[S2] Chapter 12

34 8 0
                                    

Votes and comments will be highly appreciated!!!
          
          
Zed's POV

MADILIM na ang kalangitan nang nakarating ako sa Salvatore. Mula sa bintana ng sinasakyan kong taxi ay pinagmamasdan ko ang payak at simpleng mga bahay na aming nadaraanan. Isa ito sa mga na-miss ko, ang tahimik at payapang lugar na mayroon sa aming lugar na malayo sa mukha ng South Alegria.

"Hanggang dito na lang ako hijo," narinig kong saad ng drayber. "Private property na iyan at kilalang militar ang nakatira diyan. Hindi na kita maihahatid sa loob."

Sinilip ko naman ang mataas na gate na nasa labas. Finally, I'm home. Nginitian ko naman ang drayber saka nag-abot ng bayad.

"Salamat po." bitbit ang bag ay lumabas na ako ng sasakyan saka naglakad papalapit sa mataas na gate.

Inilibot ko din ang aking paningin sa paligid. May mga street lights naman pero malalayo ang agwat. May ilan din mga bahay sa paligid at mangilan-ngilang tao na nagkwekwentuhan sa labas. Muli ay napangiti ako. Parang kailan lang ay isa ako sa mga bata na naglalaro sa lugar na ito, noong panahon na ang akala namin ay isa lang akong mortale.

Fixing the strap of my bag, I decided to approach one of the guards in front of the gate. Tiningnan naman n'ya ako mula ulo hanggang paa. Hmm, mukhang bago ang isang ito.

"May maipaglilingkod ba ako sa'yo?" saad ng gwardya.

"Papasok ako."

"Sino ka ba? May appointment ka ba sa heneral?"

Lihim akong napangisi. Bigla din umandar ang kapilyuhan ko na matagal ko na din itinatago. Tumikhim ako saka seryosong binalingan muli ang lalaki.

"Bakit? Kailangan ko ba ng appointment para makapasok?"

"Bastos ka ah," hinawakan n'ya ang baril sa may tagiliran. "Tinatanong kita ng maayos bata! Kung hindi ka sasagot ng matino, iisipin ko na espiya ka."

Hindi ko naman pinansin ang pagbabanta n'ya. Itinulak ko ang gate para pumasok ngunit mabilis naman n'ya iyong hinarang. Bahagya din akong nagulat nang itutok n'ya sa akin ang kanyang baril.

"Umalis ka na dito bata, kung hindi ay mapipilitan akong saktan ka!" banta ulit n'ya.

I did even bother to move. Hindi din ako nakaramdam ng takot kahit alam kong anytime ay babarilin n'ya ako. The last time I was here, iilan lang ang bantay sa bahay. Bakit parang mas naghigpit ngayon sa seguridad si Papa?

"Hanson," isang may edad na lalaki ang sumulpot sa likuran ng lalaking may hawak ng baril. Hanson pala ang pangalan n'ya.

"Sir, may nagpipilit na pumasok—"

"But that doesn't mean you can point guns," ani ng matanda na namumukhaan ko. "Pwede mo naman—"

I almost smirked when the old man looked at me. I know he can recognize me.

"Zed?" aniya.
 
"Ako nga po," nakangiti kong bati.

Halos matawa ako nang batukan nya ng malakas si Hanson. "Hindi mo ba nakikilala ang anak ni General Williams?"

Napakamot naman s'ya. "Sir naman, hindi ko naman alam na—"

"Huwag ka nang magpalusot!"

Natatawang umawat ako sa kanila. "Pasensya na po, ako po kasi ang may kasalanan."

"Hindi mo naman kailangang pagtakpan ang nangyari Zed."

"I'm not. Actually I was just trying to test if he's really doing his job," binalingan ko si Hanson. "And he's doing it pretty well."

"Pilyo ka pa din kahit kailan," kinuha n'ya ang dala kong bag. "Alam ba ng papa mo na uuwi ka?"

"Hindi po ako nagpasabi, balak ko s'yang sorpresahin."

He ushered me towards a car na maghahatid sa amin sa main house. Bago ako sumakay ay sumaludo pa sa akin si Hanson.

"Wala pa si General," saad nang matandang gwardya na ngayon ay nakaupo na sa driver's seat. "Baka bukas na s'ya makauwi."

"Ganoon po ba, mukhang busy s'ya."

"Nitong mga nakaraang linggo ay madalas na sa military camp s'ya maglagi. Madami na kasi lalo ang mga kaso ng nawawalang gifted."

Inaasahan ko na iyon. Sa trabaho ni Papa, hindi maiiwasan ang ganito.

"Masaya akong nakauwi ka ng ligtas Zed, sana naman ay tumawag ka para naipasundo ka namin."

Napakamot naman ako. "Nasira po kasi ang aking cellphone."

"Ganoon ba, kaya pala balisa ang iyong papa dahil ilang araw ka na daw hindi matawagan."

Natawa na lang ako. Kailangan kong ihanda ang aking sarili dahil siguradong bubungangaan ako bukas ni Papa pagdating n'ya. Kung bakit kasi hindi ko naisipan na bumili ng bagong cellphone.

"Hindi ba nagpapadala sa'yo ng allowance ang iyong papa?" narinig kong tanong n'ya sa kalagitnaan ng aming byahe.

"Hindi po eh, sa tingin ko ay tinuturuan n'ya akong mag-budget ng pera," tugon ko.

Ngayon ko lang din na-realize kung gaano kahirap magkaroon ng limitadong pera. Kahit naman may kaya ang aming pamilya, hindi kami pinapalaki sa luho. Iyon ang turo ni Papa. That's why all my life, we acted as if we're poor. Naalala ko tuloy iyong mga panahon na nagtitipid kami kahit madami naman kaming pera. Hindi naman chinese si Papa pero may pagkakuripot talaga s'ya.

