12 - Pamana

1K 58 8
                                    

Sa huling pag-uusap namin ni Eron patungkol sa kaso ng asawa n'ya ay inisa-isa n'ya sa akin ang pagkakakilanlan n'ya sa mga empleyado n'ya rito sa mansyon.

Nalaman kong wala pang isang taon si Frankie bilang cook dito kaya naman inalis ko s'ya sa listahan ng mga posibling suspect. Wala kasi s'ya rito nang mawala si Mallen dalawang taon na ang nakakalipas. Samantala, idinagdag ko naman sa listahan ko si Detective Jorge dahil sa mga napansin kong butas sa imbestigasyon n'ya. My guts is telling me that there's something wrong with this guys kaya naman nominated s'yang suspect.

Congrats detective!

Nabanggit din sa akin ni Eron na magkababata silang tatlo nina Denise at Lewis. Pinagsilbihan ni Madam Ruth ang pamilya ni Eron simula pa sa lolo at lola n'ya hanggang sa sumunod sa yapak nito si Ate Claire at Denise. Samantala, naging family driver naman nila si Lewis.

Si kuya Rick ay dating security guard dito sa mansyon. Nang maglahong bigla si Lewis ay si kuya Rick ang pumalit sa trabaho nito. Bukod sa pagiging family driver ay s'ya rin ang butler ng mga Thomas. Si Raul naman ay halos limang taon ng hardinero dito sa mansyon. Kapag walang gawain sa hardin ay tumutulong s'ya sa mga maintenance dito.

Samantala, sina Kamilla at Kave ay malayong kamag-anak ni Eron. Halos kalahating oras lang ang layo ng mansyon nila rito kaya madalas silang bumibisita para bisitahin ang mag-ama lalong-lalo na si Erika.

Bumuga muna ako ng hangin bago isandal ang likuran ko sa backrest ng sofa. Kailangan kong malaman ang koneksyon ng mga taong 'to kay Mallen at Lewis bukod sa pagiging magkakamag-anak nila at kaibigan. Sigurado akong may kanya-kanya silang kwento o naging engkwentro sa dalawa.

"That was a heavy sigh." Mabilis akong napa-angat ng tingin nang marinig ang boses ni Kave. "Hi," nakangiti n'yang bati sa akin.

"Bumisita ka pala."

Patago kong inipit sa makapal na libro ang maliit kong notebook na naglalaman ng mga pangalan nila.

"Inihatid ko lang si Erika. Halos ayaw na nga s'yang pakawalan ni Kamilla. Ahm. Did I disturbed you? Mukha kasing busy ka."

Ang lalaking 'to, para bang hindi s'ya marunong sumimangot. Sa tuwing nagkikita kasi kami ay palagi s'yang nakangiti. Napakaaliwalas lagi ng mukha n'ya.

"Hindi naman," nakangiti kong sagot sa kanya.

"I'll help you with that." Presenta n'ya nang makita ang tatlong librong bubuhatin ko.

"Thanks."

Ang bait n'ya talaga. Gwapo na, ang gentleman pa. Hindi s'ya kagaya ng isang kakilala ko na gwapo lang at hindi pinagkalooban ng kabaitan.

"What happened to your forehead?" tanong n'ya ng makita ang maliit na band aid sa noo ko.

"Nauntog ako kahapon sa mesa," pagdadahilan ko kahit ang totoo ay hineadbutt ko si Eron.

Sabay kaming naglakad sa pasilyo. Kinukwentouhan n'ya ako ng mga ginawa nilang bonding kagabi nina Erika at Kamilla sa bahay nila. Mukhang enjoy na enjoy silang tatlo. Ang swerte talaga ni Erika sa tito at tita n'ya dahil lagi itong nar'yan para sa kanya. Para bang napaka-imposibling may kinalaman sila sa pagkawala ni Mallen at Lewis.

"Birthday na ni Erika next week. Kamilla and I are planning to surprise her but we need your help."

"Talaga? Sure. I'll help."

Birthday pala ng malditang bata. Ano kaya ang pwede kong iregalo sa kanya.

"Great! Kamilla's still planning how she will surprise– Eron!" Mabilis akong kinabahan ng marinig ang pagtawag ni Kave sa pangalan ni Eron.

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon