[S2] Chapter 15

31 8 0
                                    

Votes and comments will be highly appreciated!!!
             
             
            
NAGSALUBONG ang aking kilay nang mapansin ko na kakaiba ang aming dinadaanan. Nagtago ako sa likod ng isang puno saka palihim na tiningnan si Zed na naglalakad sa 'di kalayuan.

Mula sa mall ay palihim ko na s'yang sinusundan. Pero ito ang hindi ko inaasahan, sa isang mapunong lugar sya nagtungo. Wala halos tao sa paligid at tanging sinag lang ng buwan ang ilaw sa kapaligiran. Mukha naman s'yang kampante kahit mag-isa lang s'ya. Ni hindi man lang yata s'ya natatakot, bagkus ay pasipol-sipol pa s'ya habang naglalakad.

Hindi naman nya ako nahalatang sumusunod sa kanya. I made sure to keep myself distant from him. Para na nga akong ninja sa pagsunod sa kanya.

Tsk, sa buong buhay ko ay ngayon ko lang ito nagawa.

Napansin ko naman na huminto sya at luminga sa paligid. Kaagad naman akong nagtago muli para hindi n'ya makita. Did he sense my aura? Napailing naman ako. I'm wearing a necklace that should mask my aura. Hindi n'ya dapat maramdaman na sinusundan ko s'ya.

Makalipas ang ilang segundo ay marahan ulit akong sumilip sa direksyon n'ya ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita kong wala na s'ya doon.

Where did that asshole go?! Lumabas ako mula sa aking pinagtataguan saka marahan na naglakad. I also heightened my senses just in case. That guy is weird, hindi na ako magtataka kung bigla na lang n'ya ako atakihin.

Tanging huni lang ng kuliglig ang aking naririnig. Nakailang minuto na yata akong naglalakad ngunit hindi ko pa din s'ya nakikita. Nakakapagtaka din na parang kumakapal ang hamog sa parteng ito ng kakahuyan. Maging ang liwanag ng buwan ay hindi na makapasok sa kapal ng dahon ng mga puno.

Isang kaluskos naman ang nagpalingon sa akin. Shit! Pinatalas ko ang aking paningin habang tinitingnan ang aking paligid. Kapansin-pansin din na tumahimik ang paligid. This place is creepy.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may isang ice spike ang papalapit sa akin. I immediately did a back flip to avoid it. Tumama naman iyon sa isang puno.

Inihanda ko ang aking sarili. I activated my ability while looking around. Gago ka Zed, umaatake ka ng palihim!

Isang kaluskos na naman ang aking narinig. Sa tingin ko ay nagmumula iyon sa kanang gawi ko kaya nagpakawala agad ako ng malakas na hangin sa gawing iyon. To my surprise, walang tao doon.
             
This is crazy.

I sighed and stood straight. Isa lang ang naiisip ko.

"Duwag lang ang nagtatago," sigaw ko. "Bakit hindi mo ako harapin at nang magkaalaman na tayo!"

Lumipas ang ilang segundo ngunit tanging pagaspas lang ng mga dahon ang aking narinig. Natigilan din ako nang may naramdaman akong kakaiba. May aura sa malapit ngunit marami sila!

Mula sa isang puno ay may lumantad na nilalang. My eyes widened when I saw a black cloak. Ilan pang mga nilalang na nakasuot ng cloak ang isa isang lumabas mula sa kinatataguan nila.

This is bad. Mula ba sila sa Black Council?! 

I positioned myself, ready to attack anytime. Ngunit nanatili lang silang nakatayo doon na parang naghihintay lang ng sunod kong gagawin.

"Ano'ng kailangan n'yo!" sigaw ko.

"Ikaw."

"Ako? Ano'ng kailangan n'yo sa akin?!"

Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos. The outnumbered me at kung hindi ako mag-iisip ng plano, baka magaya ako sa kasama ko noon sa Muhan.

"Iniimbitahan ka ng aming pinuno," saad ng isa. "Salamat at ikaw na ang nagpunta dito."

Nagtaka naman ako. "Sino kayo?"

"Sa tingin ko ay kilala mo na kami."

I was right. Posible ba na dito sa norte ang kuta ng Black Council?!

"Sumama ka sa amin, maraming inihanda sa'yo ang aming pinuno. Mas matutulungan ka n'ya na mas lumakas."

"Paano kung ayaw ko?"

Nagkatinginan naman sila.

"Kung hindi ka sasama ng maayos," saad ng isa. "Mapipilitan kaming pwersahin ka!"

Hindi agad ako nakahuma nang magpakawala s'ya ng madaming spikes papunta sa aking direksyon. I immediately jumped and cast a spell.

"Wind disk!" sigaw ko.

Isang ipo-ipo ang aking pinakawalan na sumalubong sa mga spike na papunta sa akin. Hindi ako magpapahuli sa kanila ng buhay!

"Attack him!" sigaw ng isa sa naroon. "Just make sure not to kill him, kailangan s'ya ng pinuno!"

Nanlaki ang mga mata ko nang sabay-sabay silang tumakbo palapit sa akin. One of them casted large ice spikes. I immediately used my ability to dodge it. I landed on one of the branches while panting. Masyado silang madami at sa tingin ko ay malayo ang lugar na ito sa kabihasnan.

Hell, kayo ang dapat matakot! This is my chance to avenge Ron's death!

Gamit ang isa kong ability ay lumikha ako ng ilusyon. I duplicated myself para lituhin sila.