"We're here." the car stopped in front of an old but grand mansion.

Nauna akong bumaba saka pinagmasdan ang kapaligiran. It's still the same like the last time I was here. Ang kaibahan nga lang ay mas marami ang gwardya dito kumpara sa gate.

Kunot noong binalingan ko ang aking kasama. "Bakit nagdagdag yata si Papa ng bantay? May problema ba?"

Ngumiti naman s'ya. "Alam mo naman sa trabaho ng iyong papa, hindi maiiwasan na may makaaway. Saka ang Ate Zara mo ang nagdagdag ng seguridad dito."

My eyes widen. "S-si Ate Zara? Narito s'ya?"

"Wala, bihira din s'ya magawi dito. Basta isang araw ay nagulat na lang kami nang magdagdag sila ng tauhan."

I wonder why. Alam ko naman na sa trabaho ngang iyon ni Papa ay may pagkakataon na may nakakaaway sila. Especially now, he's a high rank military official. Muli ay binalingan ko ang ilang lalaki sa paligid na armado ng baril. I can sense that they're also gifted.

Kinuha ko na lang ang aking bag saka naglakad papasok ng bahay. Sumalubong naman sa akin ang ilang kasambahay, ang iba sa kanila ay tila bago din.

Pati ba naman maids ay dinagdagan din ni Ate Zara? Paano n'ya kaya napapayag si Papa?

"Zed hijo!" isang may edad na babae ang nakangiting lumapit sa akin.

"Nana Lourdes."

"Bakit hindi ka man lang nagpasabi na darating ka?"

"B-biglaan po kasi, s-saka gusto kong isurpresa si Papa."

"Naku, matutuwa ang iyong Papa kapag nakita ka n'ya. Oo nga pala, kumain ka na ba? Ipapaluto ko ang paborito mo."

Umiling naman ako. "Hindi na po, kumain na ako kanina. Gusto ko na lang muna magpahinga."

"Ganoon ba, sige magpahinga ka na. Malinis pa din naman ang iyong kwarto."

"Salamat po."

Tinahak ko na lang ang malaking hagdan papunta sa ikalawang palapag. Muli ay napangiti ako. I missed this house!
           
           
           
           






Calvin's POV

IBINABA ko sa kama ang dala kong maleta. It's almost eight in the evening and I still haven't reached North Alegria so I decided to stop by on this motel and check in. Magpapahinga na muna ako dahil sumasakit na din ang aking katawan sa mahabang byahe.

I was about to remove my shoes when my phone rang. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay kaagad ko iyon sinagot.

"Lewis," bungad ko.

"Young master, nahanap ko na po ang ilang impormasyon na ipinahanap n'yo."

"Did my mom noticed you?"

"Hindi po."

That's a relief.

Kapag nalaman ni Mommy na inutusan ko ang personal assistant n'ya, siguradong gigisahin n'ya ako. I badly need some information about Zed, and as much as I wanted to ask Dylan to do it, I just can't. Hindi pwedeng madawit na naman s'ya dito, at lalong hindi nila pwedeng malaman ang ginagawa ko.

"What did you discover? Totoo ba ang address na pinadala ko sa'yo?" nahiga ako sa kama.

"Totoo ang address young master."

Psh, that's good. Hindi na kasi ako gaanong nagtitiwala sa record ni Zed sa academy, who knows maybe he also faked his address. Kaya naman bago ako lumakad ay itinawag ko na ang bagay na ito kay Lewis.

"It's just a little surprising young master," ani Lewis.

"Why?"

"The address that you gave me is under the well known and powerful military personnel. Kilala din ang pamilya nila bilang isa sa mga makapangyarihang pamilya sa North Alegria, although they are also silent and secretive about it."

Now that's interesting. Hindi lang pala ang pagiging gifted ang inilihim ni Zed. He's also from a powerful family.

"Ano'ng clan ang pinanggalingan n'ya?" tanong ko.

"It's the Walter-Williams clan. One of the rich families even before. Pero kilala din sila sa pamumuhay ng simple."


"Maybe that's the reason why,"
wala sa loob na naibulong ko.

"Ano po iyon?"


"Wala. Just send me the email about what you discovered."

Lumipas ang ilang minuto saka ako nakatanggap ng email mula sa kanya. I immediately checked it and I was surprised! Lewis sent me a picture of a grand mansion. Matataas din ang bakod sa paligid nito. Ayon din sa ipinadala ni Lewis ay malayo ang kinatatayuan ng bahay ni Zed mula sa highway.

Hindi ko naman mapigilang matawa. All along I also thought that Zed is a poor rat. Iyong mga gamit n'ya ay luma, hindi ko din s'ya nakitaan ng kahit ano'ng mamahaling bagay. He's really good at hiding secrets.

"Now," tinapik ko pa ang screen ng aking cellphone. "Paano ako makakapasok sa loob ng teritoryo mo Zed Williams? I bet your family has a lot of securities."

I need to think of another plan.

Hindi ko inaasahan na ganito ang bubungad sa akin. Of course I can't just barge in inside his house and attack him. Kagaya nga ng sinabi ni Lewis, Zed came from a well known family. Isang maling kilos ko lang ay siguradong lilikha iyon ng malaking balita. At kapag minalas ako, siguradong makakarating din iyon sa kaalaman ng parents ko. And that's the least thing I want to happen.
           
           
           
           
Ipagpapatuloy...

SUPERNO ACADEMY: SHADOW PRINCE (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt