~~~~~~~~~~~~~~~~
Still ecka's
Its already 6am pero di parin lumalabas ang doktor kung saan si gabrielle inooperahan, lalong tumatagal ay lalo rin kaming kinakabahan. bakit ang tagal naman? nag pasya naman ako na lumabas at bumili muna ng kape. pababa ako ng lobby ng hospital nang may napansin akong pamilyar na tao. si coleen. sinasakay sya sa ambulance bigla naman akong napatakbo.
san nyo po dadalhin si coleen sir? bakit sinasakay sya sa ambulance??
Tumingin naman sakin ang tatay ni coleen at nag salita.
Wala kang pakealam. ilalayo ko sya sa inyo.
hindi pwede! san nyo dadalhin si coleen!
Sino kaba? ha? anak ko si coleen, at alam kokung ano makakabuti sakanya. do the same, i heard may brain trauma si gabrielle at possible na mawalan sya memorya. wag nyo nang papaalala kay gabrielle kung anong meron sakanila ni coleen, kung maalala man nya si coleen, tell her na patay na si coleen.hindi ko na hahayaang mangayri ulit to. i hope ito na ang huling pag kikita natin.
Agad naman syang sumakay sa ambulance ang tatay ni coleen at naiwan akong nakatulala nalang dito, bumalik ako agad sa taas. Nakita naman ako agad ni yssa.
Asan yung kape ate? Dun ko lang naalala na bibili pala ako dapat ng kape.
Wala na si coleen. Yan lang ang nasabi ko. Kita ko naman ang gulat sa mukha ni yssa.
H-ha? Anong wala na si ate coleen? Bakit?? Nanginginig ang boses ni yssa.
Nakita ko na sinakay sa ambulance. Ilalayo sya ng tatay nya satin at kay gabrielle. Sinabi nya pang kung di maalala ni gabrielle si coleen ay wag ko na ipaalala. Biglang pumatak ang luha ko
Bakit wala akong nagawa para ipag laban si gabrielle sa tatay ni coleen? Hinayaan ko syang ilayo samin. Napaka wala kong kwentang kaybigan. Bigla naman lumabas ang doktor mula sa kwarto kung saan inoperahan si gabrielle. Agad kong ginising si tito george.
Doc. Kamusta po?
Maayos namin na natapos ang operasyon ni gabrielle. We need to monitor her 24/7. Di ko pa masasabi na okay na sya at out of danger na. Hanggat hindi sya nagigising ay di natin masasabing ayos na. Pag hindi sya nagising within 48 hours possible na mauwi sa coma ito. Tanging dasal ang sagot para magising sya agad. Pwede na syang ilipat sa private room at pwede nyo na syang makita. Excuse me.
Agad na umalis ang doctor at nag antay kami na mailipat si gabrielle sa room nya.Ah, ecka. Saglit lang. Mag babayad lang ako ng kalahati ng hospital bill para naman di mabigat. Pag nalipat si gabrielle sa kwarto puntahan nyo na agad. Tumango naman ako at umupo sa tabi ni yssa.
Maya maya ay tinawag kami ng nurse para ipaalam na nailipat na si gabrielle sa room nya kaya naman agad kaming nag tungo dun. Pag pasok ko ay nakita ko ang kaybigan ko nakahiga. May balot sya sa ulo nya at ang daming nakakabit na wire sakanya. Ang dami nya ring galos sa mukha at sa katawan.
Gabrielle nag simulang timulo ang luha ko. Sorry, wala akong nagawa para pigilan ang tatay ni coleen. Wala akong nagawa para sa inyo. Ramdam ako ang pag tap ni yssa sa likod ko.
Ate gabrielle.Gising ka na oh. Habulin mo si ate coleen. Diba nangako kayo na kayo habang buhay. Tayo na dyan. Umiiyak sa dag dag ni yssa.
Pangako ko simula ngayon gabrielle, Hinding hindi ko na hahayaan na may makasakit sainyo. Gagawin ko ang lahat hahanapin natin si coleen. pangako yan.
Narinig ko naman ang pag bukas ng pintuan at iniluwa nito si tito george.
