Chapter 1 | Pilot

268 39 370
                                    

Chapter 1 | Pilot

Ramona Ivory Ruiz' Point of View

"Rami," tawag ni Cyran kaya'y naputol ang pagtingin ko sa kabuuan ng mansyon nila.

"Are you ready?" he asked softly. Tumango naman ako.

Napatitig ako sakanya at in-appreciate ang kanyang hitsura habang sumusunod. His hair is dark black, messy, and long. Malalalim din ang mga mata niyang kulay kape, matangos ang ilong at mamula-mulang mga labi. Hindi sobrang ganda ng kilay at labi niya pero mukha pa rin siyang modelo.

Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit naging crush ko siya. He's kind, thoughtful, and a real gentleman. Kaya nga hindi ako makapaniwalang wala siyang girlfriend.

"A car?" gulat kong tanong nang makita na roon niya ako gustong papasukin.

He chuckled a bit, his voice sounded so manly. "It's a Bleanrithian car, don't worry. You'll see later," he spoke.

Pumasok na ako roon at hinayaan si Cyran tulungan ang driver na ilagay ang dalawa kong maleta sa trunk.

Wala namang masyadong kakaiba sa sasakyan. The buttons, steering wheel, and other parts are all normal. Napaisip tuloy ako kung pa'no naging magical ang car na ito? Anong pinagkaiba nito sa sasakyan na nakasanayan ko?

The car started moving. Nag-e-expect pa rin ako ng kakaibang mangyayari; kung magkakaroon ba ng pakpak, magiging invisible, or something ang sasakyan pero wala namang ganoong nangyari.

Cyran laughed hoarsely beside me. "This car can't grow any wings, Rami." Tumawa pa siya ulit. Ginapangan ako ng hiya nang ma-realize kung bakit bigla siyang tumawa kahit tahimik lang naman ako.

Oo nga pala. Nakakabasa nga pala siya ng isip!

Nakaka-conscious tuloy mag-isip bigla. Hindi ko alam kung kailan siya nasa utak ko. Nakakahiya.

I was already tired because of the long drive when the car stopped in a halt. Huminto kami sa gitna ng isang gubat na may matatangkad na puno at matataas na damo.

Lumapit ako ng kaunti kay Cyran nang may nakitang isang... species doon. The person was around three feet short, with long, pointy ears, and chinky eyes. Natakot ako ng kaunti dahil ang sama ng expression niya, parang galit.

May nakasabit na mahabang susi sa leeg ng taong iyon at nakita ko ang marahang pag-iling nito nang mapansin na nagtago ako ng kaunti sa likod ni Cyran.

"She's new, Warix, I hope you can understand her actions," sabi ni Cyran.

The person grunted, annoyed. "Bleanriths?"

"Yes, Warix," malumanay na sagot ni Cyran.

Warix touched the old-looking key that clings unto his neck before he pointed it towards the sky, and turned it before I heard something click. May lumabas na isang bilog at itim na kung ano sa harapan ni Warix. It looks like some black slime that's wiggling too much. Lumaki iyon nang lumaki habang patuloy ang paggalaw ng kamay ni Warix na akala mo ay siya ang nagco-control.

It stopped growing when it reached the size of a gate.

I gaped in awe. Naghalo ang excitement, kaba at takot dahil sa nasaksihan ko.

So this is magic. The magic that I've been dreaming all my life.

Kaunti na lang... Kaunti na lang mamumuhay na ako kung paano namuhay si Mama noong bata pa siya. I can finally be myself, and experience using my ability freely.

Naluha ako sa naisip kaya mabilis kong pinahid 'yon. I don't want Cyran to think that I'm too emotional, na papunta pa lang kami sa Bleanriths, umiiyak na kaagad ako.

The Girl Who Screams MagicOnde histórias criam vida. Descubra agora