06 - The Demon

1K 66 1
                                    

Alas-dyes na ng umaga nang magising ako. Kahit papaano ay nakatulog naman ako ng maayos sa kabila ng mga nangyari sa akin kahapon.

Nang kumulo ang sikmura ko ay hudyat na 'yon na kailangan ko ng bumangon. Gusto ko pa sana mag-stay ng matagal sa malambot kong kama pero sa kasamaang palad ay gutom na ang nga alagad ko sa tiyan. Sila ang masusunod.

Nag-ayos muna ako ng sarili bago lumabas ng kwarto.

"Merida!" tawag ni Erika sa akin na katulad ko ay kakalabas lang din ng kwarto n'ya.

Walang galang talaga ang batang 'to. Kung makapagsalita ay akala mo ay magkasing edad lang kami.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong n'ya sa akin.

"Pinilit ko lang talagang maging okay. Nakakahiya naman sayo. Na-cancel ang klase natin nang dahil sa akin," pabiro kong pahayag na ikinakunot ng noo ni Erika.

"Bakit parang masama pa ang loob mo, huh?"

Imbes na sagutin s'ya ay inakbayan ko na lang s'ya at ginaya papuntang dining area. Wala na akong lakas sagutin pa s'ya. Nagugutom na talaga ako.

"Mauubos mo ba 'yan lahat?" tanong ni Erika habang nakatingin sa hawak kong tray na puno ng mga pagkain.

"Oo naman. Hindi ako kumain kagabi kaya natural lang na gutom ako ngayong umaga," paliwanag ko.

"You're a glutton," bulong ni Erika.

Imbis na pansinin ang naging komento n'ya ay tahimik akong naupo saka ko sinimulang lantakan ang pagkain ko.

Mamaya ka sa aking bata ka. Mag-iipon muna ako ng lakas para handa akong talakan ka.

"Nakita mo na ba ang Lady of Jardin na tinutukoy nilang nagmumulto rito sa mansyon?" tanong ko kay Erika.

"I haven't seen her pero sabi nila ay white lady daw ito. Why? Nakita mo ba s'ya kahapon kaya ka hinimatay?"

"Hindi ah," pagsisinungaling ko saka muling sumubo ng pagkain. "After lunch ay mag-aaral na tayo kaya kumain ka ng madami."

"What?! No! Papa said na magpahinga ka ngayon!"

Isang pilyang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi ko. "You sounded concern. Na-touch naman ako."

Inilagay ko ang siko ko sa mesa at ipinatong ang baba ko sa kamay ko. Tinitigan kong mabuti si Erika suot pa rin ang nakakalokong ngiti sa labi ko.

"Eww. Why would I? I hate you kaya!"

"Sus! Don't be shy Erika. I know you like me," pang-aasar ko pa sa kanya sabay pisil sa kanang pisngi n'ya.

"You're creeping me out!" Iritable n'yang saad saka n'ya mahinang hinampas ang kamay kong nakahawak sa pisngi n'ya. Para akong bata na nakikipag-asaran kay Erika. Hindi ko mapigilang matawa sa tuwing nananalo ako sa pang-aasar sa kanya.

"Ano ba! Stop talking nonsense!" Gigil na sigaw n'ya.

Aasarin ko pa sana s'ya nang bigla na lang bumukas ang pinto ng dining area at iniluwa nun ang seryosong si Madam Ruth. Nakasimangot na naman s'ya.

"Anong nangyayari rito?" masungit na tanong n'ya kaya naman napaayos ako ng upo.

"Wala po lola Ruth. Nag-uusap lang po kami ni Ms. Merida," magalang na sagot ni Erika.

Wow! Ngayon may miss na ang pangalan ko?

"Ganun ba kayo mag-usap na dalawa? Sigawan? Dinig na dinig ang mga boses ninyo sa labas."

"Pasensya na po Madam Ruth. Nagkakatuwaan lang po kami ni Erika," paghingi ko ng paumanhin.

"Ms. Merida, mukhang maayos naman na ang lagay mo. Bakit hindi mo na lang ipagpatuloy ang trabaho mo pagkatapos mong kumain."

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon