Gabb's
Ngayon ay malinaw na ang lahat sa akin. kung bakit nakikita ko si claire kay coleen. iyon ay dahil ang mukha na alam ko ay kay coleen talaga. Hindi ako nagalit sa tatay ko or kayla ecka at yssa. nakatingin lang ako kay coleen habang nakikipag sagutan sa totoo nyang tatay. pero bigla nalang syang tumakbo palayo.
Pag may nangyaring masama kay coleen, kasalanan mo to. matapang kong nasabi yan sa harap ng tatay ni coleen
hahabulin ko sana si coleen nang hawakan ni ecka ang braso ko kaya naman tinignan ko sya.
Let me ecka. she needs me. Unti unti namang lumuwag ang pag kakahawak ni ecka sa braso ko.
bago ako lumabas ay tumingi ako kay papa. niyakap ko sya at ganun din sya.
Im sorry papa.
wala kang kasalanan bumitiw naman sya sa pag kakayakap nya sakin. Now, fight for your love. fight for coleen. Napangiti ako at tuluyan nang umalis para sundan si coleen.
hindi ko naman alam kung saan sya pumunta pero alam ko na may isang lugar rito na sigurado akkong pupuntahan nya kaya dun ako dinala ng mga paa ko.
Sa dalampasigan
Tama nga ako nandun sya, naka upo sa isang bato at malayo ang tingin sa dagat. lumapit naman ako sakanya at inabot ang panyo ko di naman nya ako pinansin pero patuloy parin tumutulo ang luha nya. Malakas ang ulan pero di nya alintana yon nakayakap ang dalawang kamay nya sa sarili nya.
Grabe sila no? para nila tayong pinag laruan. hindi naman ako sumagot, ang tangin ginawa ko ay tinitigan ko lamang sya.
Ikaw pala yun. napalingon naman sya sakin at naka kunot ang noo.
Ha?
Ikaw pala yung nasa panaginip ko lagi. ikaw pala yung kasama ko rito. napangisi naman sya.
Parehas lang tayo. ganun din ako. Kung hindi kaya tayo naaksidente tingin mo masya tayo ngayon? muli ko syang tinitigan habang nakangiti.
Oo naman. masayang masaya tayo. finally narinig ko syang tumawa kahit alam kong pilit lang.
Sayang. ha?
bakit? sayang? pwede naman natin ituloy kung ano man ang naudlot dati diba? tumayo naman sya kaya tumayo rin ako.
Iba na ngayon gabb. hindi na tulad ng dati. hindi maibabalik yun or hindi na natin pwede ituloy kung ano man ang meron satin noon. sira na yun. wala na. Ganun lang?
Di ka man lang lalaban uli? para satin? garalgal na ang boses ko,kumirot ang puso ko sa sinabi nya.
umiling sya tsaka nag salita habang tumutulo ang luha nya.
We're fucked up gabb.
Yes we are. pero pwede natin ayusin to coleen.mag simula tayo uli. hawak ko ang kamay nya pero agad naman nyang binawi ito.
Im sorry gabb. tumakbo sya palayo sakin at ako? naiwan akong luhaan dito.
Gabi na at madilim na rito sa tabing dagat. Mga ilang oras pa akong nandito hanggang sa tumila ng kusa ang ulan. lahat iniyak ko kasabay nang pag bagsak ng ulan at lahat nang sakit at galit sa puso ko ay pinaalon ko na sa dagat. lahat ng nangyari na pinagdaanan ko ay pilit kong kinakalimutan. maya maya ay nakaramdam ako nang ginaw kaya kiniskis ko ang dalawa kong kamay tsaka inihipan ito.
hanggang sa nag pasaya akong umuwi sa bahay. alam ko lahat sila nag aalala na sakin nag lakad lang ako pauwi,tulala akong nag lalakad na para bang di ako nakakaramdam ng pagod. hanggang sa may humintong sasakyan sa gilid ko kaya nilingon ko naman ito.
Si ecka.
Need a friend? ilang oras ko rin syang tinitigan tsaka ko sya nginitian at tuluyang pumasok sa sasakyan, inabutan naman nya ako ng jacket.
Baka mag kasakit ka nyan,nahirap na.
Salamat ecka. Salamat sa lahat lahat. tumingin naman sya sakin tsaka naman nguniti.
Wala yun, Kapatid ko kayo ni yssa. kayo nalang ang meron ako kaya diko hahayaan na may mangyari sainyo na masama.
Ang sarap sa pakiramdam na may kaybigan na katulad ni ecka. kaya naman di ko magawang magalit sakanya dahil alam ko na para sakin din lahat iyon. Tahimik naming binaybay ang kalsada pauwi. Nang makarating kami sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko upang maligo at mag palit ng damit. mahirap na mag kasakit uli.
nakarinig ako ng katok sa pinto ko kaya naman binuksan ko ito. si ecka pala kita ko naman na may bitbit syang isang libro. inabot naman nya sakin ito at ngumiti.
Ano to? pumasok naman sya sa kwarto ko at umupo sa kama ko. binuksan ko naman ang inabot nya at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. photo album pala ito.
Alam ko na meron paring katanungan diyan sa isip mo. nung sinabi ng doctor na permanente nang mawawala ang ibang memorya mo naisip ko na gawin yan habang nag babantay sayo sa ospital. hindi lang yan ang meron dyan. may mga stolen picture di kayo ni coleen dyan. Ginawa ko yan para kung darating man ang araw na to ay ibibigay ko yan para kahit papaano ay maalala mo,sana.
umupo naman ako malapit kay ecka at inumpisahan sa unang pahina ng album. andun yung pictures naming dalawa ni coleen. kaya naman unti unti akong napapangiti. sa sumunod na pahina naman ay nasa dalampasigan kaming apat nila yssa, sinunod sunod ko naman ang pag tingin dito hanggang sa makita ako ang mga litrato kung saan ay parang kinasal kami ni coleen. kaya naman lumingon ako kay ecka tsaka pinakita ang ang litrato. natawa naman sya ng mahina.
Sa sobrang pag mamahal mo kay coleen, nag kasal kasalan kayo dati,ako pa nga yung pari eh. hahaha. dyan kayo nangako na habang buhay kayong magsasama. Namangha naman ako sa nalaman ko.
kasal naman pala kami hahaha. natawa ako sa naisip ko.
kaya naman pinag patuloy ko ang pag tingin kitang kita sa mga mata namin ni coleen kung gaano namin kamahal ang isa't isa.... hanggang sa ma reach ko ang isang news paper na nakadikit sa album. Yung araw na naaksidente kami ni coleen. kitang kita ko kung gaano kawasak yung sasakyan namin dahil may picture ito.
Tinago ko lahat ng news paper na balita tungkol sa aksidente nyo ginupit ko tsaka sinaman dyan. dagdag ni ecka.
sa sumunod na pahina ay ang mga pictures ko na nakaratay sa ospital. grabe ang daming naka kabit na tubo sakin, may balot din sa ulo ko at naka semento ang isang binti ko. may caption pa ang bawat picture na naka dikit. kaya naman binasa ko rin yon isa isa.
Picture ko habang tulog parin katabi ko si ecka naka peace sign pa.
"Day 1 : thank you lord, nalipat na sa private room si gabrielle. "Eto naman kasama si yssa , papa at mama.
"Day 2: Hoy gabrielle gising na, sabi ng doctor dapat within 24 to 48 hrs magising ka kung hindi mauuwi sa coma. laban gabrielle."Every day may picture at may caption.
Tapos picture nung inalis yung isang tubo na naka kabit sakin.
"Day 5: Hays. natapos na ang 24 hrs at 48 hrs hindi ka nagising kaya nag declare na ang doctor ba comatose ka, Laban gabrielle babawiin mo pa si coleen inaantay karin nya""Day 10"
"Day 15"
"Day 20"
"Day 25"
"Day 30"
Hindi ko alam ang mararamdaman ko, bigla na lamang tumulo ang luha sa mga mata ko. Napaka sakit ng nangyari samin ni coleen. Ganun ba kalaki ang kasalanan namin para humantong kami sa ganito?
~~~~~~~~~~~~~~~~
Im backkkkk. Hahahah
