[S1] Chapter 1 ✓

167 14 0
                                    

Please do not forget to leave a vote and comments. You can also follow me for updates.
Please also check my profile for other completed stories.
          
             
-Present-

Xavier's POV
         
           
BORED NA sumulyap ako sa labas ng bintana. Hindi ko din mapigilan ang mapahikab.

Excited pa naman ako dahil first day of school. Alam ko kasi'ng mas advanced na ang ituturo sa amin lalo na sa pagpapalakas ng aming mga kapangyarihan. Akala ko pa naman ay magiging exciting ang unang araw namin. Pero nagkamali ako, labinlimang minuto na ang nakakalipas pero wala pa din ang aming instructor para sa unang subject.

"Umalis ka d'yan!" isang boses sa 'di kalayuan ang umagaw ng pansin ko.

Isang babae na may pulang buhok ang nakatayo sa harapan ng isa naming kaklase.

"Pero nauna ako dito!" matapang na sagot ng lalaki.

"Wala akong pakialam! Umalis ka diyan kung ayaw mong sunugin kita ng apoy ko!"

Napahikab na naman ako.

Isang maliit na fireball ang lumabas sa kamay ng babae at parang anumang oras ay handa n'yang ibato iyon sa kaawa-awang lalaki.

Mukha namang natakot ang lalaki. Mabilis itong umalis sa kinauupuan at lumipat sa dulo kung saan nakaupo ang mga mortale na kagaya n'ya.

Aish. Meron talagang tao na wala pa din pakialam sa hierarchy na mayroon sa paaralan na ito. Tsk.

"Sorry I was late."

Nagsibalikan naman sa upuan ang ilang estudyante nang pumasok sa classroom ang aming instructor. May lalaki din s'yang kasama.

Gusto ko namang matawa sa hitsura ng kanyang kasama. Mukha s'yang hinimod ng baka. Ang kanyang buhok ay flat na flat na tila doon na naubos ang kanyang gel. May suot din itong salamin.

Another stupid nerd. Mukhang tatanga-tanga.

"Mayroong humabol para sa klaseng ito," nakangiting saad ng aming instructor. "Introduce yourself."

"Hello!" jolly na saad ng lalaki. "Ako nga pala si Zed Williams. Sana makasundo ko kayong lahat!"

Bigla namang nagtawanan ang mga naroon. Psh! What a great introduction to humiliate himself.

"Technically, bago lang din sa ating lugar si Zed. Mula s'ya sa Norte at kalilipat lang n'ya dito sa ating division."

North guy, huh? Ang wierd naman. Kung kailan ikalawang taon na ng kolehiyo ay saka may lumipat sa academy, at taga Norte pa?

Nagbulungan naman ang mga naroon. Inaasahan ko na magkakaroon ng katanungan lalo na kapag ang isang estudyante ay nagmula sa Norte.

"Maupo ka na Zed."

Pasimple kong sinundan ng tingin ang bago naming kaklase.

Naupo s'ya sa bakanteng upuan na nasa gilid ko. Technically, walang may gusto na umupo sa tabi ko dahil sa posisyon ko sa paaralang ito.

"Hi!" nakangiting bati n'ya sa akin na para kaming close sa isa't-isa.

"Ako nga pala si Zed, ikaw?" inilahad pa n'ya ang kanyang isang kamay.

Sinulyapan ko lang ang kanyang palad. There's no way na makikipag-shakehands ako sa katulad n'ya.

"Ah," tila nahalata naman n'ya. Binawi n'ya ang kanyang kamay. "Ngayon lang ako nakapasok sa school. Home schooled kasi ako mula elementary."

"I'm not asking."

Mukha naman s'yang napahiya.

Ibinaling ko na lang ulit ang aking paningin sa labas ng bintana nang magsimula na ang klase.

"For starters, lalo na sa mga kalilipat lang sa eskwelahang ito. What are the three basic types of magic?"

Seriously? Elementary pa lang ay pinag-aaralan na ang bagay na iyon.

"Me!" nagtaas ng kamay ang katabi ko.

"Zed."

I didn't bother to look at him, pero nanatiling aktibo ang aking tainga sa mga sinasabi ng mga nasa paligid ko.

"Productive, protective at destructive." sagot ng bago naming kaklase.

"Right," ani ng aming instructor saka nagpatuloy sa pagtuturo.

Isa ito sa pinakaayaw ko. Sa aming academy, nahahati ang populasyon sa dalawa. Ang mga gifted at mortals. Nabibilang ako sa una. May ilang subjects kung saan malaya naming nakakahalubilo ang mga mortals.

Ayon sa academy, kailangan na may kaalaman din ang mga tao sa mundo namin. Normal na nga yata ngayon na may mga mortal na nagta-trabaho para sa mga gifted.

Ang kalahating araw ay para sa mga subjects na kailangan pasukan ng mga mortal. Ang natitirang kalahati ay para sa mga gifted lang kung saan kami nagsasanay para mas palakasin ang aming mga kakayahan.

Sa kalagitnaan ng klase ay may mga bulung-bulungan na hindi nakaligtas sa aking pandinig.

"Taga North s'ya? Bakit parang dumadami na ang mga tao at gifted na lumilipat dito sa South?"

"Ano ka ba? Parte pa din naman ng Alegria ang North."

"Pero hindi ba't karamihan sa mga taga North Alegria ay mortale?"

"Nakakainis lang. Padami na ng padami ang mortale sa paaralang ito. Bakit hindi na lang nila tuluyang ibukod ang klase ng mga tao?"

Napailing ako. Doon sila nagkakamali.

Madaming usap-usapan tungkol sa mga taga Norte. Totoo naman na karamihan sa populasyon ng North Algeria ay mga mortale. Pero malaya din doon nakakatira at nakakadalaw ang mga gifted.

Napahikab ulit ako.

Mukhang kailangan kong mag-skip ng klase. Nakakaantok talaga ang diskusyon ngayon. Parang nilaan lamang talaga para sa bago naming kaklase.

Palihim na sinulyapan ko ang lalaking nagngangalang Zed. Mukha s'yang bata na amazed na amazed sa mga itinuturo ng aming instructor. Kung home schooled s'ya, talagang maninibago at hahanga s'ya sa kaalaman na itinuturo lang sa paaralan.

Pumikit na lang ako. Para tuloy mas gusto ko pa'ng makasama ngayon ang sira ulo kong kaibigan kaysa magtagal dito sa loob ng classroom at makinig sa walang kwentang klase.
           
             
               
               
                
                 
               

SUPERNO ACADEMY: SHADOW PRINCE (COMPLETED)Where stories live. Discover now