2. The one with the Mrs.

31 19 1
                                    

After that incident with kuya bwesit guy ay naging maayos na din naman araw ko. Buti nalang. I took jeep again pabalik sa apartment. Dumiritso muna ako kay Tita para sabihing nakauwi na ako and went to our room na.

When I opened the door nakarinig agad ako ng nagtatawanan. Sila Yna. I closed the door and it made a little noise kaya napalingon sila sakin.

"Oy Gab! Nandito kana pala. Naka luto na kami ng dinner at hinintay kalang namin. Tara kain na tayo." si Yna

"Really mahal? Kami? E ako lang naman ang nagluluto sa bahay na to." si Z

"Hoy! Nagluluto rin ako no!" defense ni Yna.

"Luto in your dreams." si Z

"Aray!" si Z ulit dahil kinurot siya sa tagiliran ni Yna.

I chuckled.

"Ehem." someone in the living room made a fake cough.

"Oy oo nga pala nandito pala si papa Paulito. Hali kana din, kain kana senyorito!" Z said to the man na nakahiga sa couch.

My eyes widened when I saw kuya bwesit guy stood up from the couch.

"Ikaaaw?!?" I said. Over reacting.

He seemed not shocked at all when he saw me. Ako lang. Hindi parin nawala sa mukha niya ang bwesit niyang mga ngiti. Hindi ba yan napapanis?

"Hi." he said

"Oh? E nag met na pala kayo?" si Yna

"Yes mga kapamilya. Siya si ate lame slash ate conyo slash but cute." he said to them.

Buhay nga naman oh. Hindi pa talaga ako tinantanan ng kamalasan.

"Anong ginagawa mo dito? Ha?" I said so pissed. I remembered what happened kanina sa school at naiinis na naman ako. I'm not usually like this. Hindi ako pikon. But the hell with this mokong. Ngiti niya palang sumasabog na ako.

"Ahh Gab, dito din kasi nakatir--" Yna's words was stopped by kuya bwesit guy's hush gesture.

"Hush Yna. Kaya ko na 'to. Problema namin to ni Miss Lame kaya kami bahala dito." mokong said to Yna. A smirk is on his stupid face. What an idiot.

"Mahal, buhay mag-asawa ata. Wag kana diyan mangialamsss." Z whispered to Yna but everybody in the room could hear it.

"Ay hehe" si Yna then went to the table.

"Oh? Ano? Ano nga gawa mo dito?" sabi ko hindi parin tapos.

"Makikikain lang po madam!" energetic nitong sabi at walang hiyang umupo din sa aming dining table.

"Aba.. Aba..." I said putting down my bag in the couch and went to them. I'm already cursing him in my mind but I stayed calm.

"Hoy mister! Kapal mo din e no? Maka upo ka diyan parang hindi mo ko sinaktan kanina!" I spat.

"Mister, ano ba naman yan uy." si Z kay mokong. Halatang nang-aasar na naman tong si Z. "Ayosin niyo yan uy! Naririnig kayo ng mga anak niyo. " he added and covered his ears, ganon din si Yna, tinakpan niya rin ang kanyang mga tenga. Lokong magkasintahang to! Mag-asawa ba naman daw kami. At sila pa talaga anak namin?

"Mga anak, pasensya na. Bad trip mommy niyo galing sa work. Mis-este Misis ko, kain na muna tayo. Masama ang mag-away sa harap ng pagkain." he said. At talagang sinakyan pa ang pang-aasar nina Z.

"Alam mo, bwesit ka. Humanda ka mamaya." I said at umupo na rin. Masama nga naman talagang mag-away sa pagkainan.

"Mamaya na daw kayo away sa kwarto." si Z.

Isa din tong si Z. Sarap tahiin ng bunganga. Jusko.

"Ep ep ep. Tama na. Kain muna mga pare. Naririndi na ako sa inyo." si Yna.

After we ate our dinner ay nag representa na akong maghugas ng mga pinagkainan. Nakakahiya kasi libre na ang dinner ko. Sa Saturday nalang dahil free ako, ay pupunta akong grocery para sa amin.

"Paul, paki on nga ng tv." dinig kong utos ni Yna sa kay mokong who's laying in the couch na naman. Naka patong pa ang paa sa center table.

"Paul pala pangalan mo? Akala ko kasi Paultangina" sabi ko.

"Woaah" si Z na nagtotoothbrush. Itinaas pa ang kamay sa akin para mag high five. Nag apir kami both laughing.

"Oy Misis, hindi pa pala tayo tapos? Hindi pa natutulog ang mga bata. Naririnig ka." he smirked. Hindi man lang na inis. Ako lang talagang na iinis dito eh. Unfair ng buhay. E kanina din sa school hindi man lang siya na inis while me, I was fuming mad.

"Kasalanan ko bang bwesit ama nila?" I replied. Smirking now. I can't be the loser here.

"Another apir naman diyan Miss Gabby!" si Z with his palm on the air. Nag apir ulit kami.

"Sa susunod paring Z, sa akin ka naman aapir." he said to Z. "Araw mo muna ngayon Misis ko." he said to me and winked. He stood up with a smile plastered on his face and went to the boy's room.

Aba. Mukhang dito din matutulog si mokong.

To be continued....

How Far Love Can Take You? (On going)Where stories live. Discover now