Chapter 16 | Ex

58 6 29
                                    

CHAPTER 16 | Ex

One year and three months later

Ngayong nagbabalik-tanaw ako sa nangyari, na-realize ko na sana tinanong ko pala noon si Atticus kung anong bumabagabag sa kanya. I should’ve been more persistent. More… concerned.

Kung tinanong ko kaya, kasama ko kaya siya ngayon dito sa Bleanriths?

The sea of regrets and what-ifs washed over my chest as I stared at the enormous, silver gate in front of me. Sa tuktok niyon ay naglalakihang letra na nagsasabing ‘Bleanriths University’. Mukhang palaging nililinis ang mga metal nito dahil sobra itong kumikinang, lalo na ‘pag natatamaan ng araw.

I can see the long pathwalk, small fountain, green trees, and colorful flowers past it. 

“Excited?” tanong ni Cyran.

Mabilis kong tinulak paalis ang iniisip bago binigyan siya ng ngiti. “Oo.”

Pagkabukas ng gate ay umandar uli ang sasakyan, at habang papunta kami sa dorm na tutuluyan ko, binigyan niya ako ng map ng university. Noong una’y nagtataka pa ako kung bakit kailangan pa ng mapa, pero noong nakita ko ‘yon, naintindihan ko na kaagad kung bakit.

Sobrang lawak ng Bleanriths University. May iba’t-ibang field sila: training field, soccer field, at track field. May courts din para sa iba pang sports. Ang library, registrar, teacher’s lounge, at lobby naman nila ay nasa main building, iyong nasa likuran ng maliit na fountain kanina. 

Huminto ang mga mata ko sa isang parte ng mapa na may pangalang ‘Evaluation Building’. 

Cyran pointed at it. “That’s where the arena is.” Nag-init ang pisngi ko, nahihiya. Hindi pa rin talaga ako sanay sa ability niyang makabasa ng isip. 

“Para saan ‘yong arena?” 

“We have two types of exams every quarter. The first one is the written one; it’s for the classes done in the classrooms. The second one is the ability evaluation.” 

Nanlaki ang mga mata ko. Ability evaluation? Ibig sabihin ay may exam pa tungkol sa ability namin? Paano kaya ginagawa iyon? Hindi ko alam na may ganito pala!

“Don’t worry, you’ll be fine. I’m your instructor,” aniya na akala mo’y wala nga akong dapat ikabahala.

“Instructor?”

Tumango siya. “I’ll train you. Usually, they don’t assign college students to train other students, but since your ability is dangerous, and you still don’t have full control, they made an exception.”

I bit the insides of my cheeks, feeling a bit scared. “Paano kung masaktan ka?” 

Ngumisi si Cyran. “I won’t. Kapag nawalan ka ng control, kaya kitang pakalmahin o patulugin.” 

We stopped in front of a wide and gigantic building. It has large bay windows, and huge, navy blue, double steel doors. Sa kaliwa’t-kanan ng building ay may ganoon pang building na iisa ang disenyo. 

Huminto ang tingin ko sa pinto kung saan nakasandal ang isang babaeng naka-braid ang buhok at may suot na denim jumper, at pink shirt. Tumayo siya ng diretso nang lumabas kami sa sasakyan, at mabilis na lumapit. 

“Saff, don’t scare her,” sambit ni Cyran kahit wala pa namang sinasabi ang babae.

She pouted. “I’m not scary, Kuya.” Lumingon siya sa ‘kin at binigyan ako ng malawak na ngiti. “Hi, Rami. I’m Saffron Lacroix.”

Sinuklian ko siya ng munting ngiti. Medyo nakaka-intimidate siya tignan dahil bukod sa pananalita niya, pati ang damit niya’y sumisigaw ng confidence sa sarili. Pero… ano pa ba ang inaasahan ko? She’s a Lacroix. A royalty.

The Girl Who Screams MagicWhere stories live. Discover now