Chapter 9 | Ready, Ramona?

47 7 18
                                    

CHAPTER 9 | Ready, Ramona?

"Anong gusto niyong meryenda? Ikaw, hijo? May paborito ka bang meryenda? May mga allergy ka ba sa mga pagkain? Allergic sa saging?" tuloy-tuloy na tanong ni Ate Loli, at nahihimigan ko ang pagka-excite sa boses niya.

"Wala naman po. Kahit ano po kinakain ko." Humalakhak si Atticus sa gilid ko.

I don't know what to react, or to do. Should we go to the mini library, immediately? Should we eat first? Should we talk first? Sa sobrang tagal ko ng hindi nagkakaroon ng bisita'y parang nakalimutan ko na ang mga dapat gawin.

"Sige. Maghahanda muna akong meryenda niyo. Gagawa akong turon. Pauwi na rin si Kallie, sinundo lang ang kambal sa eskwela," ani ate habang naglalakad na papuntang kusina.

"Uh, ate, sa mini library po kami, patawag na lang po kapag ayos na," untag ko habang sumusulyap kay Atticus. His eyes were wandering around our house, as if all of this is just new to him.

"Sige, Rami, aral kayo ng mabuti, at matagal." Humagikgik si Ate Loli kaya naramdaman ko ang pagkalat ng init sa aking pisngi.

Bakit parang iba ang ibig niyang sabihin?

"Tara," bulong ko at nagsimula nang maglakad papunta sa mini library. Nasa dulong parte 'yon ng bahay, medyo malayo sa sala, at sa kusina. 'Yon na rin ang ginagawang office ni Papa, at dahil hindi kasya ang ibang libro sa kwarto, doon ko na rin nilalagay ang ibang libro ko.

"Your house is beautiful," puna niya nang binubuksan ko na ang pinto.

"Thank you," saad ko. "Uh, pina-renovate ni Mommy noong... uh, kaya ganito." Tumango-tango si Atticus, at ngayo'y umikot naman ang mata sa library. 

I let him wander around the shelves, and cabinets while I prepare my notebook, calculator, and pen on the nearby table. Isang mahaba at maliit na lamesa lang ang narito, at puro shelf na. May couch din sa gilid para pahingahan kung sakaling mapagod si Papa sa trabaho.

"Uh, tara..." Napahinto ako nang makita na nakatingin siya sa hilera ng picture frames na nakapatong sa may cabinet.

I bit the insides of my cheeks as I stared at the picture frame he was looking at. Picture ko 'yon kasama si Mama noong bata pa ako. We were in a garden filled with daisies; I was sitting on my Mama's lap with a heartily smile plastered all over my face, while Mama was looking at me with adoration in her eyes. She was wearing a thin hospital gown, and her hair is long gone, but she still looks... happy, as if nothing pains her.

I was barely four years old at that time, I think.

Lumingon sa'kin si Atticus, ang mga mata'y nagtatanong. Kahit pakiramdam ko'y gusto niyang magtanong, walang lumabas na salita sa bibig niya.

May kung anong nagbara sa lalamunan ang pilit kong nilulunok habang bumababa ang tingin sa notebook. Kahit walang pwedeng tignan d'on ay ginawa ko pa rin dahil gusto kong iwasan ang mga tingin niya.

"Mag-aral na tayo?" tanong ko sa mas mahinang boses. He nodded without hesitation.

Umupo na kami sa mahabang mesa. I can sense his eyes on me while I was scanning through my mathematics notes. "Saan ka ba nahihirapan?"

"Can I ask you a question?" diretso niyang sabi na hindi ko na ikinagulat. He's a straightforward person. Iyon ang na-realize ko nitong nagdaang araw na magkasama kami, o kaya'y magka-chat.

Lumipas ang ilang segundo at hindi pa rin ako nagsasalita. Alam ko kasi kung tungkol saan ang gusto niyang itanong, at hindi ako sigurado kung handa na ba akong sabihin sakanya 'yon.

The Girl Who Screams MagicTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang