COCO'S
Halos di ako naka tulog nang dahil sa nakita ko sa wallet ni gabb, napaisip tuloy ako kung may ka kambal ba ako or baka edited lang ni gabb yun since photographer sya pero hindi eh, lumang luma na yung picture.naka titig lang ako sa kisame buong mag damag mababaliw yata ako sa mga naiisip ko. kaylangan ko malaman ang tungkol sa litrato na iyon.
Maybe that's the main reason kung bakit ganun si gabb sakin, kamukha ko si claire to the point na nakikita nya sakin si claire minsan. unti unti na akong nag kakaron ng idea. well bukas na bukas ay kakausapin ko si ecka...pati narin si yssa.
next day.......
Wala akong tulog na maayos pero pinilit kong magising ng maaga. dahil gusto ko na malaman ang totoo. kasi mababaliw na ako eh. dinala ko yung wallet ni gabb at nilagay sa bag ko. bumaba ako agad at pinaandar ang kotse ko. since alam ko ang bahay ni yssa ay dun muna ako pupunta.
nakarating naman agad ako kaya bumaba ako agad sa kotse ko at nag doorbell. nakita ko naman na lumabas si yssa at halata sakanya ang gulat nang makita nya ako.
Coleen? napadalaw ka ata? pasok ka muna.
pinapasok naman nya ako, umupo ako sa sofa at luminga linga. may nakita akong pictures pero may isang pumukaw ng atensyon ko. picture nila yssa,ecka,gabb at si claire.
shit. kamukha ko talaga sya.
Pasensya kana yssa at maaga kitang naistorbo. umupo naman sya sa tabi ko
Wala yun di naman ako busy ngayon. anong atin?
Yssa, may gusto kasi akong malaman at alam ko na alam mo to... Ramdam ang gulat nya ng pinakita ko sakanya ang picture na hawak ko.
S-san mo nakuha yan? nauutal nyang sagot sakin
Sa wallet ni gabrielle. nahulog nya kasi nung araw ng kasal at napulot ko. Yssa please. Si ... si c-claire ba yung kasama ni gabb?
may luhang lumabas sa mga mata nya at tumayo sya
Saglit lang coleen. antayin mo ako dito. seryoso nyang sagot
Umakyat sya sa kwarto nya ata. mga ilang minuto naman akong nag hihintay kaya tumayo ako at tinignan ng malapitan nag portrait nilang mag kakaybigan. nag lock ang mga mata ko kay claire, naka akbay sakanya si gabb sa picture.
Ang saya saya naman ni gabb dito.
Damn, kamukha ko sya Bulong ko
Oo kamukha mo si claire. nagulat naman ako sa nag salita.
ganun ba kalakas yung boses ko?
Ecka? Okay? Dito rin ba sya nakatira??
Gusto mo talaga malaman? tumango naman ako, nag tinginan sila ni yssa tsaka sya nagsalita. Okay get ready yourself. may pupuntahan tayo.
okay? yun lang?
Uhm dala ko kotse ko. yun nalang gamitin natin. Ngumiti naman si ecka at humarap kay yssa.
Sumama ka yssa, Its about time.
~~~~~~~~~~
A very short UD. Major flashbacks for the next chapters.
Woah, my first story reaches 6k reads today 😭❤️ Salamat pooo. 🥺 Then itong second story ko road to 1k na 🥺 Halaaaa. 💕💕💕
