[S2] Chapter 16

31 8 0
                                    

Votes and comments will be highly appreciated!!!
            
               
Zed's POV
            
               
"KAYO NA ang bahala sa kanya," utos ko sa isa naming kasambahay nang madala ko sa isang silid si Calvin.

"Yes sir."

Bahagya akong napangisi nang masulyapan ko si Calvin na wala pa din malay. People will definitely laugh once they discover that their mighty king fainted after I dropped the large piece of ice.

Pero ano ang ginagawa n'ya dito? Did he followed me? I smirked. Kung sinundan n'ya ako dito, iyon ang hindi ko inaasahan. Did he follow me because of our last phone conversation? He's crazy.

Nagkibit balikat na lang ako saka lumabas ng guest room. Kanina ay hindi ko nadatnan dito si Papa. Malalim na ang gabi pero hindi pa din s'ya umuuwi.

Nagtungo na lang ako sa aking silid. Napailing naman ako nang mapansin ko na may ilang punit at dumi ang suot kong damit. Tsk, kabibili ko lang nito. I just change my clothes and style my hair again.

I sat on my bed and stare at the window. Hindi pa din mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Palaisipan pa din sa akin ang mga nakalaban namin. They were all wearing dark hooded cloaks. Ang isa pang nakakapagtaka ay target nila si Calvin.

Natatandaan ko pa ang sinabi nung isa. Gusto din nilang isama ako. Napakunot naman ang aking noo. Tinangka ba nilang kunin si Calvin?

Biglang sumulpot sa utak ko ang mga balita tungkol sa mga nawawalang gifted dito sa North. Konektado ba sila doon?

"Kamuntikan na kami doon," bulong ko. Iniunat ko ang aking katawan. "Aish! Napagod ako dun ah! Malaking mana din ang kinain ng mga pinakawalan kong atake. Ang bigat pa ni Calvin."

I sigh.

Bakit ko ba naisipan na dalhin dito sa bahay ang lalaking iyon? Obvious naman na sinusundan n'ya ako at may balak s'yang masama sa akin. Tsk, siguro ay dahil may plano pa ako sa kanya.

I devilishly smiled. "Hindi n'yo muna pwedeng makuha si Calvin hanggang hindi ko pa 'sya natuturuan ng leksyon."

Akmang hihiga na ako nang biglang magpatay sindi ang ilaw. Napatingala ako. What's going on?

Patuloy pa din sa pagpatay sindi ang ilaw. Mabilis akong tumayo at lumapit sa bintana. I saw some of our security personnel gathering up. Umalingawngaw din sa buong paligid ang malakas na alarm.

"Ano'ng nangyayari?!" mabilis kong isinara ang bintana saka tumakbo palabas.

Ang nagkakagulong kasambahay at security ang aking nakita. Lahat sila ay may mga hawak na armas at alarmado sa nagaganap.

"Sir Zed, bumalik muna kayo sa kwarto n'yo!" isang lalaking may malaking pangangatawan ang lumapit sa akin. "Lock your door and window at huwag kayong lalabas."

"T-teka," pigil ko nang itulak n'ya ako pabalik sa aking kwarto. "Ano ba'ng nangyayari?"

"Sir," si Nana Lourdes ang lumapit sa akin. "May nakita ang ilan nating tauhan sa kabilang parte ng lupain. May ilang tao doon na nakapasok."

"H-ha?"
may nakapasok sa property namin?!

"Bumalik na muna kayo sa kwarto. Tinawagan na din namin ang iyong Papa, masama ang kutob namin sa mga nakapasok."

Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Nana Lourdes pabalik sa aking silid. Like the others, she's also holding a weapon.

"Pumasok na din po kayo sa kwarto n'yo," saad ko.

Umiling naman s'ya. "Handa kami sa mga ganitong pagkakataon. Ikaw ang inaalala namin. Ibinilin ka sa amin ni General kaya dito ka lang sa silid mo. Huwag na huwag kang lalabas."

Pipigilan ko pa sana s'ya pero mabilis na s'yang nakaalis. Isinara ko na lang ang pintuan ng aking silid. I was about to press the lock button when I suddenly remembered something.

Bakit ka magtatago? Isang boses na naman ang umalingawngaw sa utak ko.

Oo nga naman. Bakit ako magtatago? Hindi pa nga nila alam kung may masamang balak ang mga taong nakita nila. Paano kung naligaw lang pala sa lupain namin?

Binitawan ko ang seradura ng pinto. Alam mong walang basta makakapasok sa lupain n'yo. Iyon na naman ang boses.

Napaurong ako. Hindi kaya nasundan kami nang mga nakalaban namin kanina? Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Sumasabay pa ang pagpapatay sindi ng ilaw, mas lalo akong nakaramdam ng takot.

Mas lalong kumabog ang aking dibdib nang nakarinig ako ng putok ng baril sa 'di kalayuan. Shit, ano nang nangyayari sa labas?!
               
            
               
            
               
            

SUPERNO ACADEMY: SHADOW PRINCE (COMPLETED)Where stories live. Discover now