In the beginning...

98 21 2
                                    

Hi! I'm glad you're here reading my story. Before you read I would like to inform you that all of these are just fictional and just all my imagination. In case some part of this story happened to be the same in other stories or reality, I would like to inform you that it's just pure coincidental. Also, beware of some grammatical errors. This is not edited yet. I'll try my best to make this story work and make it unique. Incase you may not like my story just please tap exit. All of these are just for fun. Thank you. Enjoy!

This is a story behind the two housemates with humor, kilig, challenges, and of course, love.

------------------------------------------------------------

"My, I'll be okay with Tita Anna. Don't worry, 'kay?" I assured her because she won't just listen.

"I know anak. I understand naman why you have to leave Manila. It's like every part of this place ay may naalala ka dahil sabay kayong lumaki dito
ni---"

"Hey. Mom, stop." I stopped her words before it's too late. I might cry again.

"Sorry." she said softly and looked down.

"Hey... " I went to mommy so I could embrace her with a hug.

I heard her soft sobs while hugging me tight so I tapped her back gently to give her comfort.

"I love you My."

"I love you too my Gabby baby." That made me smile.

When I was already sitting on the plane my tears fell. I can't just help it. I let out a heavy sigh and wipe my tears. It's okay. Everything will be alright soon. Then I smiled.

I'm at the plane going to Cebu. Tita Anna, my mother's twin live there. They both grew up in that city but mommy married daddy who is from Manila so when they planned to settle down they picked Manila because daddy's family business is in there. Pero hindi din masyadong tumagal ang negosyo nila dahil noong 10 years old palang ako, namatay si Lolo and my daddy's weak heart slowly gave up. Grabe ang naging epekto non kay dad nang kunin sa amin si Lolo. Even me, hindi ako nakakatulog ng maayos noong mga gabing iyon.

So the years I spent in Manila after Lolo and Dad died was just me and Mommy. She raised me alone with my Tita Anna in Cebu. Sila nalang ang pamilya ko. Mommy wants to be with me in Cebu though. But wala nang matitira sa aming negosyo na iniwan ni dad. It's not that big na din naman since bumagsak ito nang namatay si dad so madali nalang e-handle. So she'll visit nalang pag may time.

I took the grab from the airport going to my Tita's place. My Tita have this business. It's an apartment for rent. The place is good at bentang benta din dahil malapit lang sa isang university at nasa sentro pa ng city so mostly students yong mga nag rent. Libre nga lang ako don sa apartment para daw maka tipid kami ni mommy sabi ni Tita which is I'm grateful of.

The grab stopped in a three story building. I paid the driver and went near the gate to press the bell. I waited seconds before the gate opened with my big luggage beside me. The gate opened and it revealed my beautiful tita.

"Gabriellaaa!!" my tita said with a high pitch.

I laughed at her reaction and went to hugged her.

She caressed my face and said. "Ka dalaga naman intawn nimo indae! Awang face oh! Lahi jud nato ning mga gwapa!" (Ang dalaga mo na hija! Tingan mo nga yang mukha mo oh! Nasa lahi talaga natin ang kagandahan!)

I laughed at her statement.

"Ay naku tita! Tama ka diyan!" I said still laughing.

"Talaga lang nu! Oh siya, sige pasok ka. Hinanda ko na ang kwarto mo Gab at pagpasensyahan mo nalang dahil may makakasama ka sa kwarto. Wala na kasing bakante dahil pasukan madami yung mga nag renta." ani ni tita paakyat sa bahay.

"Tita naman, okay lang po! Importante po iyong may matutuloyan ako dito." sabi ko

Tumigil kami sa isang pintoan dito sa third floor. Binuksan niya ito at bumungad sa akin ang isang malinis na tuluyan. Ang room na ito ay kumpleto na. May maliit na living room. May isang tv at pahabang sofa toon. Mayroon ding dining area na katabi lang din ng sink. May tatlong pintuan sa loob ng room, iyong isa daw ang cr tsaka ang dalawa ay ang mga rooms. Dumiritso si tita sa isang ointo at binuksan niya ito.

