Chapter 4 | Good Girl

119 15 112
                                    

CHAPTER 4 | Good Girl

"Papa? May ibang tao pa po ba akong kagaya dito sa Earth?" my nine-year old self asked.

Papa sighed. "Wala na, anak. Ikaw at ang Mommy mo lang." 

Tumango ako, ngumunguso dahil nalungkot sa narinig. "Pero sabi niyo po 'di ba, sa Bleanriths madami akong kagaya roon?"

"Oo, Rami," maikling sagot ni Papa habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.

"Kailan po ako pwede pumunta roon?"

"Hindi ka pwede pumunta roon, anak."

Mas lalo akong napalabi. "Bakit po? Katulad naman nila ako e."

Narinig kong huminga siya ng malalim. "Hindi nila 'ko katulad, Rami. Hindi ako pwede sumama sa'yo kung pupunta ka roon."

Tumango ako ng mabilis, naiintindihan ang sinasabi ni Papa. 

Ayoko na lang palang pumunta sa Bleanriths kung iiwan ko si Papa mag-isa dito. Wala na si Mama kaya ako na lang ang meron siya; panigurado, malulungkot ito kapag pati ako, nawala sakanya.

Ayan ang lagi kong iniisip tuwing na-cu-curious ako sa mundo ni Mama. I stopped asking questions about Bleanriths, about my power, about anything related to it, because I can see Papa's sadness whenever I do.

Tinanggap ko na ang katotohanan na ang mundong gusto kong matuklasan ay kahit kailan, hinding-hindi ko makikita; ang katotohanan na ang mga taong katulad ko'y kahit kailan, hindi ko makakasama.

Pero...

I bit the insides of my cheeks as I stared at Atticus' profile on Facebook. I-unblock ko na ba?

I have so many questions to ask him, but because I was terrified and shocked at what he just told me, I ran away as fast as I could. Hindi naman niya ako hinabol kaya'y nakahinga ako ng ayos, at nakapag-isip-isip kahit pap'ano.

Natakot ako sa mga mata niya kanina, para kasing naaalala ko roon 'yong Ghost Rider na character. Tapos nakakatakot pa 'yong tingin niya sa'kin.

Napabuntong-hininga ako, pinikit ang mata ng mariin, bago pinindot ang unblock button sa profile ni Atticus. Hindi naman niya siguro kaagad mapapansin 'yon. Unless he always checks if he's already unblocked in my account, which I'm hoping is not the case.

Parang may kabayong tumatakbo sa puso ko nang makita na mag-pop up kaagad sa messenger ang chathead niya. 

Binabantayan niya nga talaga kung i-a-unblock ko siya? Are you even for real, Atticus?

Atticus: 

You ran away.

Thanks for unblocking me, though ;) 

Nanginginig pa ang kamay ko habang nagta-type ng kanina ko pa gustong itanong sakanya.

Ramona:

How did you know what I am?

Atticus:

Mas maganda kung sa personal mag-uusap, Ramona ;)

Sineen ko lang iyon at nag-isip. 

Curious ako, ayon ang totoo. First time kong may makilala na kagaya kong Bleanrithian dito sa Earth. I want to know how did he know, why is he here and not in Bleanriths... just so many whys and hows in my head.

"Rami, kailan ka magsisimula sa cafe?" tanong ni Papa habang kumakain kami ng hapunan.

"This weekend po sana."

The Girl Who Screams MagicTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang