Labing Lima

1K 68 9
                                        

Ecka's

Alam ko na darating ang araw na to. At ito ang kinatatakutan ko dahil hindi ko naman alam kung pano ipapaliwanag sakanila to. Kaya mas minabuti ko nalang  na dalhin sila sa probinsya kung saan nangyari ang lahat. Kung saan nag umpisa ang lahat.

Tahimik kaming nag aayos ni yssa ng gamit namin para sa dadalhin namin patungo ng probinsya. Rinig ko ang kaba ni yssa ganun rin naman ang nararamdaman ko.

Tingin mo ate tama tong gagawin natin?

I sighed. Sana.

I don't know honestly. Pero wala eh eto na yung araw na ayaw nating dumating. Dumating na. Nakatitig lamang si yssa sakin.

After namin mag ayos ng gamit namin ay bumaba na kami. Nag aantay si coleen sa baba. Halatang sobrang naiinip nasya dahil kinakagat nya ang kuko nya sa daliri nya.

Tsk. Hindi ka parin nag babago.

Coleen? Tara na. Dadaan tayo sainyo? Kuha ka ng damit. Baka mag tagal tayo dun eh. Tumayo naman sya

No need. May dala nako. Wow? Ready.

Bakit ka may dalang damit? Alam mo bang aalis tayo? Tanong ni yssa siniko ko naman sya.

Hindi plan ko talaga na di muna umuwi sa bahay after nito. Napatango naman kami.

Okay. Edi tara na. Ako na mag dadrive.  Binigay naman sakin ni coleen ang susi.

Bumyahe kami. Sana ay maging okay ang lahat. Sana maging maayos na.

~~~~~~~~~~~~

Gabb's

Bakit ganun? Parang hindi na ganun ang closeness ni mama at ni nanay Cecile? Dahil din kaya to sa nangyari dati? Dahil na naman sa akin? Dahil maraming tanong ang pumapasok sa isip ko ay pinuntahan ko si mama. Nakita ko sya sa kusina na nag luluto, si papa naman ay nasa sala nanunuod ng tv.

Ma? Lumingon naman si mama. Oh gabrielle? Bakit?

Ma, okay ba kayo nila nanay cecile?
Bigla naman syang napatigil sa pag luluto at tumingin sa akin.

O-oo naman anak. Bakit mo natanong yan? Bakit ka nauutal ma?

Wala naman. Napansin ko kasi na simula nung dumating ako rito eh parang di kayo halos nag kikibuan. Pinatay naman nya ang kalan at lumabas ng sala.

Ayos kami ni cecile anak. Ano ba naman yang pinag iisip mo? Napalingon naman si papa samin ni mama.

Bakit ling? Nag aaway ba kayo ng anak natin? Tanong ni papa

Eto kasing anak mo, ang daming tinatanong. Okay lang naman tayo at ang pamilya nila cecile. Napansin kong nag iba ang ekspresyon ng mukha ni papa.

Tumahimik nalang ako pero may bumabagabag sakin. Ramdam ko naman ang pag sakit ng ulo ko kaya napaupo ako.

A-aray! Ang sakit ng ulo ko! Daing ko agad naman ako pinuntahan ni mama at papa.

Gabrielle! Diyos ko! Ling ihanda mo ang sasakyan dadalhin narin si gabrielle sa hospital.

~~~~Still gabb's

Nagising ako ay nasa hospital na ako. Ang tangi ko lang naaalala ay yung Nasa sala kami ng biglang sumakit ang ulo ko at nawalan ng malay. Hindi ko maigalaw ang katawan ko, parang manhid. Pero yung mata ko ay naigagalaw ko pa kay nilinga linga ko ang paligid ko. Nakita ko sila mama at papa na nakatalikod sakin at may kausap na doktor.

Kaya sumakit ang ulo nya dahil ay may memorya na bumabalik sa isip nya. Iniisip nya ito maigi kaya di kinaya ng utak nya, misis, iwasan natin ito dahil baka ito ang kumitil sa buhay ng anak nyo. Mas mabuti nang wag nya nang maalala. Kung lalala uli ito, hindi nya na kakayanin ang pangalawang operasyon sa kanyang utak. Ikamamatay nya ito.

Rinig ko ang pag hagulgol ng mama ko. Bakit? Inoperahan ba ko dati? Sabi ni mama yung tuhod ko lang ang napuruhan nung naaksisente ako. Pero bakit inoperahan ako sa ulo. Sabi pa nila 1 month lang ako tulog sa hospital.

M-ma......

Lumingon naman si mama at papa sakin at agad akong niyakap. Ramdam ko ang takot nila.

Gabrielle anak ko diyos ko. Umiiyak na si mama.

Ma? Pa? Bakit kayo umiiyak? May sakit ba ako kaya sumakit ulo ko? Tanong ko.

Anak, wag kana mag isip isip. Nakakasama sayo yon. Panimula ni papa.

Bakit pa? Huminga ng malalim si papa. Basta. Pag kalabas na pag kalabas mo ay luluwas na tayo ng maynila. Sasama na kami ng mama mo sayo. All you need to do is to rest.

This time seryoso si papa na nakatingin sakin. Medyo naguguluhan na ako ngayon.

Ha? B-bakit biglaan naman pa?

Wag kanang mag tanong gabrielle. Hindi kana dapat muna umuwi rito. Papatayin mo ang sarili mo.

Lumabas si papa. Galit ang boses nya dahil ramdam ko iyon. Fuck it! Ano bang nangyayari?

Nag stay pa ako ng tatlong araw sa hospital dahil yun ang order ng doktor pero okay naman na ang pakiramdam ko. May mga gamit rin na binigay sa akin.

Hindi ko na alam yung nagyayari. Una parang hindi okay sila mama at nay cecile, pangalawa naoperahan ako sa ulo nung naaksisente kami ni claire, pangatlo ang biglaang pag luwas nila mama at papa papunta sa maynila.

Kaylangan ko malaman ang nangyayari. Bumukas naman ang pintuan at iniluwa nito ang doktor.

Gabrielle? Nasan si mama mo? Tanong nya sakin.

Ah lumabas po saglit bumili ng maiinom. Tumango naman sya. Lalabas na sana sya pero muli ko syang tinawag.

Doc, pwede mag tanong? He faced me at tila nag aantay ng susunod kong sasabihin.

Ano po sakit ko?

Hindi mo alam? Umiling ako kaya nag taka sya.

Well, before nung naaksisente ka, you suffered from concussion. Panimula nya.

Huh? Concussion?

Anong concussion doc?

Concussion is the most common type of traumatic brain injury. Dahil sa lakas ng pag ka impact ng ulo mo sa dashboard ay may mga nerves na na damage kaya sumailalim ka sa operations at treatments to survived.

Halos di ako makapanilawa sw mga narinig ko. Brain injury? Bakit tinago nila mama to sakin? Lalo tuloy gumulo ang isip ko.

May tanong kapa ba? Tumingin ako sa doctor at ngumiti ng pilit.

Wala na po doc. Salamat po.

Sigurado ako na may ibang nangyari sakin at kay claire. Pinag tagpi tagpi nila ang kwento. May inalis at may dinagdag. At yun ang kaylangan kong malaman.

~~~~~~~~~~~

Never Ever Say Goodbye (COMPLETED) Where stories live. Discover now