[S1] Chapter 7 ✓

68 10 1
                                    

Please do not forget to leave a vote and comments. You can also follow me for updates.
Please also check my profile for other completed stories.

***

Zed's POV

"BUMALIK NA kayo sa mga classrooms n'yo!!"

Pabagsak na binitawan ako ng dalawang may hawak sa akin. Napangiwi lalo ako sa sakit nang bumagsak ako sa semento. Teka, sino ang umawat sa kanila?

Sinapo ko ang tiyan ko gamit ang isa kong kamay. Mas malala ang nakuha ko ngayon. Nalalasahan ko pa ang maalat na dugo sa loob ng aking bibig. Pakiramdam ko ay mas madaming napinsala sa akin. Paulit-ulit na sinuntok ako nung lalaki na may bakal na kamay. Sa tingin ko ay iyon ang ability n'ya.

Pinilit kong tumayo. Si Dylan ang aking nakita. Nakamasid lang s'ya sa akin. Nakaramdam naman ako ng inis. Kagabi lang ay s'ya ang nanakit sa akin, pagkatapos ay ipagtatanggol n'ya ako ngayon?

"Hindi ko kailangan ng tulong mo," seryoso kong saad.
     
Nakita ko naman na tinaasan n'ya ako ng kilay. "Don't flatter yourself mortale. Trabaho ko ang magdisiplina ng mga estudyante na kagaya nila."

Hindi ako umimik. Paika-ikang ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad.

"May gana ka pa na yabangan ako, ikaw na nga itong nabugbog," aniya na nagpahinto sa akin sa paglalakad.

"Kung trabaho n'yo ang panatilihing ligtas ang mga estudyante dito, bakit may mga nasasaktan pa din?"

Naramdaman ko naman na lumapit s'ya sa akin. "Iyan ba ang igaganti mo matapos kitang tulungan?"

Natawa ako. "Kagaya nga ng sinabi mo, trabaho mo ito."

Nakita kong tumalim ang mga mata n'ya. Umilaw din iyon. Pathetic.

Itinaas ko ang aking ulo para pantayan s'ya. Diretsong tiningnan ko din s'ya sa mga mata. Mag-iisang taon na ako sa academy na ito pero paulit-ulit lang ang nangyayari sa akin. Hindi lang sa akin, maging sa mga ibang mortale at commons.

"Bakit," tanong ko. "Susuntukin mo din ako?"

Hindi na ako nagulat nang kuwelyuhan n'ya ako. Tumaas din ang isa n'yang kamao na tila susuntukin nga ako.

Ngumisi naman ako. "Ganito pala ang mga nasa posisyon? Nananakit din kapag walang nakakakita?"

"Huwag mo akong pikunin mortale. Wala akong pakialam sa posisyon na mayroon ako. Nagtitimpi lang ako sa kayabangan mo!"

Itinaas ko ang magkabila kong kamay. "Pwede mo naman akong saktan."

Ilang segundo ang lumipas at nanatiling nakatitig lang sya sa akin. Maya-maya ay nagbalik na sa normal ang kanyang mga mata. Ibinaba din n'ya ang nakaambang kamao saka ako pabalya na itinulak.

"Sa susunod na sagutin mo ako ng ganyan, makakatikim ka na talaga sa akin Zed."

"Hindi ba't binalian mo na ako kagabi pa lang?" matapang kong sagot.

Napansin ko na dumako ang kanyang mga mata sa kamay ko na may benda.

"Useless royalties," bulong ko saka nagpatuloy muli sa paglalakad.

"Ano'ng sinabi mo?!!!"

"USELESS. ROYALTIES," ulit ko.

Hindi ko alam kung paano pero basta na lang ako tumapon sa punong naroon. Naramdaman ko ang pagtama ng katawan ko sa isang matigas na bagay bago ako bumagsak sa lupa. Sunod na nakita ko ay ang papalapit n'yang paa. Shit. Mukhang nagalit ko na s'ya.

Hindi na ako nakapalag nang sunod sunod n'ya akong sipain sa aking sikmura. "Magtatanda ka na siguro mortale! Kung kay Calvin mo sinabi ang bagay na iyan, mas malala ang matatanggap mo!"

SUPERNO ACADEMY: SHADOW PRINCE (COMPLETED)Where stories live. Discover now