"Malakas nga ang gifted na ito!" sigaw ng isa sa naroon. "Find the real one, ako na ang bahala sa iba!"

No you won't. Nagpakawala ako ng sunod-sunod na wind blades na tumama sa kanila. One of them were even thrown to a different direction. Mabilis na lumipat ako ng posisyon. Humanap ako ng tyempo saka lumapit sa isang nakatayo at hinawakan s'ya sa leeg. He kneeled down while catching his breath. I just drained his life force, making sure that he won't be able to move for couple of days.

"Yah!" isang lalaki ang sumugod sa akin. He's fists are burning.

Hindi lang sila malakas, they are also good in hand to hand combat! Nakipagpalitan ako sa kanya ng atake. Ginamit ko lahat ng aking natutunan sa pagsasanay.

"Fuck off!" I released a strong gush of wind towards him. Tumalsik naman s'ya sa malayo.

Ngunit napaluhod ako nang may biglang tumama sa aking tagiliran. Nang tingnan ko ay isa iyong manipis na ice spike. Damn! Pinilit kong tumayo saka hinarap ang nilalang na nagbato no'n sa akin.

"How does it feel?" aniya habang nakatayo lang sa 'di kalayuan.

"Duwag lang ang umaatake ng palihim!"

Tumawa lang naman s'ya ng malakas saka nagpakawala ng malalaking ice spike sa lupa. Nagulat din ako nang may kasama din iyong malalaking tipak ng bato. It looks like it's two versus one. May isa pa palang lalaki ang nakatayo sa 'di kalayuan. I think his using a ground ability together with the ice.

Napahawak naman ako sa aking tagiliran. Using all my force, I created a huge tornado to break their attacks. Lumikha iyon ng malakas na pagsabog. May ilan din puno ang natumba. Mabilis na lumayo ako habang naghahabol ng hininga. Makapal pa ang usok sa paligid at hindi ko makita ang mga kalaban.

Sinulyapan ko naman ang aking tagiliran. Malakas ang pagdurugo non at halos hindi pa natutunaw ang ice spike na nakabaon doon.

Ibinaling ko naman ang paningin ko sa paligid. What surprised me is they're still standing there! Ni hindi man lang ba sila natinag sa tornado ko?

Kumikirot man ang aking tagiliran ay pinilit kong tumayo ng tuwid. I closed my eyes and tried to concentrate.

Mid tier illusion.

Isang malakas na pwersa ang aking pinakawalan. Kasabay nang pagliwanag ng paligid. Kung titingnan ay para kaming nasa tuktok ng bundok habang tirik na tirik ang araw, but no. This is purely illusions. And I finally made it!

Nagkatinginan na naman sila. Apat na lang silang nakatayo, sa 'di kalayuan ay may nakahandusay na sa tingin ko ay s'ya ang tinamaan kanina ng wind blades ko.

"Tama na ang laro!" sigaw ng isa na sa tingin ko ay ang leader nila. "Show him who's powerful!"

Nanlaki ang mga mata ko nang nagpakawala s'ya ng apoy patungo sa aking direksyon. Shit. Kung magpapatuloy ito, mauubos ang mana ko!

Inihanda ko ang natitira kong mana para salubungin ang apoy na iyon. Kailangan kong ma-distract sila para makatakas.

"Fire tornado!" isang sigaw ang nagpalingon sa akin.

My eyes widened when I saw Zed standing there. What surprised me more is when he released a huge fire of tornado mixed with black flames. Lumikha na naman iyon ng malakas na pagsabog.

"May kasama s'ya?!" sigaw ng isang naka-cloak.

Narito din si Zed? Ibig bang sabihin ay alam n'ya ang nangyayari?!

Bored na sumulyap naman s'ya sa akin. His eyes is glowing with weird colors. Ang kanang mata n'ya ay naging asul habang ang kaliwa naman ay pula.

Marahan naman s'yang naglakad palapit sa akin. I can't sense any aura from him which is weirder. Napansin ko na dumako sa tagiliran ko ang kanyang mata.

"Need help?" aniya sa mababang boses.

I scoffed. "Alam mo?"

"Kanina pa. Kung susundan mo ako, better hide your aura."


Kumunot ang aking kilay. He still detected my aura even I'm wearing my necklace?!

"Mukhang malakas din ang isang iyan," narinig ko mula ulit sa isa sa naroon. "His fire ability is already high tier! Isama s'ya sa dudukutin!"

Sa gulat ko ay bored lang na tiningnan ni Zed ang mga kalaban.

"Psh, bunch of idiots," narinig ko pang bulong n'ya.

Nagulat ako sa sunod n'yang ginawa. He exchanged attacks with the enemies. Para lang s'yang naglalaro habang pinupuntirya ang mga kalaban. He even laughed when he missed the other one with his ice spikes.

"Tingnan natin kung maiwasan n'yo pa ito!" he raised his left hand. "Ice castle!"

Ang sinag ng araw ay nawala bigla. Nang tingalain ko ang kalangitan ay nagulat ako nang makita kong may malaking tipak ng yelo sa itaas na puno ng matutulis na spikes.

"Retreat!" sigaw ng kalaban.

Ngunit ngumisi lang si Zed. Ngising nakakakilabot.

"Sino'ng maysabing makakalabas kayo dito ng buhay," aniya. "Checkmate."

With that, he dropped the huge ice.
             
             
             
             
Ipagpapatuloy...

SUPERNO ACADEMY: SHADOW PRINCE (COMPLETED)Where stories live. Discover now