"Dito ka hija. Si Yna ang makakasama mo dito. Sa kabilang kwarto ay sina Z. Mga lalaki hija pero mababait naman yon. Umalis lang sila saglit para may asikasuhin sa paaralan." kwento niya.

Inayos ko naman yung mga dala kong gamit. Maya maya ay nagpaalam si tita dahil may gagawin daw muna siya sa baba. Lumabas din muna ako sa kwarto para pumunta sa sala. Nagtitingin ako sa mga gamit sa apartment nang may napansin akong picture na kuha sa polaroid camera. Nakahalik sa pisngi ng babae ang lalaki habang ang isang lalaki naman sa litrato ay naka busangot lang. Ang ganda nila tingnan. Ang ganda ng babae at gwapo rin ang kanyang nobyo pero mas nakuha ng aking atensyon ang lalaking nakabusangot. His jaw, expressive eyes, pointed nose, cleaned cut hair, and his thin lips on pout ay ang gandang pagmasdan. Mukhang naiinip siya sa litrato. Napangiti ako. Ang bitter naman.

Biglang bumukas ang pintoan ng apartment at iniluwal nito ang babaeng naka shorts and t-shirt at lalaking naka pants with his jacket. Their both laughing when they went inside but nawala din nung nakita nila ako.

Hala ka diyan. Hindi po ako trespassing.

"Uh...Hi..!" I don't know what to say. Ano ba naman yan.

"Hi! Ikaw ba si Gabriella?" tanong ni ate girl at pansin kong siya pala iyong babae sa litrato at kasama nito ang kanyang kasintahan.

"Sino siya mahal?" singit ng kanyang nobyo.

"Iyong nabanggit ni Tita Anna. Lilipat daw dito. Siya ang bago nating housemate." ani nito.

Napa "oh" naman ang nobyo nito at nanlaki pa ang mga mata.

"Ay talaga? Ang crush ni Paul na hindi niya pa nakikita?" he replied.

Paul?

Hinampas ni ate girl sa braso ang nobyo niya kaya napatigil ito sa pagtawa.

"Tumigil ka nga!"

"Aray naman! Oo na." naka simangot nitong sabi.

"Pasensya na Gabriella. Ako nga pala si Yna at siya si Z boyfriend ko." ani ni Yna at naglahad siya ng kamay.

"Ah hindi, okay lang. Gab nalang din for short." I replied to her and shook her hand.

"Hali ka, may juice dito sa ref at bread. Pasensya kana nakalimotan kasi naming ngayon pala ang dating mo." si Yna.

"Naku, salamat." nahihiya kong tugon.

Well at least, okay naman sila.

Pumunta din si Z sa kusina. Nagsalin siya ng juice at kumuha rin ng bread. Bumukas naman ang pintoan at pumasok si tita.

"Oh Yna! Mabuti't nariyan na pala kayo." bungad niya.

"Oo nga ho e, ang traffic kasi kaya natagalan kaming makabalik. Ito kasing si Z may gustong puntahan sa Pardo ayan tuloy. " kwento ni Yna

"Mahal, kain ka muna oh." inilahad ni Z malapit sa baba ni Yna ang pagkain nitong hawak. Yna opened her mouth naman but biglang binawi ni Z at siya ang kumain.

"Bwesit ka talaga!" Yna shouted to Z.

"Usto mo? Kuha ka, there oh, you have hands." Z teased her.

"Hay nako sayo Z. Kumusta pala? Tapos na kayong mag enroll?" tita said.

"Opo gwapita! Madali naman pong natapos." he said ang winked at tita.

I ate the dinner with them. Ang sarap magluto ni Z. Napasarap din ang aming kwentohan. Sobrang kulit ni Z at ang pikon naman ni Yna. But so far, I already like them. They're so approachable and good to be with.

I learned that Yna pala is a nursing student and Z is studying architecture. Both of them are in a different University. Ang tagal na din pala nila. High school lovers.

After naming mag usap usap ay nagpaalam na muna ako para matulog dahil pagod pa ako galing sa byahe. Sila naman daw ay manood muna ng series sa tv dahil hindi na sila makapag chill sa gabi masyado pag may klase na.








To be continued...

How Far Love Can Take You? (On going)Where stories live. Discover now