. Wilson.

"Anong kailangan kong gawin kung ganun?"

"Una, kailangan mo munang alamin ang dahilan kung bakit pinupuntirya nito ang batang Thomas. Pangalawa, kailangan nating makilala kung sinong demonyo ang umaaligid sa bata. Maaaring konektado sa mga Thomas ang taong nakipagkasundo sa demonyo noong nabubuhay pa ito," pahayag ni Fr. Wilson.

Tama si Fr. Wilson, maaaring konektado ang babaing nakaitim sa mga Thomas.

May isang hinala ang pumasok sa isip ko sa maaaring totoong katauhan ng babaing naka-itim.

"May kutob na ako kung sino ang babaing nakaitim."

"Sino?"

"Si Susan Thomas,"

Galit na galit si Susan kay Mallen dahil nga nagkaroon ito ng relasyon sa asawa n'ya. Kung hindi totoong anak ni Eron si Erika ay posibling ang asawa ni Susan ang tunay na ama nito. Nang malaman ni Susan ang totoo ay nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pagtalon nito sa bangin.

I connected the dots! Oh ghad!

Wala pa akong kasiguraduhan ang hinala ko pero malakas ang kutob kong ganun nga ang nangyari.

Si Lewis, ano ang totoong naging papel n'ya sa buhay ng mga Thomas bukod sa pagiging family driver nito at kaibigan ni Eron at Mallen? Iyon ang kailangan ko rin na malaman.

"Hmm. Maaaring bago nagpakamatay si Susan ay nakipagkasundo muna s'ya sa demonyo para maghiganti," pahayag ni Fr. Wilson. "Ang pangatlo mong kailangan gawin ay ang pagsunog sa pinaka-importanteng pagmamay-ari ni Susan."

Mukhang mahihirapan ako sa paghahanap ng bagay na 'yon.

"Kapag nakuha mo na ang bagay na pagmamay-ari nito ay kailangan mo itong sunugin kung saan s'ya nagpakamatay. 'Wag mong ipapahalata ang balak mo sa demonyong iyon dahil baka maunahan ka n'yang patayin ka. Tuso ang demonyo kaya mag-iingat ka, hija," babala ni Fr. Wilson. "Heto, kunin mo ito. Kakailanganin mo 'yan." Iniabot sa akin ni Fr. Wilson ang isang bote ng holy water na kaagad ko namang tinanggap.

Bukod sa pagsunog sa pinaka-importanteng gamit ni Susan ay kailangan ko rin itong dasalanan. Binigyan ako ni Father nang maliit na bibliya at rosaryo para sa dasal na gagawin ko.

Matapos ang pag-uusap namin ni Fr. Wilson ay nagpasya akong maglakad-lakad muna sa bayan bago bumalik ng simbahan para sa misa. May isang oras pa naman akong natitira.

Habang binabaybay ang sidewalk ay malamig at sariwang hangin ang humahaplos sa balat ko. Dahil siguro iyon sa maalong karagatan ngayon. Malakas na humahampas sa tabi ng side na nilalakaran ko ang alon nito. Sa bawat nadadaanan kong mga commercial building ay may E.S.T na initial akong nakikita. Siguro ay initial iyon ng pangalan ng pamilyang Thomas.

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin kay Eron o hindi ang tungkol sa nanay n'ya. Huwag na muna siguro. Wala pa naman kasing kasiguraduhan kong nanay n'ya nga ang babaing nakaitim na nagtatangka sa buhay ni Erika. Sa ngayon ay magpo-focus muna ako sa paghahanap ng bagay na kailangan ko.

Mabilis akong napalingon sa likuran ko nang marinig ang malakas na tunog ng engine ng motor. Nakita ko ang humaharurot na motor papunta sa direskyon ko. Para bang wala itong balak na huminto kahit pa alam n'yang may masasagasaan s'ya.

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon