Chapter 15 | We Will

39 6 27
                                    

CHAPTER 15 | We Will

"Anong series gusto niyong panoorin?" tanong ni Myla nang maayos na namin ang kama, at pagkain. Katulad ng iniisip ko kanina, marami siyang chichirya na dinala.

Buti na lang ay hindi nakita ng kambal dahil panigurado'y manghihingi sila. Hindi pa naman sila mapipigilan pagdating sa mga junk foods at candy.

"Horror gusto ko." Binuksan ni Myre ang isang malaking Piattos at nagsimulang lantakan 'yon; kumuha na rin ako. Parang gusto kong mag-stress eating ngayon dahil sa naging usapan namin kanina ni Erica.

"Mamayang mga three 'yong horror. Mag-romance muna tayo. Ito, maganda 'to, ang gwapo ni--"

Bumangon si Myre sa pagkakahiga at itinaas ang isang kamay, hinaharap 'yon kay Myla. "Hep. Hep. Kung nasa libro o movie tayo, bagsak ka na agad sa Bechdel Test," sabi niya na ikinakunot ng noo naming dalawa ni Myla.

"Ano 'yong Bechdel Test?" I asked.

Myre cleared her throat. "Tine-test n'on kung 'yong mga female characters ba sa books and movies ay makakapag-usap ng walang binabanggit na lalaki."

"Bakit may gan'on pa?"

"Napansin kasi nila na ginagamit lang ang mga babae para sa romantic interest ng bidang lalaki. Hindi niyo ba napapansin? Kahit sa mga sikat na movies and books ngayon, walang ibang usapan ang mga babaeng characters."

Tumango-tango ako, na-cu-curious at natutuwa sa nalalaman. Hindi ko alam na may ganoon palang klaseng test sa mga libro at palabas.

Ngayong iniisip ko na, may mga libro at palabas ngang ganoon. May iilang libro rin akong nabasa na hindi napagtutuunan ng pansin ang mga babae, at lumilitaw lang kapag nangangailangan ng guidance o romance ang lalaki.

Bakit nga ba ganoon?

"So parang tine-test n'on kung equal ba ang men and women sa fiction?" Myla inquired.

"Yup. It's not just about fiction, though. Kung ganoon ang perception ng mga writers at directors tungkol sa mga babae, paano pa kaya ang ibang tao 'di ba?"

Myla turned to us, smiling. "Try rin kaya natin gawin in real life?"

"Gusto ko rin i-try," singit ko.

"Ngayong sleepover, subukan natin. No boy talks allowed!" madamdaming sabi ni Myre na ikinatawa ko naman.

Nang makapili ng isang horror movie, nagsiksikan kaming tatlo sa kama; nasa kaliwa at kanan ko ang dalawa habang nagpapasa-pasahan ng chichirya. May nakatimpla ring gatas saamin sa gilid na inakyat ni Ate Loli kanina.

Mukhang tuwang-tuwa sila Mommy sa dalawa dahil pumunta pa siya rito para i-check kung kumportable ba ang dalawa.

Habang nanonood at nag-e-enjoy kasama ang mga kaibigan, hindi ko mapigilang maisip si Erica na mag-isa sa kuwarto. I remember how we used to have our own sleepovers too. Nagsu-suot pa kami noon ng parehas na pantulog, at paminsan-minsang pinag-uusapan ang mga lalaki sa room na nanliligaw sa 'ming dalawa.

Ang dami naming alaala na magkasama.

At lahat ng 'yon itinapon niya dahil akala niya'y inaagaw ko sakanya ang mga tao sa kanya? Hindi ko maintindihan kung paano niya naisip ang ganoong bagay dahil katulad niya, hindi ko rin naman alam na may relasyon si Papa at Mommy Kallie noon. Hindi ko rin naman alam na ako pala ang gusto n'ong taong gusto niya.

I bit the insides of my cheeks, trying to focus on the movie.

Hindi bagay ang mga tao para agawin at angkinin, Erica.

The Girl Who Screams MagicWhere stories live. Discover now